Kabanata XIII: The Crows chant.

2.8K 160 14
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KABANATA 13: THE CROWS CHANT

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


KABANATA 13: THE CROWS CHANT

Naging mabagala ng takbo ng oras, maski ang pagkilos ng mga taong nakasaksi sa nangyayari. Walang ibang naririnig si Elisa kundi ang pagtibok ng puso niya, tila ba inokupa na nito ang pandinig niya. Hindi niya naririnig ang mga boses na nasa paligid, nakikita niya lamang kung paano umuwang ang mga labi nito. Siguro ay tinatawag nito ang pangalan niya o hindi kaya'y sumisigaw ang mga ito. 

Nanatili ang tingin ni Elisa kay Marcus na pilit siya nitong inaabot. Si Marcus na may malaki at kulay itim na pakpak. Hindi magawang paniwalaan ni Elisa ang nakikita. Ang pakpak at ang... pag-aalala sa mukha ni Marcus. Why does he have a humongous wings? and why is he worried? 

Naningkit ang mata ni Elisa nang biglang lumabo ang paningin niya. Nang dumilat ay ang siya ring paglaho ng malaking pakpak ngunit nandoon pa rin ang pag-aalala sa mukha ni Marcus. Inilahad ni Elisa ang kamay para abutin si Marcus. Hindi malaman ni Elisa kung ano ang sumapi sa kanya at ginawa niya iyon. Marcus held her hand atsaka siya nito hinila palapit sa kanya. Maingat siya nitong ikinulong sa braso nito na tila ba pinoprotektahan siya nito.  

Nagpagulong-gulong sila pababa sa hagdan. Sa isang iglap lang ay bumagsak na sila sa sahig. Malakas na pagdaing ang kumawala sa bibig ni Marcus nang tumama ang tagiliran nito sa huling baitang ng hagdan. Napasinghap naman si Elisa nang maramdaman ang napakalakas na impact ng pagbagsak nila. Ramdam na ramdam ni Elisa ang pananakit ng katawan niya, idagdag pa na nahihirapan siyang huminga dahil sa sakit na nararamdaman. Nasaktan siya pero alam niyang mas nasaktan si Marcus lalo na't prinotektahan siya nito. 

Nagkukumahog na lumapit sa kanila ang lahat, habang si Arkele naman ay nanatiling nakatayo sa itaas ng hagdan, nakatingin sa kanila. Nanginginig ang maliit nitong katawan, namumutla at pinagpapawisan ng malamig. Humahangos na lumapit si Arkile sa kakambal. Galit na galit nitong pinihit paharap sa kanya ang kakambal na si Arkele. Ang galit ni Arkile sa mata ay napalitan ng pag-aalala nang makita ang itsura ng kakambal. 

"What have you done, Arkele?"

Nanginginig na inangat ni Arkele ang tingin. "I p-pushed her. S-she's a human."

The Crow who smiled at meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon