Chapter 5

28 1 0
                                    

Chapter 5

*kraaag*

“Hmmn... Tapos kana kaagad kumain?” puna sakin ni Krishnel. Krish na nga lang, ang haba masyado eh.

“Mag pa practice na ako”. Sagot ko sabay kuha nung stick ko.

“Hoy agad agad? Di ba pwedeng pahinga muna? Baka mag ka appendicitis ka nyan ng di oras sige ka.”

“May titestingin lang ako.”

Kaylangan ko talagang subukan ito. Kaylangan ko syang i-develop kahit anong mangyari!

“Hay naku bahala ka na nga. Tutal napapansin ko sayo nitong mga nakaraang araw eh para kang hindi matae sa lahat ng bagay.” Pumalatak pa sya.

Anong magagawa ko? Kaylangan kong matutuhan iyon kahit papaano. Kaylangan ko lalong mag ingat.

Ngumiti ako sa kanya.

“Sayang ang oras.”

Nag kibit balikat nalang sya sa sagot ko.

Instinct... instinct... instinct...

Isip isip ko habang nag lalakad pabalik sa training ground.

Huminto ako sa tapat ng pabilog na pinto. (For further imagination. It looks like the door in Xmen) Tapos ini scan nya yung mga mata ko.

Bumukas yung high tech na pintuan pag katapos nyang sabihin na “Welcome student number xxxxxxxx gaia”

Hindi ko pa pala nasasabi sa inyo na high tech na weird ang design ng school namin.

Yung sa labas ng main campus, yung sa parang lawa chuvaness nila doon eh may mga lumulutang na nag lalakihang clock piece. Yung mga bilog bilog lang ha?

Pag ka pasok ko nag automatic switch on lahat ng bagay.

Pumasok ulit ako sa rectangular training zone.

May lumabas na command prompt.

*COUNTER ATTACK MODE ACTIVATED* sabi nung malanding operator. Hahahaha!

Ang arte kasi ng boses eh. Pa bebe! ¬ ____________¬

May 3Dng dummy ang nag appear.

Pero!

Ibang klase ng dummy ang nakita ko!

RAN World (ON-GOING Fiction)Where stories live. Discover now