Kabanata III: The Crows Are Back

3.6K 286 81
                                    

Fact for this chapter:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Fact for this chapter:

KABANATA 3: THE CROWS ARE BACK

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KABANATA 3: THE CROWS ARE BACK

Elisa Hidalgo.

Isang linggo na ang lumipas mula nang magsimula si Elisa sa trabaho bilang tagapagsilbi ng Corvus. She's doing great in her new job. Masaya siya at kilala niya na ang iba sa mga katrabaho, ngunit hindi lahat. Katulad nga ng sinabi ni Rahul, marami ang tagapagsilbi ng mga Corvus at ngunit nakapagtataka lang na tila ba hindi niya nakikita o nakakasalubong ang lahat. Nasaan kaya ang iba? Minsan may mga bagong mukha siyang nakikita pero mas madalas na kilala na niya ang iba.

Sa ngayon ay nakatoka siya sa pagtulong sa kusina at sa laundry room. Sa katunayan nga niyan ay karamihan sa mga kilala niya ay ang mga nakakasama niya lang sa kusina. Hindi pa raw kasi siya pwedeng itoka sa labas at baka kung anong pagkakamali ang magawa niya kaya tumutulong muna siya sa paghuhugas, paghahanda ng mga pagkain, at paglalaba.

Nilapag niya ang isang basket ng gulay sa lames na bagong dating lang. "Manang Minda, ito na po 'yong pinapakuha niyo sa akin." Aniya sa matanda: Si Manang Minda, ang head sa kusina.

"Tulungan mo na sila doon sa paghihiwa at darating na sila." Aniya Manang Minda na tila ba hindi mapakali. Paspasan din ang kilos nito. 

Sa katunayan niya, lahat sila ay nagmamadali sa pagkilos. 

Kumunot ang noo ni Elisa sa narinig. "Darating? sino po?"

"Ang mga Corvus. Uuwi na sila ngayong araw kaya kailangan nating magmadali,"  Sagot nito sa tanong niya ng hindi pa rin inaalis ang atensyon sa ginagawa.

Kaya pala hindi magkandaugaga ang mga tagapagsilbi. Uuwi na pala ang amo nila. Bigla tuloy siyang kinabahan. Kinakailangang maging doble ingat ang pagkilos ni Elisa ngayon. She can't make any mistakes that'll cause her to losing her new job. Kailangan na kailangan niya ng trabaho.

Sinimulan na niyang tumulong sa paghihiwa katulad nga ng inutos sa kaniya. Nagkakagulo na sa kusina pati na sa labas. Mabuti na lang malaki at maaliwalas ang kusina kaya hindi sila nagsisiksikan, maganda rin ang pagkakadisenyo at may ventilation kaya hindi sila naiinitan. Nasa kalagitnaan ng paghihiwa ng mga kasangkapan na gulay si Elisa nang may pumasok sa kusina. It's Rahul. Tumigil ang lahat sa kani-kanilang ginagawa. Rahul approached her and tapped her shoulder.

The Crow who smiled at meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon