Chapter 14

2.2K 82 29
                                    

Irene's POV

All smile akong pumasok ngayon. Ewan ko pero good mood ako ngayon.

"Irene? Ikaw ba yan? Good mood ka yata?" Wendy

Di ko siya sinagot at nginitian lang siya.

"Baka inlove." Sabi naman ni Joy

Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin.

"Joke lang pala hehe..." Awkward niyang sabi

Pagkaupo ko sa upuan ay agad akong napatingin sa upuan si Seulgi. Wala pa siya?

"Oo, wala pa siya."

Napatingin naman ako kay Wendy. Pano niya nalaman?

"Nalaman ko kasi upuan lang naman kasi niya ang walang nakaupo. Tas dun ka pa sa side niya nakatingin." Dagdag ni Wendy

Namula naman ako. Halata pala?

"Oo halata."

Mind reader ba tong mga kaibigan ko?

"Nagsasalita ka kaya gaga. Btw ikaw ha may tinatago ka samin noh?" Sabi naman ni Joy

"Anong real score niyo ni Seulgi? Kayo ha may away away pa kayong nalalaman eh may hidden desires pala kayo para sa isa't isa." Dagdag pa ni Joy

"Anong hidden desires?! Wala noh!" Tanggi ko

"Sus wala daw!" Wendy

Wala naman talaga ah?

Magsasalita pa sana ako nang biglang magbell at nandito na pala ang teacher namin.

Napatingin naman ako sa upuan ni Seulgi.

Wala pa rin siya?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

It's lunch already pero wala pa rin si Seulgi. Ewan ko pero kinakabahan ako.

"Irene, una ka na sa canteen nandun na daw si Yeri. May naiwan kasi si Wendy sa room kaya kukunin muna namin." Paalam ni Joy

Tumango naman ako at agad nagtungo sa canteen. Pagdating ko dun ay agad akong lumapit kay Yeri.

"Oh unnie, nasan sila?" Sabi ni Yeri

"Ah may naiwan daw kasi si Wendy kaya bumalik muna sila sa room." Sabi ko

Napa-'Ahh' naman si Yeri. At dahil gutom na kami ay di na namin hinintay sila Wendy at sinimulan na namin kumain.

Ilang minuto pa lang ang nakakalipas nang tumatakbong dumating sina Joy at Wendy. Pagdating nila ay agad silang lumapit sakin.

"Oh? Napano kayo? Ba't parang hinabol kayo ng aso?" Natatawa kong tanong sa kanila

"Oo nga! At ba't umiiyak kayo?" Tanong naman ni Yeri

Oo nga, ba't sila umiiyak?

"Unnie......" umiiyak na sabi ni Joy

Habang si Wendy naman ay niyakap lang ako.

Huh?

"Si Seulgi....."

Bigla naman akong kinabahan.

Kang Seulgi | k.sg x b.jhWhere stories live. Discover now