17

5.5K 132 22
                                    

Faded

17

Avery...

I woke up feeling unusual. I can still remember what happened last night. Everything about it. Me on Marco's warm embrace, me while crying and the million stars watching us from above.

Pag tingin ko sa kabilang parte ng kama ay mag isa na lang ako. Tumayo ako at saka tinungo ang teresa kung saan ako naupo kagabi. Dahil madilim- dilim na ng makarating kami kagabi ay hindi ko nabistahan ng maayos ang buong hacienda. And now that the sun is already risen I can see now the real beauty of this place. Buong mangha kong pinalibot sa malawak na taniman ang mga mata ko. Sa bandang dulo ay may naglalakihang mga puno na maayos ang pagkakahanay hanay. Marami ding trabahador ang nagtatrabaho at palakad pakad habang may mga kung anong dala. I can also see some women picking up fruits.

Pero mas nakaagaw ng pansin ko ang masayang hagikhik ni Rocco na nakasakay sa isang itim at malaking kabayo habang nasa likuran nito si Marco. I silently watched them while trying to picture this scene and hide it at the back of my memories. I want to treasure this forever. Habang pinapanuod ang anak ko na masaya ay na realize ko na kailangan din ni Rocco si Marco kung paanong kailangan din nito ang anak namin. We already closed and ended what we have before. We decided to stay friends for Rocco's sake.

Siguro ay tamang dumito sa bansa si Rocco kapag bakasyon at sa akin naman siya sa Canada habang may pasok pa sa eskwela. Naisip ko ding darating ang oras na magiging binata ang anak ko at maiiwan akong mag isa. Maybe Dennis is right, I should need to accept a suitor now. I'm still young, hindi man ako makahanap ng mamahalin ng kagaya ng pagmamahal ko kay Marco ay makakaya ko naman sigurong magbigay ng sapat ng pagmamahal.

Tumalikod na ako at dumiretso sa banyo para maligo. I wore a yellow dress and braided my hair after. Isang simpleng sandalyas naman ang nasa paanan ko. Lumabas ako ng kuwarto at pagbaba sa malaking hagdanan ay si Mandy at Aliyah agad ang namataan ko. They both smiled when they saw me coming.

"Hi, Avery. Long time no see, hindi tayo nakapag kwentuhan kagabi siguro naman ay puwede na ngayon?" Nakangiting saad ni Aliyah habang ininumuwestra ang single chair na kapareha ng magarang sofa kung saan ito nakaupo. Si Mandy ay nakaupo din sa tapat ko habang sumisimsim ng tsaa.

Pagkaupo ko ay inabutan agad ako ng tsaa ni Aliyah. "Salamat." Tugon ko habang nilalanghap ang bangonniyon. Jasmine tea, agad kong nakilala ang amoy niyon.

"We didn't know that you are the main reason why Marco is behaving differently these past few days. He is like a boy who can't pee. Tila laging tensiyunado sa buhay. Then he just told us one day that you came back, at na may anak kayong dalawa. Yung gulat namin ay hindi mapantayan." Mandy said with a glint of happiness on her eyes.

"I'm sorry kung itinago ko si Rocco sa panilya ninyo maging kay Marco. But we are already broke up when I found out that I'm pregnant. Akala ko ay ikakasal na si Marco kaya pinili ko na lang lumayo knowing the he is already engaged to someone." Mapait na ngiti ang sumilay sa labi ko. Gulat naman ang reaksiyon ng dalawa.

"Engaged? When is that? He is a crazy boy who's always in heat but he never tied himself to anyone. Takot lang niya or baka may ibang hinihintay?" Mandy said with a teasing smile.

Napamaang naman ako sa dalawa. "I called him before and his fiance is the one who answered the call. And I heard his voice at the background. S-siguro ay hindi lang niya nasabi kahit kanino man."

Aliyah frowned. "I don't think so. He never had a fiance. But anyway, moving forward anong plano ninyong dalawa? Magpapakasal ba kayo?"

Bigla akong napaso sa tsaa ng bigla ko na lang mahigop iyon. Dali-dali kong ibinaba ang tasa at saka mahinang tumawa. "Wala sa plano iyon. Magiging mabuting magulang lang kami kay Rocco pero hindi kami magpapakasal. Isa pa ay ayokong matali si Marco sa akin ng dahil lang sa may anak kami. That will be so unfair on his part."

Faded (Marco)Where stories live. Discover now