Kabanata II: Crows nest

4.5K 283 28
                                    

Fact for this chapter:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Fact for this chapter:

Fact for this chapter:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KABANATA 2: CROWS NEST

Elisa Hidalgo

Kaba, iyan ang nararamdaman ngayon ni Elisa habang pinagmamasdan ang daang tinatahak ng karwaheng sinasakyan niya--- Ang daan papunta sa mansyon ng pamilyang pagsisilbihan niya.

Kung kanina ay puro mansyon ang nakikita niya, ngayon naman ay puro puno at halaman. Ang iba sa mga puno ay wala ng dahon, tanging mga sanga na lamang. Sumasabay sa kumpas ng hangin ang mga halaman at sa paglakas ng pag-ihip ng hangin sa labas ay ang siya namang pagtama ng mga sanga sa isa't-isa na siyang. Kasabay nito ay ang pag alingawngaw ng nakakakilabot na huni ng ibon— ng Uwak. May kalayuan sa sentro ang mansyon ng Corvus kaya puro puno ang nakapalibot rito. Para ngang nakatayo ang mansyon sa gitna ng gubat.

Tama ba ang naging desisyon niya? Parang gusto na niyang umatras dahil sa nakikita niya ngayon. Hindi man lang kasi sinabi ni Torrap na sa ganitong klase ng lugar pala naninirahan ang pamilyang Corvus. Kung alam niya lang talaga ay  hindi kaagad siya nagpadalos-dalos sa desisyon.

Napabalik siya sa sarili nang bumukas ang pintuan ng sinasakyang karwahe. Doon niya napagtanto na sa sobrang lalim ng iniisisp niya ay nakarating na pala siya sa destinasyon.

Hindi niya talaga inaakala  na sa ganitong lugar na siya mamamalagi. Nasanay kasi siya na malalaking mansyon ang nakikita niya, nasanay siya sa matao at maliwanag na lugar hindi tulad ng lugar na ito na pwede ng tirhan ng mga mga halimaw o mga ligaw na kaluluwa.

"Narito na tayo sa Mansyon ng Corvus." Aniya kutsero--- tauhan ng kaibigan niyang si Torrap.

Kay Torrap ang karwaheng sinasakyan. Nagpumilit kasi ito na ihatid siya ng tauhan niya para masigurado nito ang kaligtasan niya at hindi naman nagsisisi si Elisa na pumayag siya sa alok ng kaibigan. Hindi niya ata kayang pumunta  mag-isa sa ganitong klaseng lugar. Baka tumakbo lang siya pabalik sa sentro habang nanginginig sa kaba.

Huminga ng malalim si Elisa at inayos ang sarili bago bumaba. Kinuha ng kutsero ang mga bagahe niya habang abala si Elisa sa pagmamasid sa paligid. Masydo siyang nababagabag ng nakikita. Sinusuri niya ang kabuoan ng lugar hanggang sa maibaling niya ang tingin sa puno na hindi kalayuan sa kinatatayuan niya. Mas lalong nadagdagan ang kaba na nararamdaman niya nang makita ang mga uwak na nakadapo sa sanga ng nasabing puno.

The Crow who smiled at meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon