05

4.4K 121 7
                                    

Faded

05

Avery...

Katatapos lang ng graduation namin pero heto at mag isa lang akong umiinom ng alak sa terrace ng condo ni Marco.  He is with his family right now. They are probably celebrating. Habang naka upo ako sa recliner chair at pinapanuod ang mga bituin sa langit ay napapaisip ako.  Ano bang gagawin ko pagkatapos namin sa bahay bahayan na ito? Hindi ko naiisip na makikita ni Marco ang worth ko kasi wala ako nun para sa kaniya.  I'm just one of his side girl. 

Muli akong tumungga sa bote ng alak at hinayaang dumaloy ang pait ng alak sa lalamunan ko pababa sa dibdib at sa tiyan.  I decided to stalk Marco's social media,  kahit naman kasi ganito ang relasyon namin ay mahal ko siya at namimiss ko siya.  I opened my phone and click the blue 'f' icon.  Pag pindot ko ay larawan kaagad ng binata ang nag appear.  Dagling nabura ang ngiti ko ng makitang hindi  galing sa binata ang uploaded picture.  It's from her girl number two,  siya yung babae na nakita kong isinakay ni Marco sa loob ng sasakyan habang nag rerequirements ako. 

The girl is smiling sweetly on the photos,  may pose pa itong naka upo habang akbay ni Marco.  They even have a picture together with Sebastian family.  My heart constrict by the mere sight of this picture.  Napa tungga muli ako sa alak at pinilit isahing lagok iyon.  Nang maubos ay inilapag ko sa sahig ang bote pero natumba iyon kaya gumawa ng maingay na tunog.  Hindi naman nabasag yung bote,  pero bakit parang yung puso ko mas nauna pang mabasag?

Kahit medyo may tama na ng alak ay tumayo ako at nag bihis. I wore my skimpy black dress.  It is showing all of my curves in right places.  I even wore my pumps.  I used a light makeup on my face and after an hour I am ready to paint the town red.  Sino ba kasing nag sabi na kapag mahal mo dapat magpaka tanga ka na lang ng matagal?  Hindi dapat ako nag hihintay sa wala.  Gaya niya ay dapat humahanap din ako ng taong makakapag patibok muli ng puso ko,  gaya ng tibok sa tuwing nakikita ko si Marco. 

I hailed a cab, diretso sa restaurant kung saan naka tag ang larawan ng dalawa kanina.  Pag dating ko duon ay agad akong iginiya sa pang dalawahang table.  Mula sa puwesto ko ay namataan ko ang pamilya ni Marco at maging ang binata na animated na nakikipag tawanan at usap sa babae.  Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang daliri.  Umorder lang ako ng isang dish at alak.  Sapat na para pulutan habang nanunuod ng romance sa harap.  Gaga talaga ako,  kasasabi ko lang na dapat humanap ng iba pero heto at nandito ako palihim na pinapanuod si Marco.

"Tang ina mo Avery,  anong kalokohan ba ito?!" Pigil kong bulong sa sarili habang walang puknat na naka tuon lang sa dalawa ang paningin ko. 

Pag dating ng order ko ay mabilis akong nag salin ng alak sa baso at iyon ang mas pinag tuunan ng pansin.  Pero nabitin sa ere ang kamay ko ng may lalaking naka ngiting tumigil sa harapan ko.  Natakpan tuloy yung show na pinapanuod ko. Kunot noo kong sinulyapan ang lalaki na tila anghel habang naka masid sa akin.  Napa ngiwi ako ng maisip na mukang sakristan sa amo ang mukha nito,  pero ang gwapo,  yung gwapo na pang boy next door,  yung pang faithful,  yung-yung - wala...

"Yes?" I said to him.

"I'm sorry to bother you,  but is it okay to know your name?" Tila hiyang hiya ang ngiti nito at napakamot pa sa batok. 

"Why?" pasimple kong ipinaling ang ulo ko para masilip si Marco pero ang lalaki umurong din.  Ano ba ito,  commercial muna?

"Well,  you see ang ganda mo kasi masyado. At hindi ako titigilan ng mga kaibigan ko hangga't hindi kita nilalapitan."

Napa ngiwi ako ng makitang ipinulupot ni Marco ang braso sa bewang ng babae nito.  Gusto kong makita ng buo iyon pero may commercial pa.  Napa buntong hininga ako at saka binalingan ang lalaki sa harap.  "Maupo ka muna fifteen seconds lang dapat kada commercial."

Faded (Marco)Where stories live. Discover now