Chapter 1

10.3K 53 0
                                    

TAGAKTAK na ang pawis ni Ampy bago naiiri ng pinapaanak niya ang anak nito. Pinutol niya ang pusod ng sanggol, saka inilapag ito sa tiyan ng ina. “Very cooperative mom, here’s your baby boy," nakangiting anunsiyo niya sa ina habang hinahayaan niyang umiyak ang sanggol. Isang sulyap ng ina sa bata at ipinikit na nito ang mga mata N akatulog ito sa sobrang exhaustion.

“Ang bilis ng delivery," komento ng nurse sa kanya."Ang galing ninyo talaga, Doktora."

“Thanks, Rose,". aniya, sabay kindat dito.

"Phototherapy for eight hours. Hindi compatible ang blood type ng ina at ng baby. Inform me ‘pag may problem, okies?”

“Yes, Doc." .

Pagkatapos ay masaya na niyang tinungo ang washroom at tinanggal ang kanyang cap, mask at gloves. Pakanta-kanta pa siyang naghugas ng mga kamay sa lababo. Ganoon palagi ang mood niya sa tuwing may naipapanganak na sanggol sa ilalim ng kanyang pangangalaga. At twenty-seven. she was already an obstetrician-gynecologist. Tagapanganak ng mga sanggol. taga opera ng mga babaeng maysakit sa reproductive organs. Isang masayahin at inspired na doktor.

"Why does my heart stop beating whenever i see u Ms.very beautiful doctor?" Isang tinig mula sa likuran niya.

May ngiti sa mga labing nilingon niya ang mgsalita. She knew it was him-Sebastien Andrei. Wala na ritong hindi pamilyar sa kanya. Magmula sa boses nito, sa pabango hanggang sa mga paborito nito. He was her Sebastien because they were engaged to be married.

"Babes," may ngiti sa mga labing sabi niya pagharap dito. "FYI Mister, this is not your operating mom."

Nakasandal ito sa dingding. He was so handsome in his layered suit. Bagay na bagay sa almond-shaped eyes nito ang suot na eyeglasses. He began wearing glasses at twenty-three. Nearsighted kasi ito.

Nakangiting kinuha nito ang towelette at pinunasan ang basang mga kamay niya. "Dinner at eight?" bulong nito sa kanya nang bahagyang i-brinush nito ang mga labi sa dulo ng kanyang tainga.

"What's the occasion?" halos pabulong ding tanong mya.

“You’re with me. That's the occasion." Hinawakan nito ang baba niya, saka bahagyang itinaas ang kanyang mukha hanggang sa maghinang ang kanilang mga mata He was really handsome. Ngayon pa lang ay halata
niya kung gaano siya kasuwerte para'maging asawa ito,

Walang hindi nagkakagusto rito sa medical institution
na iyon. Hearthrob ito noong high school, college, at hanggang ngayon. Pero napakasuwerte niya dahil siya ang napili nitong pakasalan. '

"Okay, babes."

Dahan-dahang naglapit ang kanilang mga mukha hanggang sa halos ay nalalanghap na nila ang kanilang
hininga. Malapit nang magdikit ang mga iyon nang bigla na lang bumukas ang pinto ng operating room. Parang napasong bigla silang napalayo sa isa’t isa nang pumasok ang lalaking iyon.

“Give me back my eyeglasses, Adrian!" kunot-noong sabi ng lalaki. .

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawang lalaki. "Andrei, babes?" aniya sa bagong dating.

Iyon lang at humagalpak ng tawa ang lalaking inakala niyang si Andrei at kamuntik nang humalik sa kanya kanina. He was not her Andrei after all. He was Sebastien Adrian, ang kakambal ni Andrei. At nagpanggap na naman itong si Andrei gamit ang eyeglasses ng nobyo niya

“You’re so mean!” singhal niya kay Adrian, saka pinaghahampas ito habang panay ang tawa nito. "Wala ka nang ginawa kundi pag-tripan ako! Ang sama-sama mo talagang Adrian ka! Get out of 'my OR! Now!” Naiinis na itinuro niya ang pinto.

"Babes," awat ni Andrei sa kanya nang maisuot nito ang eyeglasses nito nang maagaw nito iyon sa kakambal. “Just don’t mind him.”

“Just don’t mind him?” hindi makapaniwalang baling niya rito. "Muntik na niya akong mahalikan, babes! Niyakap pa niya ako! And you’re telling me to just don’t mind your brother?" Sa hula niya ay namumula na ang mukha niya sa inis. Kung gaano niya kamahal si Andrei, ganoon naman niya ka-hate si Adrian. Wala siyang matandaang sandaling hindi sila nag-away. Kabaligtaran ng seryoso, pormal at workaholic na si Andrei ang cool, maporma, pa-easy-easy lang na si Adrian. They were both very good surgeons, and physically identical in many ways. Ang pagkakaiba lang ay may salamin sa mga mata si Andrei.

"Till Death Thou As Part"Where stories live. Discover now