Chapter 17

272 6 0
                                    

LUCARIA's POV
Lumabas ng silid si Lucaria dala ang mga labahin tungong laundry area kung nasaan si Aling Martha.

"Heto po." Aniya ng ilapag sa tabi ng pinto ang isang laundry basket na pinag sama nyang damit nila ni Oliver.

Kahapon pa wala ang mahal nya dahil may pinuntahan sila ni William. Nag tetext o minsan ay natawag naman ang lalaki sa kanya kapag may bakanteng oras.

Muli syang bumalik sa kusina upang ituloy na ang naantalang pag luluto. Nang maluto ang pagkain ay inihanda na nya ang hapag. Lumabas ng bahay saka tinawag si Mang Jun, sunod si Aling Martha.

"Tawagin ko lang po si Aling Susan." Aniya kay Aling Martha. Pumanhik sya at nakita ang babae na kalalabas lang ng music room.

"Kakain na po." Naka ngiting aya nya sa ginang.

"Sige Hiya."

Pero imbis na sumunod kay Aling Susan ay pumasok sya sa silid at sinilip ang phone na chinacharge.

Me loves
Kain na po you, kakain na me.

Syempre wagas syang nag intay sa reply nito.

Me loves calling....

"Talaga nga naman!!!" Malaki ang ngiting hinugot nya ang cord ng charger bago sinagot ang tawag.

"Bhe!! Kumain kana?" Narinig nya itong tumawa. May ilang boses syang narinig mula sa kabilang linya.
"Saan ka?" Naupo sya sa kama.

"Nasa opisina ni William. Inaantay ko sya. Kakain kami sa labas."

Tumango tango sya kahit hindi nito nakikita.
"Okey. Kumain ka ng madami. Sya ngapala. Kelan uwe mo?"

"Kung hindi mamayang gabi, baka bukas na."

"Ganun?" Medyo nalungkot sya.

"Oo eh. Andito na si William, kailangan ko ng ibaba. Kumain kana."

"Okey. Sige!! Ay teka!" Pigil nya sa lalaki ng papatayin na ang linya nito.

"Bakit?"

"Mahal kita." Parang kinikiliting aniya rito saka pinatay ang linya.

Muli nyang ichinarge ang phone saka lumabas ng silid. Nakaka ilang hakbang palang sya ng mapa tingin sa katabing silid.

Nuong unang tuntong papang nya bahay na iyun ay dalawang silid lang ang bukas. Ang kanya at kay Oliver. Ngayun ang music room. Kung gayun, anu ang dalawang pinto?

Pumasok sya sa silid nang lalaki at kunot ang nuong tumingin sa lalagyanan ng susing naruon. Duplicate key lang ang meron sina Aling Susan at nakaka hiya namang mang hirap. Baka mag taka ang mga iyun.

Dala ang mga susi ay sinubukan nyang buksan ang pinto sa katabing silid. Isang malaking kwarto iyun. Puro natatakpan ng puting tela ang mga gamit. Maalikabok. Malaki at malawak may sariling banyo rin. May upuang mahaba. Di tulad ng music room, madumi ang lugar, inaagiw. Nilapitan nya ang mesang naruon malapit sa bintana. Hinila ang bawat isang hawakan pabukas.

"Huh?" Isang ginagabok na family picture ang nakita nya ruon. Dinalahit sya ng ubo ng hipan ang picture frame.
"Sino kaya ang mga ito?"
Naka pansundalo ang Ginoo, sa tabi nito ay isang Ginang na may kargang sangol. Nasa gitna ng dalawa ang isang batang babae at lalaki. Sa likod ng mga ito ay ang pamilyar na lugar.

Lumabas sya ng silid at ibinalik ang mga susi maliban sa isa. Tinungo nya ang kwartong katabi ng music room.

Ilang beses syang napa kurap sa nabungarang silid. Tulad ng unang silid. Magabok at maagiw ang kwarto.
Natutulalang pumasok sya at isinara ang pinto.

Circle of Friends 1; Lyon OliverWhere stories live. Discover now