Chapter 4

5.1K 33 1
                                    

KUNG hindi pa iwinagayway ni Adrian ang hawak na table napkin sa harap ni Ampy ay hindi pa siya babalik sa kasalukuyan. '

"Lumilipad na naman ang isip mo," anito.

“May naalala lang ako," 'saad niya.;"Si Andrei.”

“Stop thinking about him,” anito na Waring nabasa ang itinatakbo ng isip niya. “For sure, hindi ka naman naaalala n’ on dahil sa pagka-obsess n'on sa pag-ooperate sa mga foreign patients," pabirong sabi nito.

“I just missed his other obsession,” aniya. "Dati kasi, mahilig siyang mag-bake ng cake.”

“Si Andrei, mahilig mag-bake?” Natawa ito. “Para namang hindi mo kilala "yon. Mas gusto pa n’ong humawak ng ball pen at libro buong araw kaysa ang makialam sa kitchen. It’s not in his personality.”

“Of course, it is in his personality," giit niya. "Parati ko siyang kasama no’n sa kitchen even before you came home from your mother’s house. How'd you know that unique quality of him kung parati kang wala.

sa tabi niya noon?’'
Biglang natigilan ito. Halos pabulong na boses

ang nakalabas mula sa bibig nito pagkatapos niyon. “Y-yeah. Mahilig nga palang mag-bake si Andrei noon Sorry, I forgot that.” Pagkatapos niyon ay parang biglang natahimik ito. May nakakabinging katahimikang namayanilbago niya narinig na tumunog ang cellphone nito. “Sorry, I have to go,” kapagkuwan ay paalam nito. "Emergency." '

"O-okay. ”

Mabilis na binayaran nito ang in-order nila bago lumabas ng coffeehouse. Hindi niya naiwasang magtaka sa biglaang pagbabago ng mood ni Adrian. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa labas ng coffeehouse. Huling-huli niya nang tumigil ito at lumingon sa kanya. N akakapanibago ang nakita niyang kaponnalan nito nang mga sandaling iyon. Nang mapansing nakatingin din ' siya rito ay tumalikod ito at tuluy-tuloy nang umalis.

Kung hindi pa inagaw ng waiter ang panSin niya ay hindi pa mawawala sa isip niya ang naging reaksiyon ni Adrian. "Sa akin to?" tanong niya sa waiter na nagserve ng blueberry cheesecake sa mesa niya.

“Yes, Ma'am," sagot ng waiter. "lpinabibigay po n’ ong lalaki sa comer.”

Mabilis na napatingin siya sa corner na itinuro ng waiter. Biglang sinaklot ng kaba ang dibdib niya nang makita si Greg. He was sitting at a corner table Gusapo at may kaya si Greg. Naging crush nga ito ng mga nurses sa surgical floor nang nia-confine ito roon. Pero kung hindi siya committed, hindi pa rin niya magugustuhan ang lalaking gaya nito

“i' m sorry pero hindi ko matatanggap ,"yan sabi niya sa waiter saka mabilis na isinukbit ang bag niya at lumabas ng coffeehouse. Nagkunwari siyang  hindi napansin si Greg nang dumaan siya malapit sa mesa nito, pero sa sulok ng kanyang mga mata ay kitangkita niya nang magpakawala ito ng isang makahulugang ngiti. *

“DO YOU eat on time?"

“Oo naman.” Hindi mabura-buta ang ngiti sa mga labi ni Ampy habang kausap niya sa telepono si Andrei nang gabing iyon. Nakadapa siya sa kama habang hawak-hawak nang mahigpit ang cordless phone at kulang na lang ay langgamin ito pagkat mamilipit sa kilig papano pinakikingganang boses nito na malapit na niyang makasama sa ilalim ng iisang bubong.
“Eh, ikaw, do you take your vitamins? Do you sleep on time?"

“Don't worry about me, okay?" “Babes, i really miss you na,? ' malambing na sabi niya. “Come home na, please. Remember, malapit na ang wedding natin. Dapat yon na ang pinagkakaabalahan natin ngayon."

“Come on, almost everything is prepared. Wala ka nang dapat problemahin do'n. I want you to be very proud of me, okay? Kaya ko ginagawa ito. Gusto kong hindi ka mapapahiya sa lalaking pinili mong pakasalan. "Love you, babes."

"Till Death Thou As Part"Where stories live. Discover now