Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakapikit, komportable naman ang katawan ko sa sofa bed na linagay ko sa salas at hindi ko magawang imulat ang mga mata ko dahil sa antok pero active pa rin ang senses ko. Naaamoy ko pa ang air freshener at naririnig ang aircon na magdamag na yatang naka-open.
I should be asleep, my mind should be wandering off to dreamland but I can still feel myself lying and my arm on top of my head. Ilang sandali pa ay narinig ko ang cellphone ko na nag-aalarm kaya minulat ko ang mga mata ko pero hindi ko 'to pinatay, nanatili akong nakahiga habang hinahayaan itong tumunog.
Nakailang patay at tunog ang alarm ko nang tumunog naman ang doorbell at ang boses ni Webber. I still find it hard to accept that he's Captain Web's son and they developed Gladio Online as a disguise for their original plan. So much for my novel draft as his inspiration. Baka nga hindi niya dapat ako gagawing co-owner ng Bolo Corp pero alam niyang hindi niya ako mapapapayag na pumasok sa kompanya bilang isang employee lang. Baka pinagtanggol niya lang ako sa pamilya ko kasi alam niyang hindi nila ako kailanman na pinanigan. If that's it then damn him.
"Miss Benitez, are you feeling fine?" Tanong niya nang makapasok siya saka dumiretso sa kusina para magluto gaya ng lagi niyang ginagawa. Bigla tuloy akong naging conscious kung normal na mga pagkain ang pinapakain niya sa akin, "Why are you sleeping there anyway?" Bumangon ako saka nakaramdam ng pagkahilo pero hindi ko pinahalata sa kanya.
"Where did you go yesterday? You came home late."
"Chinatown," sagot ko.
"Isn't it too crowdy there?" Lumapit ako sa kusina kahit na nahihilo pa ako para hindi siya magtaka kung bakit ang tagal kong nakaupo.
"I stayed in a dim sum shop owned by an old friend of mine," mula sa stove ay parang nagtaka pa siya nang harapin niya ako.
"You had friends?" Binato ko sa kanya ang mansanas na nasa counter na agad niyang inilagan.
"What are you doing today? Can I help?" I casually asked. Hindi pwedeng lumayo ako sa kanya dahil nalaman ko kung sino talaga siya at kung anong balak nilang gawin ng ama niya.
"The usual troubleshoots and updates. How about you? The doctor said you can go back to work after tomorrow."
"I'm still thinking?"
"You have to do something to keep you sane, Miss Webber. You'll dive in to GO once you're ready," tumango na lang ako kahit nakaramdam ako ng pag-aalinlangan.
Bumuntong hininga ako habang nakaharap sa monitor na pinapakita ang Google search. I can finally use gadgets and the first thing I want to do is to search my name. Bilang parusa, ang sabi ni General ay tatanggalin nila ang lahat ng bagay na meron ang pangalan ko. Alam kong napagkasunduan namin na pagkatapos kong mapabagsak ang Project Malthus ay saka lang nila tatanggalin ang kahit anong data tungkol sa akin but I was curious.
Nang itipa ko ang Raed ay meron pa rin ang mga article pero pagka-click ko dito ay nagpakita na "404 page not found". Bumalik ulit ako sa Google search at ang article na tinignan ko kanina ay wala na. I didn't expect it but my chest felt heavy. Sinunod kong gamitin ang cellphone ko para buksan ang social media accounts ko. Una kong binuksan ang Instagram. Pumunta ako sa wall ko at isa-isang nawawala ang mga picture ko hanggang lumabas ang "user doesn't exist", pati ang Twitter ay ganon ang lumabas. Ang Messenger naman ang sinunod ko. 'Di gaya ng Twitter at IG na mabilis nagsiwalaan ang data, meron pa ang mga message. Nakuha ng pansin ko ang recent chat mula kay Draco. Mula umalis ako hanggang ngayon ay china-chat niya pa rin ako.

YOU ARE READING
Server: Raed
Science FictionProject Malthus #1 COMPLETE Wattys 2020 Winner (Science Fiction Category) Highest rank achieved: #1 Gaming #2 Reality #2 Action-Adventure #6 Science Fiction Who said being too good at something is great? Considered as one of the brilliant minds of...