20

6.4K 146 3
                                    

Faded

20

Avery...

Parehong nakangisi sa hapag kainan kinaumagahan sila Aliyah at Mandy. Maybe it is just my imagination but I can feel their teasing stares. Panay sulyap ko din kay Marco na prenteng inaasikaso sa pagkain si Rocco. Mukhang giliw na giliw ito habang ganuon din ang anak sa ama. Napa igtad ako ng may sumipa sa paanan ko at kunot noong nginitian si Aliyah ng malamang ito ang salarin.

"You're blooming..." Pasimple nitong saad at sabay na naghagikhikan ang dalawa.

Napailing na lang ako at saka lumabi sa mga ito.

"Everything going okay?" Nakangiting tanong ng ama ni Marco na si Gregorio sa anak habang busy naman si Marco sa paglalagay ng pagkain sa pinggan naming mag-ina.

"Yes dad, why?" Hindi naka tinging sagot ni Marco na naglalagay ng bacon sa pinggan ko.

"You seem so happy today. Very unusual, kuya." Natatawang saad ni Mandy, may pang-aasar sa tono ng boses nito.

Pinanuod ko ang pagsasalimbayan ng emosyon sa mga mata ni Marco at kung paano nito inabot ang kamay ko at halikan ang likod ng palad niyon. Natatawang binato ng isang pirasong butil ng kanin ni Mandy ang kapatid nito. "Gosh, this is so cheesy for the breakfast."

"Cause I have my cheese here beside me." Nakakaloko ang ngisi sa labi ng binata. Pero umani ng 'boo' ang sinabi nito sa buong pamilya na kasabay namin mag breakfast. At saka nagtawanan ang lahat. Maski ako ay na ko-cornyhan na kay Marco. Pero masaya din ako na masaya ito.

Napapailing na lang ako sa asaran ng bawat isa. Patuloy lang ako sa pagkain at hindi na inintindi pa ang mga kabaduyan ni Marco. Natapos ang breakfast ng maingay pa din ang lahat pero sinasagot ko lang ng ngiti ang mga banat ng mga ito.

Matapos ang umagahan ay agad kong tinungo ang kuwarto ng anak para ayusin ang gamit nito. Hindi ako sigurado kung gaano pa kami katagal dito, pero dapat ay nasa iisang lagayan lang ang mga damit nito. Nasa ganuon akong estado ng mamataan ko ang anak na nakasilip sa pintuan ng kuwarto nito. He is grinning at me, kamukha talaga ng ama wala man lang tapon. Nginitian ko ang anak at pinagtakahan ang pagsilip silip nito.

"Rocco, you need anything?" Kuryoso kong tanong dito.

Tumayo ito ng tuwid at saka marahang naglakad papalapit sa akin habang ang dalawang kamay ay nasa likuran na tila may itinatagong bagay duon. Napakunot noo ako sa ikinikilos nito.

"What are you trying to hide from mommy?" Pinanliitan ko ito ng mata ngunit tawa lang ang isinagot ng anak.

"I have a surprise for you, mom." Puno ng ligaya na inilabas nito ang dalawang kamay at inilahad sa akin ang isang asul na box na sa isang tingin pa lang ay alam mo na kung ano ang laman.

Maang kong dinampot iyon at saka binuksan. Napa nganga ako ng makita ang isang napakagandang singsing na kulay asul ang bato. Simple lang iyon ngunit iyon din ang labis na nagpa ganda sa singsing.

"It's beautiful. Where did you get this, Rocco?"

"I have a question, mommy." Rocco cleared his throat before he continued. "Do you want us three to be together forever with daddy?"

Sinubukan kong hanapin si Marco sa paligid ngunit tanging si Rocco lang ang nandidito. Namasa ang mga mata ko sa gustong ipahiwatig ng anak at sa katanungan nito. What is he trying to do? Pakana na naman ba ito ni Marco?

Faded (Marco)Where stories live. Discover now