Kabanata XVI: The Crows kiss

860 70 20
                                    

Day 3

Elisa

Halos sundan ng tingin ng lahat si Elisa na nagmamadaling maglakad palabas sa servants quarter ng mansyon. Bitbit nito ang kagamitan sa paglilinis. Kakagising pa lang nila habang ang humahangos na si Elisa ay magsisimula na sa trabaho. Nagsimula ang lahat dalawang araw ang nakalipas. Ang dating kalmadong Elisa ay napalitan ng palaging hindi mapakali na Elisa. Palagi na nila itong nakikita na kumakaripas ng takbo at halos ito na ang gumagawa ng lahat ng gawain sa unang palapag ng mansyon. 

Ang paso sa kamay nito ay nawala na dahil hindi naman ganun kainit ang natapong tsaa sa kamay niya kahapon. Mabuti na nga lang at hindi naging peklat ito.

Sa kabila nito. Hindi malaman ng mga kapwa tagapagsilbi kung ano ba ang pumasok sa isip ni Elisa at pinatulan ang young master nilang si Marcus. Tila ba nakipagpustahan ito at alam ng lahat na matatalo si Elisa. Hindi nga rin nila malaman kung ano ba ang dapat nilang maramdaman sa tuwing nakikita si Elisa na natatambakan ng trabaho. Ang iba sa kanila ay naaawa sa kalagayan nito, ang iba naman ay tila ba na aaliw pa. 

Agad na nakapunta si Elisa sa sentro ng mansyon. Nang makarating ay agad niyang tinignan ang oras sa malaking wall clock. Ang ingay na inililikha ng  paglipat ng mga kamay nito ay ang siya lang naririnig ni Elisa sa mga oras na 'yon. Alas quatro y media pa lang ngunit eto siya't sisimulan na ang trabaho. 

Elisa needs to prove herself, that she's not weak. Sa paningin kasi ni Marcus ay isa lang siyang mahinang babae.

"Looks like you didn't have time to fix yourself."

Naibaling ni Elisa ang tingin sa may-ari ng boses na 'yon. It's their young master— Marcus. Nakatayo ito sa hagdan at nakatingin sa kaniya. Maayos ang porma nito ngunit magulo ang medyo basa nitong buhok. Napatingin si Elisa sa suot na uniporme. Medyo lukot ito, napailing siya. Masyado siyang nagmadali sa pag-aayos sa sarili dahil kailangan niyang maunahan si Marcus.

Three days ago, Elisa's routine changed. Kailangan niyang gumising ng maaga para maunahan si Marcus na palagi ng pinagmamasdan ang bawat kilos na ginagawa niya. Anong oras na rin siya nakakatulog dahil sa dami ng inuutos nito. Bigla tuloy kumulo ang dugo ni Elisa nang maalala ang mga nangyari sa mga nakalipas na araw.

Gigising siya ng maaga, hindi siya nakakakain sa tamang oras, at matutulog ng alanganing oras. Halos siya na nga ang paglinisin ng buong mansyon. Kulang na lang maging personal maid ulit siya ni Marcus. Napansin din niya na hindi na napapadalas ang pag-alis nito sa mansyon.

Mariing kinagat ni Elisa ang ibabang labi nang magsimula na itong bumaba ng hagdan. Kung kanina tunog ng orasan ang naririnig niya ngayon ay ang yabag na ng young master nila ang umaalingawngaw sa mansyon.

"Good Morning, Young Master." Yumuko si Elisa para magbigay galang.

"Sa susunod, huwag kang haharap sa kahit na sino kung ganiyan ang ayos mo. Nakakahiya ka." Tumigil sa pagsasalita si Marcus nang tuluyan na itong makababa. 

Mas lalo namang dumiin ang pagkakakagat ni Elisa sa kaniyang labi nang makita ang papalapit na bulto ni Marcus. Ang akala kasi niya ay didiretso ito sa magarbong sofa--- katulad ng palagi nitong ginagawa, pero sa oras na ito, tinatahak na ni Marcus ang daan papunta sa kinaroroonan ni Elisa. 

"Huwag na huwag ka ring haharap sa akin kung ganiyan ang itsura mo. Now, fix yourself, human." Aniya bago dumiretso sa malambot na upuan. Halos kilabutan si Elisa dahil sa lamig na naramdaman nang lagpasan siya nito. 

Naiyukom niya ang kamay. Aaminin ni Elisa, nawalan siya ng oras na ayusin ang sarili dahil sa pagmamadali niya. She secretly fixed herself, bahagya niyang hinatak ang lukot sa suot na uniporme para kahit papaano ay maalis ang lukot nito. She also tidy her light brown hair. Huminga siya ng malalim bago harapin si Marcus nang may ngiti sa labi. 

The Crow who smiled at meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon