Chapter 2

40 0 0
                                    

2

“Haaaaaaaaaaaaaaaay!” sabi ko habang pabagsak sa higaan. Nakakapagod ang araw nato. Kahit nakaupo lang kami mag hapon.

Bakit, masakit kaya sa pwet yun noh!

“Ano na kayang plano bukas?” –Krishnel

Lumingon ako sa kabila. Ka roommate ko sya eh. Shaman din sya.

Umupo ako sa kama ko saka nag kibit-balikat.

“Ewan. Sabi kasi ni Tammy itutuloy pa daw ng two days yung briefings eh?”

Humiga din sya sa kama nya.

“Hay nako. Hindi ko alam na ang haba pala ng briefings nila pati narin yung student registration. Kala ko pa naman pagka tapos kong mag apply online yun na yun, di pa pala.” Angal nya.

“Siguro initial registration palang yun. Sabi nga nila, the true battle starts when you’re at the battle field.” –Ako.

*silence*

“Gai... natatakot kaba?” tanong nya bigla. Sasabihin ko ba? I ponder the question for quiet long.

“Uy!”

Napapikit dilat ako.

“You’re spacing out. Natatakot ka no?” tudyo nya sakin.

“Maniniwala ka ba naman kung sasabihin ko sayong hindi ako takot? Pfft! Im not a hypocrite!”

“Ako rin eh. Pero bakit mo piniling mag shaman? Sabi nila ang pinaka mahinang class daw dito ay shaman. Masyado daw malambot?”

RAN World (ON-GOING Fiction)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα