Chapter 14

287 5 0
                                    

Warning: Parental Guidance 🤣

LUCARIA's POV
Naalimpungatan mula sa pag kakatulog si Lucaria.
"Me loves..." hinigpitan nya ang yakap sa leeg nito. Sinuri ang paligid. Naka uwe na pala sila.
"Teka, bababa na ako."
Maingat syang ibinaba ni Oliver.
"Sana ginising mu nalang ako."

"Ang sarap nang tulog mo eh. Nag hihilik ka pa." Isinarado nito ang pinto.

Nanlaki ang mga mata nya.
"Hindi nga? Seryoso?!"

Pero ng makitang tumatawa ito ay napa simangot sya. Sinundan nya ito sa kusina.

"Nagugutom ka?" Ibinalik ni Oliver ang pitsel sa loob ng ref at sa lababo idiniretso ang baso.

Umiling sya.
"Hindi ako nagugutom."

"Sige na, mauna ka ng umakyat. Aayusin ko lang yung dadalhin ko bukas sa trabaho tas matutulog na rin ako."

"Sige."
Iniwan na nya ito duon at pumanhik na sa kwarto. Mabilisang pag shoshower at pag aayus lang ang ginawa nya saka nahiga ng kama.

"Hey.." si Oliver nang pumasok.
Naka paligo narin ang lalaki at naka pantulog. Ipinatong nito ang paper bag sa bedside na tyak na pantalon nya ang alam.

Matapos patayin ang ilaw ay tumabi na ito sa kanya. Yumakap.

MATAGAL nang naka pikit si Lucaria ngunit tila ayaw makisama ng antok sa kanya. Yung katabi nya nag hihilik na!

Sa kawalang magawa tinunghayan nalang nya ang katabi. Itinukod nya ang sika at ipinatong sa palad ang ulo saka pinag masdan si Oliver.

Kahit natutulog, gwapo pa rin sa paningin nya ng lalaki. Paano nalang kaya kung wala itong pilat sa mukha.

Maingat na pinasadahan nya ng hintuturo ang mahabang pilat nito. Tingin naman nyay malaki naman ang income ng lalaki pero bakit sa tinagal tagal nitong negosyante hindi manlang ipaayus ang mukha?

"Sabagay... mainam na rin iyun. Wala akong kaagaw."

Napa titig sya sa labi nitong bahagyang naka awang. Malawak na napa ngiti sya saka dahan dahang umupo. Iniayos nya ng tali ang buhok saka pigil ang hiningang dahan dahang inilapit ang mukha sa lalaki.

Tulog naman ito. Hindi nito malalamang nag nanakaw sya ng halik.

Shimey! Ang lambot!!

Nakagat at nabasa nya laway ang sariling labi ng saglit na lumapat ang labi nya sa labi ni Oliver.

Isa pa!!

Yung kaka isa pa nya napunta na sa iban parte ng mukha nito. Sa nuo, sa pisngi, sa ilong, sa panga...

Nahigit nya ang pag hinga ng mabilis na pai babawan sya nang lalaki. Ang bilis ng tibok ng puso nya at ang pag titig sa kisame lang ang tangi nyang magawa. Takot na harapin ang sariling krimen.

"Anu sa tingin mo ang ginagawa mo, Lucaria?"

Napa lunok sya ng tumama ang mainit nitong hininga sa gawing tenga. Tila nauuhaw sya at nanunuyo ang lalamunan nya.

"Uhm, n-necking?" Tama ba? Hindi sya sigurado eh.

Narinig nya itong napa tawa.
"Why you such a tease babe."

Naipikit nya ang mga mata at napa awang ang mga labi ng maramdam naman ang magaan na pag halik sa kanyang leeg ni Oliver.

Oliver...

Circle of Friends 1; Lyon OliverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon