Kabanata I: Corvus

5.6K 320 34
                                    

Fact corner:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Fact corner:

Fact corner:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


KABANATA 1: CORVUS

Elisa Hidalgo.

Sinulyapan ni Elisa sa huling pagkakataon ang malaking mansyon kung saan siya nagtrabaho ng mahigit tatlong taon, pati na rin ang pamilyang pinagsilbihan niya na kasalukuyang nakatayo sa labas ng malaking gate ng dati nilang mansyon. Ibang-iba na ang itsura nila, wala na silang suot na mga alahas at magarang damit. Wala na ang maganda at masaya nilang buhay. Tila ba normal na mamamayan na lang ito. They waved their hands at her, saying their goodbyes bago sumakay sa karwaheng inarkla nila.

"Elisa, Mag-iingat ka!" Aniya ng among babae bago tuluyang umandar ang karwahe.

"Kayo rin po." Nakangiting sagot ni Elisa, ngunit sa likod ng ngiti na 'yon ay ang lungkot na nararamdaman niya.

Hindi maiwasan ni Elisa na hindi mapaluha habang pinagmamasdan ang papalayong bulto ng karwaheng sinasakyan ng dating amo. Mababait sila, walang ibang ginawa ang pamilya na ito kundi ang tumulong, pero bakit ganoon? Kung sino po ang mabait at may mabuting loob sila pa ang bumagsak? Nawala ng parang bula ang mga pinaghirapan nila sa buhay. Ang mga ari-arian at ang marangyang buhay.

Hinantay niya na mawala sa paningin ang karwahe bago siya tuluyang umalis. Ang dating mansyon na punong-puno ng kasiyahan ay isa ng abandonadong mansyon.

Simpleng kulay puti na long bishop sleeve top at kulay tsokolateng palda na hanggang tuhod ang haba ang suot ni Elisa. She's no longer wearing her maid's uniform na nakasanayan niyang suotin. Hindi na rin nakatali ang buhok niyang kulay kayumanggi. Hindi siya sanay sa ayos niya ngayon, sa loob kasi ng tatlong taon ay palaging uniporme ng katulong ang suot suot niya, sa pagtulog lang naiiba ang suot niya.

Simple man ang suot niya ngunit agaw pansin pa rin si Elisa sa mata ng ibang nakakasalubong. Sumasayaw kasabay ng hangin ang nakalugay na kulay tsokolateng buhok ni Elisa, hanggang bewang ang haba nito. Agaw pansin iyon dahil kapag tinatamaan ng sinag ng araw ay kumikinang angg buhok niya. Hindi ganun kaputi o kayumanggi ang kulay ng balat niya, kumbaga sakto lang. She has a light brown almond shape eyes and a heart shaped lips. Hindi na kailangang maglagay ng kaunting kolorete sa labi ni Elisa dahil mamumula na ang labi niya. Sa tuwing hahangin ay sumasabay sa pag-alon ang kulay kayumangging buhok ni Elisa, kaya napag desisyunan niya na itali na lamang ito.

The Crow who smiled at meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon