Chapter 1

4.7K 100 24
                                    


Irene's POV

"Kang Seulgi!"

Malakas kong sigaw habang hinahabol ang osong nakawala sa zoo. Taena yung gummy bears ko!

"HAHAHAHAHAHAH Habulin mo ko!" Sigaw naman niya

At nagawa niya pang tumawa ha?

"Akin na toh bahala ka!" Sigaw niya ulit habang tumatakbo

Lalo ko naman binilisan ang pagtakbo nang makita kong binuksan na niya ang pack ng gummy bears.

"HOY! TAENA HALIKA DITO! BWISIT KA TALAGA!" Sigaw ko

At dahil sa desidido akong mahabol siya ay di ko namalayan na may malaking bato pala sa daan kaya ayun......nadapa ako.

"Aray!" Daing ko

Shete. Pagtingin ko sa braso ko ay may gasgas at taena ang hapdi!

"Irene, okay ka lang?" Tanong ng osong dahilan ng pagkadapa ko

Agad ko naman siyang nilingon.

"Ewan ko sayo! Bwisit ka talaga sa buhay ko! Umalis ka nga!" Sigaw ko sabay tayo

Buti nalang di ako nagshorts ngayon kundi baka dumudugo na ang tuhod ko.

"Ha? Eh Irene, sorry na~ Oh kunin mo na tong gummy bears mo oh. Sorry na~" Pagsosorry niya ulit

"Huwag na! Kainin mo yan hanggang sa mamatay ka!" Sabi ko saka umalis

She's Kang Seulgi. Ang bwisit na oso sa buhay ko. Ewan ko jan palaging ginugulo ang araw ko. Wala yatang araw na di niya ginulo ang buhay ko. Palaging naka buntot sakin simula yata nung nagkakilala kami sa isang party at ayun palagi na niyang sinisira araw ko.

Gaya ngayon, SIRANG-SIRA na ang araw ko nang dahil sa bwisit na yon.

Kang Seulgi | k.sg x b.jhWhere stories live. Discover now