"Who do you work for?" Napaubo ako nang suntukin nila ako sa tiyan.
"Private Asynja, 1-1925-101," I continued to mutter to keep me sane. Ilang pasakit pa ang ginawa nila pero iyon lang ang tanging masabi ko.
"Are you part of the military? Tell us what do you know about Project Malthus?!"
"Private Asynja, 1-1925-101," tumigil sila pero hindi ko tinigil ang pagsasalita.
"Sir, she was with a scouting group near our facility," sabi ng kanina pang sumusuntok sa akin. May humila ng buhok ko para iangat ang ulo ko. He was a bearded man wearing dark glasses. I know him, he used to be part of the organization I'm in. And he's my mission. He smirked at me and ordered one of his men to raise my head.
"Boys, she's not a private. Let me introduce you Major Asynja, the master strategist of—"
Dali-dali akong napabangon at hingal na hingal pa na parang tumakbo ako. Pinunasan ko ang mga pawis ko. It's the same nightmare over and over again. Bumangon ako para puntahan si Draco sa kuwarto niya pero pagkalabas ko ay kusina ang bumungad sa akin. Napaupo ako sa sahig nang mapagtantong wala na pala ako sa condo namin, wala na si Draco na pinupuntahan ko sa tuwing binabangungot ako ng panaginip na 'yun.
"Draco..." I whispered his name. I depended on him too much, now that we're far apart I don't know what to do. He was the one who glued me to pieces but now I'm back to square one.
"Fuck," I cussed and chose to stand up. I have to face it that I'm on my own again, nandiyan man si Webber pero professional lang ang pakikitungo namin sa isa't isa.
"Miss Benitez, please save me."
Napapikit ako nang maalala ko ang sinabi niya sa akin noon. Sobrang pamilyar na sa akin ang emosyong ipinakita niya sa akin. Like me, he's broken and who knows what happened to him. Natatakot ako na balikan ang pangyayaring iyon dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. How can a broken person help another broken person? I don't have the strength to help him. Kung ako nga hindi ko maisalba ang sarili ko, ang iba pa kaya?
Pinakalma ko ang sarili ko bago bumalik sa kuwarto. It's only quarter to three, ang pangit pa naman sa akin ay kapag nagising ako nang dahil sa panaginip ay hindi na ako makatulog pa. Nahagilap bigla ng mga mata ko ang Unimos na nasa table. Wala pa akong access sa Unimos o kahit sa mismong Gladio Online, pwede ko pa naman siguro ito laruin. Nang maisuot ko ang Unimos ay agad kong ipinikit ang mga mata ko.
"Welcome to Gladio Online."
Unti-unting nagfo-form ang plaza at nakita ko ang repleksiyon ko sa isang stall na nagbebenta ng mga armor. Inikot ko ang pulso ko at sinubukang huminga na parang nasa totoong mundo ako. Maglalakad na sana ako nang may magpakitang window sa harap ko.
"Dear Player, you have been awarded the title: Server Jumper as the strongest player of the month. The following are the servers you are allowed to visit. As of now, you are still banned in Server: Bolo for killing two Rad Players. Enjoy!" Nagpakita ang iba't ibang server ng Gladio Online.

YOU ARE READING
Server: Raed
Science FictionProject Malthus #1 COMPLETE Wattys 2020 Winner (Science Fiction Category) Highest rank achieved: #1 Gaming #2 Reality #2 Action-Adventure #6 Science Fiction Who said being too good at something is great? Considered as one of the brilliant minds of...