Marco

7.9K 195 45
                                    

Faded

Marco...

It's already four in the afternoon, pero ang gagong si Trevor wala pa din hanggang ngayon. Ito dapat ang kasama ko sa pagpasa ng proyekto sa isa sa mga subject ko. Pero kanina ko pa tinatawagan ang cellphone nito ngunit wala man lang sumasagot. Inis kong ibinulsa ang phone at nag lakad na patungo sa faculty room.

Pero habang naglalakad ay hindi sinasadyang mahagip ng mata ko ang babaeng nag gigitara sa ilalim ng puno. Pasimple kong nilapitan ang babae para marinig ang boses nito ng buo. Ngunit tila ako nanunuod ng isang pelikula at ito ang bida. Everything start to be in slowmo. I watched how her hair dance in the air, how she softly open her mouth and how she looks so serene while singing.

Bigla akong naalarma ng may makitang isa ding lalaki na tila nabighani din sa dalaga. Akmang lalapitan nito ang babae ngunit mabilis kong inunahan ito. Kunot noo akong tumayo sa harap nito at nang magtama ang paningin naming dalawa ay para akong sinuntok sa dibdib. Why, but she is so gorgeous.

"Yes?" Takang tanong nito sa akin na nahinto sa ginagawang pag gigitara.

"I have a proposal to you." Naka ngiti kong saad dito...

And that is how we started our secret relationship. Si Avery ang dahilan kung bakit mas pinili kong bumukod at mag stay sa condo ko. We don't have a name on what we have but it always felt so good whenever I am with her. Kapalit ng lahat lahat ng ibinibigay ko kay Avery ay ang huwag nito pag lantad sa kung anong mayroon kaming dalawa na sinang ayunan nito. I offer her everything that I could give. Home, food, protection and even expensive things na kadalasan ay tinatanggihan lang nito.

No string attached, that's what I say. I kissed other gurl, but I can't take them to bed. Hindi ko alam ngunit ang subconscious ko ay isinisigaw ang pangalan ni Avery sa tuwing nasa kama na kami ng mga naging girlfriends ko. And that will only frustrate the hell out of me. Sa tuwing ganuon ang mangyayari ay iiwan ko na ang babae at babalik ako sa condo para salubungin ng masayang yakap ni Avery.

She's my home...

"Marco, please stay with me. I love you! Ano bang kulang? I'm willing to give myself to you, pero ikaw lang ang umaayaw. Ano bang ayaw mo sa akin? Tell me..."

"Let's end this now Bella. I have to go home." Kalmado kong saad sa dalaga matapos na hindi na naman matuloy ang muntik ng mangyari sa aming dalawa. At dahil din duon kaya nag desisyon na akong tapusin ang mayroon sa amin.

Inis akong napa buntong hininga at sinikop ang mga gamit ko. Muli kong isinuot ang shirt ko at dinampot ang susi ng kotse ko. Pero papalabas pa lang ako ng kuwarto nito ay nag hihisterya na si Bella.

"Hindi ako papayag! Hindi ako papayag na gawing laruan mo lang. Pinaasa mo lang ako sa wala! Ang sakit-sakit Marco." Her tears is like waterfalls, non stop.

Naisuklay ko ang daliri sa buhok at saka hinarap ito. "I'm sorry, akala ko ikaw na din. Akala ko naiiba ka sa mga nakilala ko. But I was wrong. Wala pa ring makakapantay sa kaniya na kahit na sino man."

Kagat labi nitong pinanuod ang pagtalikod ko.

"You may rot in hell, Marco Sebastian!"  Padarag nitong isinara ang pintuan ng condo ng makalabas ako.

Diretso sa sasakyan ang tungo ko. Bukas ay graduation na namin. May inihanda akong regalo para kay Ave, it's a ring with blue stone. Pero hindi ko mahanap ang lakas ng loob ng iabot iyon dito. Baka iba ang isipin nito. Malinaw ang usapan naming dalawa. Hindi pa nga nawawala sa isip ko ang huli naming pag aaway ng ipamukha sa akin ni Ave ang nararamdaman niya. Natakot ako ng oras na iyon dahil baka kapag hindi ko napantayan ang nararamdaman nito ay iwan niya ako bigla.

Faded (Marco)Where stories live. Discover now