XXX

829 59 0
                                    

I was at Wonders and went to Hagia Sophia where Holze bought a huge space as his shop. Ayon sa kanya ay masyado raw maliit ang shop niya sa Floor 11 at mura pa ang mga shop ngayon dito dahil wala pang bumibili, mas mura kasi ang mga shop spaces kapag wala pang masyadong bumibili. Luckily for Holze, his competitors are in their lowest points now so he can buy things at a lower value. Bumili rin si Jia dahil gusto niyang magpatayo ng in game version ng Reeve's pero hindi niya muna maaasikaso dahil kay Aziel.


Tinulungan ko si Holze na mag-ayos sa shop niya dahil ang mga gawa ko ang id-display niya. I maxed my furniture crafting skill level and I'm planning to learn the cooking skill para matulungan si Jia sa shop niya.


"'Wag diyan, mas maganda kung itong single couch ang nandiyan. This is a living room set, not a patio set." Pasimple lang akong umirap at tinanggal ang coffee table sa tabi ng couch.


"You were an interior designer, 'no? Why don't you be an interior designer here too?" Tanong ko saka umupo sa couch na pinalipat niya sa akin.


"Players can design their houses by themselves, trabaho ko na lang ang mag-recommend ng furniture na babagay sa gusto nila at utusan ka na tumayo diyan dahil akala ko ba may pupuntahan ka?" Muli akong umirap at tumayo na.


Pinagmasdan ko ang kinalabasan ng pagod ni Holze. Sa totoo lang ay kararating ko lang 20 minutes ago at ang pagd-display lang ng mga furniture ang naabutan ko dahil tapos na siya sa iba. One-fourth lang ng shop ang ginawa niyang reception area para sa mga Player na gustong bumili at ang kabuoan ay showroom na, may basement na binigay ng system kay Holze dahil malaki ang space na binili niya at doon ay naglagay siya ng double deck at mga stashes kung saan naka-store ang furniture na hindi kasya sa shop inventory niya.


"Congrats, Holze. Parang kailan lang na minessage mo ako para mag-supply sa'yo ng furniture, tignan mo kung nasaan ka na ngayon. This shop cost what? 600k Irons?"


"I won't make it this far without you, Raed!" Sigaw niya mula sa basement. Biglang tumunog ang reminder na nai-set ko para sa lakad ko.


"See you, Holze!" Sigaw ko at umalis na sa shop niya.


May mga Player na naggagala sa Hagia Sophia pero kaunti lang ang nakasalubong ko at hindi yata ako nakalagpas na walang sugat na galing sa kanila. I still can't feel shit and that's good for me dahil hindi lumalagpas ang araw na wala akong galos mula sa mga nakakasalubong ko na Players.


I was an Immortal Object again without me noticing. Naguluhan ako dahil nababawasan ang HP ko pero hindi nagbabago ang kulay nito, noong akala ko ubos na ang HP ko ay bigla na naman itong napuno.


Totoo nga na ginawang executioner si Fuego, every time a Player has been killed by another Player he's being summoned and his two-handed sword changes to a huge one. Pinanuod ko siya noon na gawin ang public execution at literal na nagpakita sa likod niya ang Grim Reaper. After he executes a killer the Grim Reaper goes to his sword and it became normal.


Glade didn't want me to be a normal Player and gave me a job. Normal lang sa tao ang matakot sa kamatayan kaya sila nagtatago, and there goes my job. I hunt for Rad Players who's on the run, but as the partner of the executioner, I should do it discreetly or the Player on the run will keep on running hanggang sa may iba na namang Player na pumatay at tumakbo hanggang sa rumami ang Players na magsitago. So I have to catch the Player within two hours and until now no one knows that Rad Players who's on the run's being hunted, ang alam lang kasi ng karamihan ay dala-dala na ni Fuego ang mga Rad Players saka sila papatayin.

Server: RaedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon