Chapter 6

2.1K 90 60
                                    


Irene's POV

Kasalukuyan akong nagdodoodle sa likod ng notebook ko.

Anong dinodoodle ko?

'Song Hangyeom'

Yiee~ pangalan ni kras guys!

Habang pangiti-ngiti akong sinusulat ang pangalan ni Kras ay biglang may humablot ng notebook ko.

"HOY!" Sigaw ko

Pagtingin ko sa kumuha ay as expected, si Seulgi.

"Song...Hangyeom... CRUSH MO ANG BESTFRIEND KO?!" Tanong niya habang tumatawa

"Hoy ibalik mo yan!" Sigaw ko at tumayo para kunin ang notebook ko

"Yiee~ Si hangyeom pala gusto mo, bunny ko? Kala ko ba ako?" Nalulungkot niyang sabi pero halata naman na peke

Nakita ko naman na binaba niya ang notebook kaya I took the chance para kunin yon pero waley. Tumakbo siya palabas pero dahil maraming tao ay di siya makatakbo ng maayos kaya nahabol ko siya.

At dahil nahabol ko na siya ay di na siya tumakbo pa at tinaas nalang ang notebook ko. Pota ba't mas matangkad siya kesa sakin?! Di ko tuloy maabot!

"HAHAHHAHAHAHA PANDAK!" Sabi niya sabay tawa

BWISIT TALAGA TONG OSONG TOH!

"KAPAL! Eh 1 inch lang naman ang lamang mo sakin!" Sabi ko

"Kahit na! Mas matangkad pa rin ako sayo!" Sabi niya sabay tawa

Di ko nalang siya pinansin at pilit ko nalang inaabot ang notebook ko. Patalon talon ako hoping na maaabot ko ito. Maaabot ko naman sana kung di lang mahaba ang braso niya.

At dahil di ko talaga maaabot ay tinawanan lang ako ni Seulgi.

"MAMATAY KA SANA SA KAKATAWA!" Sabi ko sabay talon ulit

Meron naman pumasok ni idea sa isip ko. Hinawakan ko ang magkabilang balikat ni Seulgi at dito ako bumwelo para tumalon ng mataas.

At effective naman kasi nakuha ko ang notebook ko but....natapilok ako.

Napakapit naman ako ng mahigpit sa leeg ni Seulgi.

"Hoy ingat ka!" Sigaw niya sabay hawak sa bewang ko nang makita niyang natapilok ako

Kaya ang resulta ay....... nakapulupot ang braso ko sa leeg niya habang ang braso niya ay nakapulupot sa bewang ko.

Napatingin naman ako sa kanya at dun ko lang narealize na nakatingin pala siya sakin.

/dug100x/

Nakita ko naman na unti-unting bumababa ang tingin niya papuntang labi ko. At ewan ko sa mata ko kasi nakatitig na rin ako sa mga labi niya. Ang pula naman yata? Natural kaya toh?

"EHEM. Ang eksenang ito ay Rated SPG. Striktong patnubay at gabay ng magulang para sa mga batang manonood."

Pareho naman kaming napalingon ni Seulgi kay Joy. At dun lang namin narealize na maraming estudyante ang nakatingin samin kaya agad kaming bumitaw sa isa't isa.

Wala sa sarili naman akong lumapit kay Joy at pinalo ito bago pumasok sa room.

Okay..... so what was that?

Kang Seulgi | k.sg x b.jhDove le storie prendono vita. Scoprilo ora