Chapter 7

4K 50 1
                                    

“PLEASE don’ t leave us, Ma," luhaang pakiusap ni Adrian sa paalis na ina niya, hila-hila ang umiiyak ding si Andrei.

“‘ Ma, isama natin si Adrian," umiiyak ding sabi ni Andrei.

“You can’t take the twins !" malakas na. sigaw ng kanyang ama habang pumapanaog ito ng hagdan. “Akin ang mga bata, Mary Grace!"

“No!” sagot ng kanyang ina na mas hinigpitan ang pagkakahawak kay Andrei. Bago pa makalapit ang papa niya ay mabilis nang naisakay ng kanyang ina Si Andrei sa kotse. .

“Mary Grace !" namumula sa galit ang mukhang sabi ng ama mya.

Pero bago pa lubusang nakalapit ang kanyang ama ay napaandar na ng kanyang ina ang kotse palabas ng garahe.

"Ma!" luhaang sigaw niya. "Andrei!"

"Adrian!" luhaan ding sigaw ni Andrei habang nakadungaw ito sa bintana ng kotse.

Iyon ang pinakamasakit na alaala ng kabataan niya Marriage of convenience. Iyon ang nangyari sa mama’t papa niya. Pumayag ang kanyang ina na magpakasal sa kanyang ama kahit hindi nito mahal ang kanyang ama Sinikap naman ng kanyang ina na maging mabuting asawa sa kanyang ama, ngunit umabot din sa hangganan ang lahat. Kahit kailan ay hindi natutuhang mahalin ng kanyang ina ang kanyang ama hanggang sa nagdesisyon na itong iwan ang kanyang ama.

But his father loved her mother deeply. Isang palatandaan iyon nang ilipat nito sa pangalan ng kanyang ina ang pangalan ng ospital nang mamatay sa isang aksidente ang kanyang ina. Sa paghihiwalay ng mga 'ito, naghiwalay rin sila ni  Andrei. Gayunpaman, hindi naging sagabal iyon para lalong yumabong ang closeness nila. Madalas silang magkita sa eskuwela, sa labas at lalo pa n ga silang nagmg malapit sa isa’t isa.

Hanggang isang araw, habang nagpapalipad siya ng saranggola sa clubhouse ground ay nakita niya ang isang babaeng teenager. She was crying. Nabasa niya ang labis na kalungkutan sa mga mata nito. Hindi siya nakatiis na basta na lamang panoorin ito kaya nilapitan niya ito. .

"* Di mo ba alam na mamamaga ang mga mata mo * pag iyak ka nang iyak?" sabi niya rito. “At ‘pag namaga *yan, papangit ka." She faced him. Maamo at maganda ang mukha nito

pero hindi niya gu sto ang sobrang kalungkutang mababanaag sa mukha nito. Noon din ay parang gusto niyang pawiin ang kung ano mang nararamdaman nito. Gusto niyang lagyan ng ngiti ang mga labi nito dahil alam niyang mas magiging maganda ito kapag nangyari iyon.

"Gusto mo, sa ‘yo nalang?" tanong niya rito nang pulutin niya ang saranggola at iabot iyon dito.

“You made this?" tanong nito nang tanggapin ang saranggola.

“Yes,” sagot niya.

“It’s beautiful,” sabi nito. "Bakit mo ito ibinibigay sa akin?"

"Dahil gusto kong maging masaya ka," nakangiting sagot niya. “Hindi ka ba magiging happy ‘pag nakikita mo ang iba't ibang kulay ng saranggola?" Hindi ito sumagot pero parang hindi niya kayang sumuko. Gusto niyang ngumiti ito. Gusto niyang maging masaya ito. "Gusto mo, lipad na lang tayo?"

"Pa'no?" may luha pa sa mga matang tanong nito.

"Ganito." Lumapit siya rito at itinaas ang laylayan ng kanyang T-shirt para pahirin ang luha sa mga mata at pisngi nito. Pagkatapos ay inakay niya ito paakyat sa rooftop ng three-storey na clubhouse. Tumayo siya sa ituktok at idinipa ang kanyang mga kamay. “I’m flying now! Yahoo!”

Ipinikit nito ang mga mata. Marahil sa takot "& makita siyang nahuhulog. At nang imulat uli nito ang mga mata nito ay hawak-hawak na niya ang mga kamay nito at nakatayo na sila sa gilid ng rooftop.

"Till Death Thou As Part"Where stories live. Discover now