13

5.2K 136 11
                                    

Faded

13

Avery...

I did my best to push Marco away from me. Nang maramdaman nito ang galit ko ay dismayado itong tumayo at sinuklay ng daliri ang buhok. Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko at saka hinarap ang binata.

"Hindi ito yung gusto ko..." Puno ng sakit kong saad dito. Pero tila bingi ito.

I saw rage, disappointment and hatred in his eyes. But he easily cover it up with his blank face expression. "I see. I just remember that you left and chose that man over me. This is a waste of time. I thought that meeting you will be very exciting. I shouldn't even waste my energy to come here. The next time you decide to play, choose someone stupid enough to bite your game."

Napa upo ako sa kama ng talikuran ako ni Marco at galit nitong inabot ang coat na nasa couch. He even comb his hair using his fingers. Bago nito inikot ang seradura ay tinapunan muna ako nito ng tingin na halos magpanginig sa buong katawan ko. Hindi ko nakayanan pakatitigan din ito kaya't mabilis akong nag iwas ng tingin. Tarantado talaga. Ano bang iniisip nito na ginawa ko at tila napakalaki ng kasalanan ko sa kaniya?

Narinig ko ang pag bukas ng pinto ngunit ilang segundo na hindi ko pa rin naririnig ang pagsara at paglapat ng pintuan muli. Tiningnan ko ang nangyari at napatayo ako ng makitang tila na estatwa sa pagkakatayo sa pintuan si Marco habang may tinititigan sa labas ng kuwarto. Tila sasabog ang dibdib ko sa kaba ng maisip kung anong nangyayari. Dali-dali akong tumayo at sinilip nula sa likuran ni Marco ang dahilan ng pagka hinto nito.

There my son is, standing proudly with Dennis on his back. Lumipat sa akin ang tingin ni Rocco na tila nag tatanong. Si Dennis naman ay puno ng pag-aalala ang mukha habang palipat lipat sa amin ni Marco ang tingin.

"Ayos ka lang ba, Avery?" Si Dennis ang bumasag ng nakakabinging katahimikan sa pagitan naming apat.

Tumango ako bilang sagot at saka tinawag ang anak palapit sa akin. Mabilis naman itong naglakad at nilagpasan si Marco na kuyom na kuyom ang mga kamao.

"Y-you may leave now, Marco. Isipin mo na lang na kahit kailan ay hindi nangyari o naganap man lang ang pagkikita nating ito."

Marco sighed before he decide to face me. Kung kanina ay galit na ito mas lalo pa ngayon. Anger is written all over on his face. And I am fucking scared to face his wrath right now.

"How dare you, Avery?" Mariin at puno ng galit nitong sabi sa akin. Tila napakarami ng gusto nitong sabihin at isumbat pero may pumipigil lamang dito.

Napapikit ako ng mariin at saka niyakap palapit pa lalo sa akin si Rocco. Ayokong marinig nito ang anumang masasakit na salitang bibitawan ng ama nito. Pero anong gagawin ko, mapipigilan ko ba si Marco?

"Hindi pa tayo tapos na dalawa. I'll be back again." Pagkasabi niyon ay tumalikod na ito palabas ng kuwarto. Nakita ko pa ng magsukatan ng tingin si Marco at Dennis. Pero kalaunan ay tumalikod na din ang binata para umalis.

Nang mawala na sa paningin ko si Marco ay saka lamang ako tila nakahingang muli ng maayos. Parang gustong matunaw ng tuhod ko sa samo't-saring emosyon na naramdaman ngayong araw na ito. Pakiramdam ko naubos ang lakas at energy ko.

Nilapitan ako ni Dennis at saka hinawakan sa siko. "Ayos ka lang ba? May ginawa bang masama sa iyo ang lalaking iyon?"

I shook my head and sat down on the couch. Tinabihan ako ni Rocco na agad na kumandong sa hita ko at niyakap ako sa leeg. His head bury on my neck.

"Hindi siya naniniwala, Dennis. Hindi ko alam kung anong nangyari pero bakit pakiramdam ko ako pa ang may nagawang malaking kasalanan dito? Bakit parang ako pa ang mali sa aming dalawa?"

Faded (Marco)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ