Chapter 11

31 0 0
                                    

Chapter 11

“Tara dito anak, may ikukwento ako.”

May nakikita akong batang babae na tumatakbo papunta sa isang babaeng naka upo sa lilim ng malaking puno.

“Tungkol saan po mama?”

Nakita ko ring umupo sa kandungan nung babae yung bata. Tila may ipinapakita ito sa batang babae mula sa libro.

“Ano po to mama?”

“Isa iyang fairy anak…” the mother giggles.

Sinubukan kong aninagin yung mga mukha nila kaso kahit anong pilit ko eh talagang kalahati lang ng mukha nila ang natatanaw ko.

Tumayo ako sa pag kaka upo at sinubukang lumapit sa pwesto nila.

“Wow… ang ganda po nila. Gusto ko pag laki ko maging ganyan din ako mama. Yung fairy na may magic…” sabi nung bata.

Mahinhin na tumawa yung nanay nya. Lumapit ako sa tabi nila kasi mukha namang hindi nila ako nakikita. Siguro isa na naman ito sa mga panaginip ko. O isa sa mga prekognisyon.

Tumayo ako sa gilid nung ina at nakisilip sa libro kaso wala naman akong makitang naka sulat o guhit man lang?

“Ganoon ba anak? Gusto mong maging fairy?” tanong nung nanay sa anak. Tumango naman yung bata.

Medyo nagulat pa ako ng tumingin sya sa gawi ko at naka ngiti.

“Ikaw… gusto mo rin bang maging fairy?”

*dug dug dug*

T-Teka… ako ba ang tinatanong nya?

Nawala ang ngiti nya sa labi. Nakikita nya ba ako?! Pero bakit hindi ko nakikita ang mukha nila?!

Medyo napa atras pa ako.


"Kaylangan mong lumakas para maprotektahan mo ang mga taong mahalaga sa iyo.” Pag kasabi nya noon ay bumalik na yung atensyon nya sa libro at sa anak nya.

Sa akin nya ba sinasabi iyon?

Napapikit ako ng biglang lumakas ang ihip ng hangin.

Pag mulat ko ng mata ko…

Bumalik na naman ako sa lugar kung saan maraming tao ang nag tatak buhan.

“Uwaaaaah!”

Napalingon na naman ako sa isang batang umiiyak.

Umulit na naman yung pang yayari.

Hindi ako kumilos sa kinatatayuaan ko at saka pumikit ulit.

Panaginip lang ito. Isang masamang panaginip. Hindi to totoo.

Huminga ako ng malalim saka ko ulit iminulat yung mata ko.

*booooom*

**

Agad akong napadilat ng mata, napa upo rin ako sa higaan ko.

Doon ko lang napag tanto na pawis na pawis ako at habol habol ko ang hininga ko.

Nasapo ko ang ulo ko. Again?

Walang anumang dumako ang tingin ko sa bintana ng clinic.

Napaka clear ng gabi at kitang kita ko ang buwan na ang liwanag ay kulay pula.

RAN World (ON-GOING Fiction)Where stories live. Discover now