Kabanata X: The Necklace

3.7K 275 79
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


KABANATA 10: THE NECKLACE

Elisa Hidalgo

"Clean my room, NOW."

Iyan ang bumungad kay Elisa pagkarating niya sa backyard na napapaligiran ng mga malalaking puno, halaman, bulaklak at Uwak. Hindi inaasahan ni Elisa na makikita niya si Marcus rito sa backyard na mansyon. Sinubukan niya kasi itong takasan para hanapin sana ang nawawala niyang kwintas.

Isang linggo na ang lumipas mula na maging personal maid siya ni Marcus. Ilang linggo na rin siyang naglilinis ng silid nito. Sa isang linggo na 'yon ay ilang beses din siyang sumubok na takasan ito para sana hanapin ang kwintas pero palagi siya nitong nahahanap.

Bigla na lang itong sumusulpot kung nasaan siya.

Nilingon ni Elisa ang amo na nakatayo sa bukana ng backdoor kung saan siya lumabas. Prente itong nakatayo. Ang pula nitong mata na walang kasing lamig kung makatingin ay nakatingin ngayon sa kanya. Malamig ngunit matalim na tila ba naiirita ito. Ganoong klase ng tingin ang ibinibigay ni Marcus kay Elisa nitong mga nakaraang araw.

Saglit na naibaling ni Elisa ang tingin sa kabuuan ng malawak na lupain ng backyard ng mansyon. Pagkakataon na sana niya para hanapin ang kwintas. Napabuntong hininga siya. Bagsak ang balikat ni Elisa na bumalik sa loob. Kinuha niya ang mga gamit panglinis na inilapag niya sa gilid ng pinto.

The Crow who smiled at meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon