Chapter 9

3.4K 43 1
                                    

BIGLANG nanigas si Ampy sa kinauupuan niya nang maghinang ang mga labi nila ni Adrian. Sa una ay nakabukas ang mga mata niya at inisip niyang itulak ito palayo sa kanya, ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hindi niya nagawa. Dahil ba pamilyar ang halik na naramdaman niya? Hindi niya alam kung bakit biglang gumiit sa isip niya ang unang halik ni Andrei sa kanya. Ang araw na sinabi niya ritong mahal niya ito. Bakit parang ganoon ang halik na naramdaman niya ngayon? Matagal na iyon, pero parang ibinalik ng halik ni Adrian ang kilig at tuwang naramdaman niya nang araw na iyon.

Kinabig siya ni Adrian hanggang sa magdikit ang kanilang mga katawan. Ramdam na ramdam niya ang pananabik sa palalim nang palalim na mga halik nito. Why couldn't she refuse? Bakit parang gusto pa niyang lalong idarang ang sarili sa tuksong iyon? Bakit parang ang pakiramdam niya ay matagal na matagal na silang
hinahanap niya You. Adrian. Your totality. Your image. Mukha ko ang nakikita niya pero ugali at kabuuan mo ang hinahanap niya. something 1 couldn 't give her because I am not you. "

Nagtagis ang mga bagang niya nang patigilin niya ang treadmill. Nabasa niya sa mukha nito ang paghihirap at hindi niya alam kung ano ang gagawin o sasabihin niya para mapagaan ang nararamdaman nito.

"I'm doing everything to make her happy," patuloy na sabi nito. "Lahat, ginagaWa ko pero parang kulang pa rin. Hindi ko pa rin makita ang napakasayang ngiting una kong nakita sa kanya habang ikaw ang kasama niya. That's why I couldn 't tell her the truth until now. Hindi ko masabi sa kanya na ikaw ang una niyang nakilala. Na hindi ko maibalik ang mga bagay na na-miss niya sa akin dahil hindi ako ikaw. And I'm afraid, Adrian. I'm afraid I'm going to lose her if I tell her the truth. Kaya nakikiusap ako. Can we keep our secret forever? Puwede bang ilibing na lang natin sa limot ang lahat?" Saka pa lamang siya nito tiningnan sa nakikiusap nitong mga mata.

, "Oo naman, " pilit nagpapakakaswal na sagot niya.

"Thank you, bro. " Saka pa rin lang nanulay ang ngiti sa mga labi nito. "You 've given me the most important thing in this world, my happiness. I don' know how to thank you. But I promise you. babawi ako sa ibang paraan. I wish I can also give you your happiness. "

Sa pagkurap ng mgamatani Adrian, sakapalamang siya nakabalik sa kasalukuyan. Nanatiling nakatingin siya sa walang malay na si Andrei. Mahal siya ni Ampy. Iyon ang paulit-ulit na sinasabi nito noon. At marahil ay mabilis niyang makakamtan ang pag-ibig na iyon sa oras na sinabi niya ang totoo kay Ampy. Sa oras na tuluyan nang namaalam sa kanila si Andrei.

He closed his eyes. Paano niya nagagawang maisip iyon sa kabila ng katotohanang nahihirapan siyang pagmasdan si Andrei sa kalagayan nito ngayon? He loved his brother. He loved Ampy. At maipapakita niya ang pag-ibig na iyon sa pamamagitan ng paglikha ng tulay na patuloy na magdudugtong sa dalawang taong

mahal na mahal niya. "Team, are you ready?" tanong ni Dr. Osborne sa
surgical team na mag-oopera kay Andrei.

"I am," punumpuno ng determinasyon ang boses na tugon niya. He was going to make his brother come back. For him. For Ampy.

HINDI mawala ang kaba sa dibdib ni Ampy habang' hinihintay na matapos ang operasyon ni Andrei. It was a major operation. Halos kalahating araw ang itinagal.

At sa mga oras na nasa operating room si Andrei, nanatili naman sa chapel si Ampy at ipinagdasal ang kaligtasan at paggaling nito. At nang ilipat ito sa suite ay hindi niya ito iniwan. Nanatili siya sa tabi nito, patuloy na nananalangin na sana ay magkamalay na ito.

At sa pagkislot ng kamay ni Andrei na hawak-hawak niya nang mga sandaling iyon, tuluyan nang nabuhay ang pag-asa sa puso niya para dito. "Andrei?" Sa nanlalaking mga mata ay hinintay niya ang paggalaw ng kamay ni Andrei. Hindi niya binatawan ang kamay nito hanggang sa humawak iyon nang mahigpit sa kamay niya. "Andrei, you're awake!" sabi niya kasabay ng paglandas ng luha sa kanyang mga mata. "You're awake!"

"Till Death Thou As Part"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon