End

2K 78 27
                                        

December 3000

Post Project Malthus

Nakangiti akong naka-abang kay Aziel na malawak din ang ngiti habang tumatakbo papunta sa akin. Huminto si Aidan na kasama niya dahil sa isang Player na nagtawag sa kanya. Dumiretso papunta sa akin si Aziel at ilang beses na tumalon, mukhang marami siyang maikwe-kwento sa akin ngayong araw.

"Ena!" Yinakap niya ako at hinalikan ko ang tuktok ng buhok niya.

"Hi. Did you have fun with tito Aidan?"Ilang beses siyang tumango at nagsimula na ang mga kuwento niya.

"Aalis na naman kayo ni tito Aidan?" Tanong ni Aziel nang lumapit sa akin si Aidan at inaya ako na mag-log out.

"We'll still come back naman, 'di ba tito Aidan?" Agad na tumango si Aidan kay Aziel.

"Si tito Holze ba ang magbabantay sa akin? O sa academy?"

"I think tito Holze will look after you while we're gone," nakangiting sabi ko. As if on cue, dumating si Holze at pabirong kiniliti si Aziel. Bigla kong naalala si Debie na dating in-game partner niya, kung nagkaroon kaya sila ng anak parang ganito rin ta-tratuhin ni Holze ang anak nila?

"Tito Holze, Ena's talking about you again," nanlaki ang mga mata ko dahil binuko ako ni Aziel.

Habang inaaral ko ang mga gawa ni Glade sinabi sa akin ni Aidan ang tungkol sa Unimos console at kay Unimos. Bilang administrator at carrier ng chip ng Server: Raed, nababasa ko ang thought waves ng mga Player, ibig sabihin ay nababasa ko ang nasa isip nila. Aziel has Jia's administrator chip, bilang administrator na pinanganak sa loob ng Project Malthus, nababasa niya rin ang nasa isip ng mga Player at maski ang sa akin.

"It wasn't anything bad, I promise you!" Sinamaan lang ako ng tingin ni Holze.

"Sige na nga at umalis na kayo! Pasalamat ka at cute si Aziel!" Natawa na lang ako at tinanguan si Aidan. Saglit kong hinalikan sa pisngi si Aziel at hinawakan ang maliit niyang kamay.

"I'll see you, baby," I sweetly said to him. Aziel stared at me with Jia's eyes that made me emotional for a moment so I kissed his cheek again before I do anything I'll regret later. Seconds later, we were logged out of Project Malthus.

Para sa aming mga administrator, nagagamit namin si Unimos in its full potential pero dahil ako lang ang administrator na malayang nakakalabas-pasok sa Project Malthus, ako ang nakaka-access sa feature nito na cybernetic, kung ano man ang iisipin ko ay gagawin ni Unimos kahit wala akong sinasabi.

Agad akong tumayo at hindi na inalis ang Unimos console para abangan si Aidan na ilang minuto pa bago tuluyang makalabas. He was our basis of the project we were making with Yale so we can log out the people of Project Malthus without their real body but with a cyborg-like body instead.

Bigla kong naalala si Volos na halos gan'on din ang katawan dahil sa aksidenteng kahit kailan hindi ko narinig kung anong nangyari. Kamusta na kaya siya? Kamusta na kaya silang lahat? Malapit na kaya sila sa pupuntahan nila?

"Raena, let's go," nabawi ako sa pag-iisip ko nang malalim at nakita si Aidan na nasa harap ko na pala.

"Yeah, come on."

Nalagpasan namin ang mga humanoid na may buhat na mga titanium alloy na gagamitin para sa production ng katawan ng mga Player. Pinagdikit ko ang mga palad ko dahil bigla na naman akong nanginig. I agreed to be useful until Leopold Ashley says that I'm not useful anymore and they'd kill me after that.

Server: RaedWhere stories live. Discover now