Chapter 2

2.7K 90 4
                                    


Irene's POV

Nandito ako ngayon sa classroom at kasalukuyang nakikinig sa phone ko gamit ang earphones. Nakatingin lang ako sa bintana at feel na feel na sana ang kanta nang biglang may nagtanggal ng earphones ko.

"Hi Irene!" Bati ng isang ugok

Napatingin naman ako sa kanya. Taena nandito nanaman ang oso....

"Pwede bah Seul? Wag mo kong kausapin? Kita mong nakikinig yung tao eh!" Sabi ko sabay irap sa kanya

Babalik na sama ako sa pakikinig nang bigla akong pinigilan ni Seulgi.

"Sus. Ako nalang pakinggan mo hehe maganda naman boses ko eh." Sabi niya habang tinataas baba ang kilay niya

Agad ko naman tinulak ang mukha niya. Ang lapit eh baka mahawa pa ako sa mukha niyang parang oso.

"No thanks." Sabi ko sabay talikod sa kanya.

"HOY MAGANDA KAYA BOSES KO!" Narinig kong sigaw niya pero di ko na siya pinansin

Kang Seulgi | k.sg x b.jhWhere stories live. Discover now