Chapter 5

4.8K 41 1
                                    

“NAKAKAHIYA naman sa ‘yo, Doktora. Palagi n'yo na lang akong isinasabay,’ ” sabi ni Rose nang pasakay
na sila sa kotse ni Ampy sa parking lot ng ospital nang sumunod na araw.

“Hay, naku, para namang hindi tayo magkaibigan," tugon niya rito habang binubuksan ang kotse. Ito ang naging kaibigan niya sa Mary Grace General Hospital. Ito kasi ang madalas na kasa-kasama niya at magaan

ang loob nila sa isa't isa. Kung hindi kinulang sa budget ang mga magulang nito, malamang ay isa na rin itong doktor dahil pinangarap din nitong ipagpatuloy sa Medisina ang premed course na kinuha nito. "Tsaka, puwede bang tanggalin mo na ‘yang dokto-doktora na yan? Nasa labas na tayo ng ospital." .

“Okay,” napangiting saad nito. "Basta, Ampy, ha, bigyan mo ako ng tips pag kasal na kayo ni Andrei."

“Oo naman.” Nginitian niya ito. Ikakasal na rin kasi ito sa December. Iyon ang buwan na uuwi ang boyfriend nito na isang overseas Filipino worker na nakabase ito sa Dubai. May plano itong sumama sa Dubai pagkatapos ng kasal ng mga ito at doon na magna-nurse.

“Hi, Ampy,” sabi ng boses sa likuran nila ni Rose_

N apakislot siya nang sa pagharap niya ay nakita niya si Greg.
“Rose, let’ s go," aniya, saka mabilis na sumakay sa kotse.

"Ampy, please, ‘wag mo naman akong iwasan nang ganito," sabi ni Greg, sabay katok sa salamin ng kotse.
“I just wanna talk to you. I just wanna be intimate With you."

Inis na ibinaba niya ang salamin ng kotse. “I said I’m already engaged so stop bothering me, Greg!” hindi na niya napigilan g singhal dito.“ Wag mo na akong tawagan. Wag mo na akong puntahan dito. Patahimikin

,,,

mo na ako. “I can’t!” mariing sagot nito. “I’m so deeply in love with you.

“You’re sick!” Alam niyang wala ring mangyayari kahit kausapin pa niya ito sa maayos na paraan. Mukhang wala itong balak na patahimikin siya. Minabuti niyang itaas na lang ang salamin. ng bintana saka pinaandar ang kotse palayo nito.

“Ampy!” tawag pa ni Greg. “Ampy, please talkto me! Ampy!”

N agbingi-bingihan na siya.

“Ampy OVER' na ‘yon, ha,” komento ni Rose
habang-daan. "Mukhang nae-obsess na sa " yo 'yong tao. Dapat. l-report mo na sa pulis ‘ yon."

“I will." sagot niya. "Kinakabahan na rin naman ako sa iniaasal ng lalaking "yon. Akala ko pa naman no'ng una, nice lang talaga siya. "ay, naku. Wala pa naman ngayon si Andrei."

Hindi na nawala sa isip niya ang nangyari hanggang sa maibaba niya si Rose sa tapat ng apartment na nirerentahan nito. Mag-aalas-nuwebe na noon ng gabi. Plano niyang dumaan sa police station para i-report si Greg pagkagaling niya sa bahay ni Rose nang bumuhos ang malakas na ulan at nagkandabuhul-buhol ang traffic sa daan. “God, ngayon pa umulan," bulong niya, sabay ? hampas sa manibela ng kotse. Isang oras yata siyang naipit sa traffic bago tuluyang naging maluwag ang daan.

Wala siyang ibang gustong sisihin kundi ang traffic nang bigla na lamang tumirik ang sasakyan niya. “Oh, no!” usal niya habang pilit ini-start ang kotse niya. Automatic pa naman iyon kaya mahirap buhayin ang makina. Inis na bumaba siya at pilit na itinulak ang sasakyan sa tabi. Palibhasa malakas pa rin ang ulan, hindi siya nakaligtas sa pagkabasa ng ulan.

Kumuha siya ng flashlight at itinaas ang hood para siyasatin ang makina gayong wala naman siyang gaanong alam sa pag-aayos ng sasakyan. Madalas na talagang magloko ang kotse niya lately pero kampante
siya dahil puwede niyang tawagan at hingan ng tulong  si Andrei anumang oras. But Andrei wasn't here right now. Gaya ng dapat asahan, wala siyang nagawa para maayos ang kotse. She looked around. Liblib na lugar pala ang kinaroroonan niya. Magkakatabing cemeten'es ang nasa paligid niya. Medyo may distansiya kasi ang Village nila

"Till Death Thou As Part"Where stories live. Discover now