01

9.1K 166 5
                                    

Faded

01

Avery..

I'm just watching him from afar. He's breath taking. Lahat ata kilala ang lalaking ito sa eskwelahan, sinong hindi makakakilala sa nag iisang Marco Sebastian. He is a great basketball player, dean lister and a certified womanizer. Ka level nito si Rizal sa galing sa time management para mapag sabay-sabay ang lahat ng iyon ng hindi pumapalya sa isa.

Napa ngisi ako ng makita ko kung paano salubungin si Marco ang latest girlfriend nitong si Maze. That whore is clinging to him like a leech. Para akong nanunuod ng movie at ang dalawa ang bida. Sumimsim ako ng softdrinks sa lata na hawak at nang maubos ay ibinato ko iyon sa trash bin na nasa tapat lang din. Nagulat ata si Maze sa tunog ng lata kaya napa lingon ito duon at saka kunot noong hinayon ng tingin ang lugar ko. Kinawayan ko ang babae at saka nakangising tumayo at sinukbit ang bag na dala. May klase pa ako kaya tinungo ko ang daan patungo sa next class ko.

"What a bitch... "

That's the last thing I heard from Maze before I left. Marahan lang akong tumango sa kumentong iyon ng babae.

Pag pasok ko sa classroom ay nanduon na ang mga blockmates ko. Maingay ang mga ito pero wala akong pakialam. Inilabas ko ang reviewer ko at saka nagsimulang magbasa at mag sulat. Kahit tarantado ako sa tunay na buhay ay pangarap ko pa ding makapag tapos ng pag aaral. Magagawa ko lang yun kung maintained ang grades ko para sa scholarship ko sa bayan namin, sa lalawigan at dito sa eskwelahan. Hindi ako pwedeng mag loko dahil mamamatay akong mangmang at dilat kapag hindi ako nag sikap.

I'm an orphan, my parents died when I was twelve at mula nuon ay para na akong bola na pinag pasapasahan ng mga kamag anakan ko. But that was before, maayos na akong namumuhay mag isa ngayon. May part time jobs ako at scholarships na tumutulong sa akin para mapaunlad ang sarili.

Napa ngiwi ako ng wala ng tintang lumabas sa ballpen ko. Ilang ulit kong inalog alog iyon ngunit wala na talagang lumalabas ni katiting na patak. Napa kamot ako sa batok at saka binalingan ang katabi ko sa upuan na si Denis.

"May extra ballpen ka? Wala ng tinta ito, ibabalik ko din mamaya." Kunot noo muna akong sinulyapan ni Denis bago ito bumuntong hininga at humugot ng ballpen sa bag.

"Ang payat mo na, buhay ka pa ba Avery?" He said drily.

Inis kong hinablot ang panulat at tinutukan ito. "Humihinga pa ako gago!"

Hindi ko siniseryoso ang pinag sasabi ni Denis dahil alam kong nag aaalala lang ito. He's a nice guy, too nice actually. Lahat ay kaibigan nito sa klase at halos apat na taon na din niyang seat mate ito kaya kahit papano masasabi kong kaibigan ko din si Denis.

"Kumaikain ka pa ba? "

"Iniinsulto mo ba ako?" Balik tanong ko dito habang ang mga mata ko ay nasa reviewer.

"Nag aalala lang ako."

"Don't be, bata ka pa para problemahin ang ibang tao. At kung yung mga kamag anak ko nga wala ng pakialam sa akin, ikaw pa ba dapat na kaklase ko lang?" Natigilan ako sa pag susulat. Natulala ako sandali nang may madamang lungkot. Pero agad kong itinaboy sa isip at puso iyon.

"We're friends, Avery." Binalingan ko si Denis at saka ginulo ang buhok nito.

"Wanna fuck later? " Naka ngisi kong tanong. Agad namang nanlaki ang mga mata nito at saka inis na bumuntong hininga. "Jusko biro lang, hoy! Galit ka na ba sa lagay na iyan? "

"You're always saying that line whenever a man tried to get closer with you. Hindi ako kagaya nang mga lalaking katawan lang ang habol sa babae. Sincere ang pag aalala ko sa iyo."

Faded (Marco)Where stories live. Discover now