Chapter 8

2.1K 93 38
                                    


Irene's POV

Nandito ako ngayon sa isang bench sa isang park. Ayoko muna sa bahay. Ang gulo eh. Nagaaway si mommy at daddy.

"Oh Irene? Hi!"

Ugh, boses pa lang lalong nasira ang araw ko.

"Ay di namamansin. Oy Irene! Yuhoo!" Pangungulit niya ulit

"Ano ba, Seulgi?! Wala ako sa mood sa mga pambibwisit mo!" Sigaw ko sa kanya at sinamaan siya ng tingin

"Ay? Di naman ako palaging nambibwisit ah?" Sabi niya

"Wow lang ha? Eh araw-araw ka kayang nambibwisit sa buhay ko! Minsan nga gusto na kitang patayin, Alam mo ba yon?!" Sigaw ko

Argh! Nakakagigil!

"Wow harsh mo naman." Sabi niya

Medyo nakonsensya naman ako pero di na ako nagsalita.

"Malungkot ka yata. May problema ba?" Tanong niya

"Pake mo?" Mataray kong sabi

"May pake ako kasi kaibigan kita." Sabi naman niya

"Ay? Magkaibigan pala tayo?" Tanong ko naman

Napatingin naman ako sa kanya at nakita kong parang nasaktan siya sa sinabi ko. Idc...

"Oh edi enemies tayo." Sabi naman niya

"At dahil enemies tayo, samahan mo ko." Sabi niya sabay hila ng kamay ko

"Hoy san tayo pupunta?" Sabi ko

"Dun lang tayo sa perya. Bilis! Tutulungan kitang kalimutan ang problema mo kahit sandali man lang." Sabi niya at nginitian ako

Napaisip naman ako. Wala namn mawawala kapag sumama ako sa kanya eh.

Pagkapasok namin sa perya ay agad kaming sumakay sa viking. At first ay ayaw ko pero pinilit ako nitong oso na toh kaya no choice tsaka libre naman niya eh.

Sunod sa viking ay dun naman kami sa rollercoaster. Libre daw niya lahat ng sasakyan namin dito kaya go lang din ako hehe

Pagkatapos ng rollercoaster ay nagbasketball naman kami. Yung basketball na kapag nakascore ka eh may prize. Gusto pa sana namin sumakay ng ibang rides but sadly yun lang ang rides na meron ang perya.

"Seul, kunin natin yun oh! Kamukha mo." Natatawa kong sabi sabay turo dun sa stuff toy na bear


"Sus." Sabi niya at sinamaan ako ng tingin

"Totoo naman eh!" Natatawa ko paring sabi

Di niya ako pinansin at nagfocus nalang siya sa pagshoot ng bola.

"Manong, ilang points ang kelangan para makuha yung bear?" Tanong niya

"Ah yung oso po? Ay kailangan po ng 5 pts para makuha yun. At maam kasama na po yung kuneho na nasa tabi niya kapag nakapuntos kayo." Sabi naman ni Manong

Bigla naman natawa si Seulgi.

"Sige manong kukunin ko yan." Tumatawang sabi ni Seulgi

Bigla naman siyang bumulong,

"Kamukha mo yung kuneho..." Sabi niya

Agad ko naman siyang pinalo pero ang gaga tumawa lang.

Shoot

Shoot

Shoot

Shoot

Shoot

"YEHEY!" Sigaw namin nung pumasok ang ika5 bola

Agad naman binigay ni Manong ang kuneho at oso kay Seulgi.

"Oh san dito ang gusto mo?" Tanong niya

Agad ko naman kinuha ang oso.

"Ito nalang sakin. Ang cute eh." Sabi ko

"Katulad ko ba? Cute?" Sabi niya sabay pout

Cute.

No! I mean,

"YAK! ANG PANGIT MO!" Sabi ko naman

Mas lalo naman siyang nagpout.

"Ang bad mo! Diba bunny? Ang bad ng kakambal mo diba?" Sabi niya sa stuff toy na kuneho

Weird neto. Pero cute♡

Kang Seulgi | k.sg x b.jhWhere stories live. Discover now