I

8K 214 52
                                    

January 2990

Blanko ang mukha kong nagpatay ng laptop at hinintay lang itong mawalan ng init bago ito linagay sa bag. Matagal kong tinitigan ang mga gamit sa table ko bago ko ginalaw ang mga kamay ko para ilipat ang mga ito sa malaking kahon. Wala akong itinira kahit isang papel. Iniwan ko muna ang mga gamit ko sa cubicle ko saka pumunta sa office ng manager namin. Kumatok muna ako bago pumasok, hawak-hawak ang isang papel na isinulat ko na may mabigat na dibdib.


"Sir, tapos na po akong magligpit." Sabi ko pagka upo ko sa visitor's chair sa harap ng table. Linapag ko ang papel na ilang beses niyang tinanggihan pero mukhang hindi na niya ako mahihindian ngayon.


"Ito ba talaga ang gusto mo, Benitez? You have so much potential, nakaya mo pang tumapos ng isang project na ikaw lang which is an unbelievable feat. Besides that, you already have experience with games, it would be such a pity if you're going to stop now." Nginitian ko siya saka tumango.


"My potential is not appreciated by my co-workers, Sir. Hindi ako nagtapos para sa isang propesyon na magbibigay sa akin ng altapresyon." Sir Harold smiled slightly.


"I hope for the best for you, Benitez. I guess I have no choice but to let you go. Mahirap kang pakawalan. I may sound harsh pero sana walang ibang kompanyang makakuha sa'yo. Mas masisiyahan pa ako kapag nabalitaan kong nagsolo ka kesa mapunta ka sa ibang kompanya."


"Thank you, Sir." Palabas na ako nang magsalita siya ulit.


"Sana intindihin mo na ang sarili mo sa susunod, Benitez." Tumango lang ako saka bumalik sa cubicle ko.


"Buti naman at aalis na 'to. Masyadong pasapaw." Nagbingi-bingihan ako sa mga sinasabi nila. Hanggang sa makuha ko ang lahat ng gamit ko at umalis sa building.


I've been working at Widrock Corporation, a video game developer, for three years at maaga kong nabawi ang pinang-aral sa akin ng mga magulang ko. I was rookie Programmer of the Year dahil sa na-develop kong laro na naging patok hanggang ngayon. It was supposed to be a team project pero hindi ako tinulungan ng Team ko, maski ang team leader hindi tumulong dahil daw "masyado akong magaling".


Hindi ako nagsumbong, sa halip ay sinakripisyo ko ang lahat para matapos ang isang laro sa loob ng anim na buwan. I did the animation all by myself, coding, etc. I got the recognition I deserved from the higher-ups pero hindi sa mga co-worker ko. Ilang beses na akong pinaparinggan na kesyo nagpapabibo lang ako para mas tumaas ang sweldo ko at lahat-lahat, I had enough of them badmouthing me.


"I told you, hindi ako puwede ngayon."


"Nasa iyo pa 'yung sasakyan ko tsaka hindi ba't out mo na? Anong oras na."


"Overtime."


"Ilang araw ka nang nago-overtime, Draco. Akala ko ba last mo na nung Monday?"


"Marami kaming ginagawa. 'Wag mo na akong kulitin, Raena. I'm busy."


Umirap ako nang babaan niya ako ng telepono. Nag-book na lang ako ng taxi para makauwi.

Server: RaedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon