Chapter 7

2.1K 86 53
                                    

Irene's POV

Kinukuha ko ngayon mula sa locker ang librong gagamitin ko mamaya. Pagkatapos kong kunin ang mga libro ay agad akong nagtungo palabas ng locker room.

Pagkalabas ko pa lang ng locker ay may isang taong bumangga sakin kaya nahulog yung nga librong dala-dala ko.

"Opps! I'm sorry.......Irene...? Hehe."

Pagtingin ko sa nakabangga ko ay agad nasira ang araw ko. Kahit kailan talaga tong osong toh! Argh!

Di na ako nagsalita at daling kinuha ang mga libro kong pinulot ni Seulgi.

Nakaka ilang hakbang pa lang ako mula sa kanya nang may biglang yumakap sakin mula sa likod. Nakapulupot pa ang mga braso nito sa bewang ko.

"H-hoy..." Nasabi ko nalang

Pagtingin ko naman sa yumakap sakin. Shit, wrong move. Ang lapit ng mukha ni Seulgi. Ewan ko but napatingin ako sa labi niya since ito ang nakakakuha ng atensyon. Ang pula shete natural kaya toh?

Nabalik naman ako sa katinuan nang biglang tumikhim si Seulgi.

"H-hoy...a-anong ginagawa m-mo?" Nauutal kong tanong sa kanya

Napatingin naman siya sakin pero agad din umiwas. Napalunok siya at bumulong...

"May tagos ka...." bulong niya

Agad naman akong namula at nahiya nang marealize ko ang sinabi niya.

Shit. Shit. Shit.

WALA AKONG NAPKIN! Tas anlayo pa ng cr pota....

"May napkin ka?" Tanong niya

"W-wala eh." Sagot ko naman

Napansin ko naman na napaisip si Seulgi.

"Ah ano punta muna tayong cr tas dun ka muna habang bibili ako ng napkin." Sabi niya sabay tingin sakin

Shit ang lapit niya kaya nag iwas ako ng tingin.

"Ah sge pero anlayo pa ng cr." Sabi ko naman

"Edi pupunta tayo ng cr habang nakaganito." Sabi niya at mas hinigpitan pa ang pagkakapulupot ng braso niya sa bewang ko

"W-what?! No way!" Sigaw ko

"Eh? Sige ka maraming makakakita ng tagos mo." Sabi naman niya at akmang tatanggalin ang braso niya mula sa bewang ko

"Ha? Wag nalang!" Sabi ko

"Eh sabi mo di na so sge." Sabi niya at akmang aalis na

Di pa siya nakakaalis nang hilahin ko ang mga braso niya at pinulupot ito sa bewang ko at dahil di niya inaasahan yun ay napasubsob siya sakin.

Damn, ba't ang bango niya yata?

"Hala....sorry. Nabigla kasi ako." Sabi niya at lumayo ng konti

"A-ah o-okay lang." Sabi ko

Agad naman kaming maglakad ng naka ganun papuntang cr. At sa kamalas-malasan eh nakita kami nina Joy at Yeri.

"Oy oy oy! Ano yan? Yiee~" Panunukso ni Yeri at vinivideohan pa kami

"Naku ha! Kunwaring palaging nag-aaway yun pala may tinatagong feelings nakuu~" Tukso naman ni Joy at pinipicturan kami

Puta. Naku kung wala lang talaga ako sa sitwasyon na toh baka kanina ko pa sila napalo!

"Umalis na nga kayo! Shoo!" Taboy ko sa kanila

Agad naman silang umalis at medyo malayo-layo na sila pero rinig na rinig ko parin ang tawa ni Joy. Batang yun talaga...

Nang makarating kami sa cr ay agad kaming pumasok.

"Sige na. Bilhan mo na ako ng napkin. Tsaka bumitaw ka na." Sabi ko

Pero ang gaga di pa rin inaalis ang braso niya.

"Eh? Ayoko. Gusto ko ganito muna tayo." Parang batang sabi niya

Ewan ko pero first time akong nacutan sa kanya. Shete ang cute.

"Bilis na!" Kunwari ay galit kong sabi

Agad naman itong lumayo at lumabas. Pagkatapos ng ilang minuto ay agad naman itong bumalik.

"Oh ito muna gamitin mo. Extra palda ko yan galing sa locker at yang napkin naman galing din sa locker ko." Sabi niya sabay ngiti

Nagpasalamat naman ako at agad nagbihis. Paglabas ko mula sa cubicle ay nagulat ako nang makita kong nandito pa si Seulgi.

"Tara na?" Tanong niya

Tumango naman ako at sabay na kaming lumabas.

"Oy Kang. Kahit binibwisit mo ko, salamat ah?" Pasasalamat ko

"Welcome." Nakangiti niyang sabi

"SEULGI!"

Napalingon naman kami sa sumigaw.

"JIMIN!" Sigaw din ni Seulgi sabay takbo papunta kay Jimin.

Nakita ko naman na agad inakbayan ni Jimin si Seulgi pagkalapit nito. Totoo nga siguro that they're dating....

Kang Seulgi | k.sg x b.jhWhere stories live. Discover now