Chapter 3: The History

75 0 0
                                    

Chapter 3: The History

"Okay! Umpisahan muna,Pan." Nakangiti kong punya. Narito kami sa dalampasigan nakaupo ng pabilog at nasa sentro ang bonfire na siyang nagsisilbing liwanag sa madilim naming kapaligiran. "Hindi ito detalyado kaya----"

"Teka teka." Agaw atensyong sigaw ni Gerald na agad na binatukan ni Claire. Nagpout si Mohr habang hinihilot ang kaniyang ulo sumenyas naman si Claire na ipagpatuloy. "According to what my mother said, This Island of Ingrata was discover by Gwenmeranda noong naganap ang unang digmaan sa pagitang ng mga taong 1914-1916. Si Gwenmeranda ay nagkaroon ng isang anak si Gwenmoria. Maayos ang kanilang naging takbo ng buhay hanggang sa nalaman ni Gwenmeranda na nagdadalang tao si Gwenmoria sa isang binatang taga ibayong laot. Pinalayas ni Gwenmeranda si Gwenmoria kasama ang kabiyak nitong si Matias." Hoo! Lahat kami ay tahimik at taimting nakikinig sa kwento si Pan.



"Ayun sa sabi sabi kambal ang nailuwal ni Gwenmoria,Isang lalaki at isang babae. Ito ay isa Gwenmaria at Lucario Ingrata. Ng malaman ni Gwenmeranda na kambal ang naging sumpling ng kaniyang anak. Kinuha niya ang babaeng anak na si Gwenmaria at itinago ito dito sa Isla Ingrata. Nang malaman ni Gwenmoria ang lahat bumalik siya dito sa Isla at hinarap ang ina. Nagkasagutan sila at sa di inaasahang pangyayare napatay ni Gwenmoria ang kaniyang ina.. " Gosh!



"Dahil sa takot nagibang bansa si Gwenmoria kasama sina Matias at Lucario. Makalipas ang ilang taon si Gwenmaria ang nagpatuloy sa sinimulan ng kaniyang lola. Pinayaman at pinaganda niya ang Isla. Hanggang sa napaibig sa kaniya si Lucario na sarili niyang kapatid. Dahil sa pagnanasa ni Lucario kay Gwenmaria ginahasa niya ito ng minsang madatnan sa dagat. At nagbunga ito ng supling at ito ay si Gwenyell. Nagpakatago tago si Lucario at nakilala niya ang babaeng si Lucinda na kaniyang naging kabiyak at binigyan sila ng supling at ito ay sina Rita at Miya. Dahil bunga ng isang karahasan si Gwenyell sa sariling kapatid itinakwil ito ni Gwenmaria. Kalaunan namatay ang mga magulang nina Lucario at Gwenmaria at sa araw ng burol doon lamang nila napag-alamang magkadugo sila. Namatay si Gwenmaria sa sakit na dengue habang si Lucario at ang asawa ay namatay sa aksidente." Grabe naman pala ang napagdaan ng mga Ingrata.


"At dahil panganay si Gwenyell sa kaniya naiwan ang mga responsabilidad ng isang Ingrata. Sa mura niyang edad natuto siya kung pano pangasiwaan ang buong Isla. Nang siya'y nagdalaga nakilala niya ang binatang si Pablo. Nagkaibigan sila at kalaunan nagkaroon sila ng unang anak at yun ay si Gwenella. Naging masaya ang kanilang pagsasama hanggang sa iniluwal nito ang ikalawa nilang anak na si Gwendolyn." What the heck bakit sila nakatingin lahat sa akin.



"Lumaking masayahin sina Gwenella at Gwendolyn nagbago ang lahat ng dumating ang mga anak ni Lucario at Lucinda. Na sina Lady Rita at Lady Miya. Nais nilang kunin ang Isla kay Gwenyell. Namatay si Pablo dahil binaril ito ni Lady Miya ng magtangkang pigilan ang kanilang balak habang sina Gwenyell at ang dalawa nitong anak ay sumakay sa yate na pagmamayari nila. Dahil sa nais ng magkapatid na Rita at Miya pinasabog nila ang sinasakyang yate ng magiina. Tanging si Gwenella lamang ang nakaligtas. Inalipin ito ng kaniyang mga Tiya at ng mamatay ang mga ito siya na ang nangmay-ari ng buong Ingrata sa tulong ng kaniyang pinsang si Kiro at Gwenyth."



"Si Kiro ay anak ni Lady Rita habang si Gwenyth at anak naman ni Lady Miya." Pagtatapos nito sa kwento.

Nagtaas ng kamay si Kim. "Bakit hindi si Kiro o Gwenyth ang kasalukuyang tagapamahala?" Oo nga no!


"Ewan! Yun kase ang kwento ng nanay ko hindi naman niya nabanggit ang mga yan." Sabagay pero. Kawawa naman pala si Gwenella at ang naranasan ng kaniyang angkan.



Nagusap usap muna kami hanggang sa iniwan ko sila doon sa dagat. Binalikan ko ang mga portait na aking nakita sa pasilyo. "Kung namatay si Gwenmaria ng dahil sa dengue.. Sino ang matandang babae at lalaki ang nasa portrait na ito."



"That's my grandparents." Napatingin ako sa nagsalita. "Lucario and Lucinda Ingrata.Hi binibini ako nga pala si Kiro, Kiro Monrell Ingrata Dalias." Pagpapakilala nito sabay yuko na para bang nagbibigay galang. "Uyy tumayo ka nga nakakahiya." Oo nahihiya ako lalo't na di kalayuan sa aming kinatatayuan ang babaeng crew na kulang nalang lumubog ang mata sa talim kung makatitig. "Its my pleasure to welcoming a beautiful guest just like you." Uminit ang aking pisngi na kaagad ko namang tinapalan ng aking palad.




Tumawa ito.."Kung iyong mararapatin maaari ko bang malaman ang iyong ngalan."




"Gwen,Gwendolyn Furio Sandoval." Kagaya niya ginawa ko ang kaniyang ginawa. Nakatayo at tila nagulat si Kiro sa akin. Alam ko ang dahilan niya dahil kapangalan ko ang kapatid ni Gwenella. "Aren't you startled?" Tanong ko. "A-ah! W-what.. No! I just gonna go." Aligaga nitong wika.




Tinitigan ko lang ang kaniyang kabuuan habang papalayo sa aking kinatatayuan. Ibinalik ko sa portrait ang aking paningin.




Hatinggabi na still gising pa rin ako. Tanging ilaw lang ma nagmumula sa aking laptop ang gabay ko sa madilim at tahimik na silid. Kasalukuyan kase akong naghahanap ng article about sa mga Ingrata. "It was posted 25 years ago." Sambit ko ng iclick ko ang kaisa isang article about sa Ingrata.




Nakapaloob dito ang mga impormasyon patungkol sa gaano kagaling sa pag-manage ang isang Ingrata. Marami pang nakasulat pero wala doon ang hinahanap ko. "Lahat ng mga babaeng Ingrata ay nagsisimula sa Gwen ang ngalan pero bakit sila Lady Rita at Lady Miya hindi." Tila isang palaisip sa akin ang bagay na iyon.



"Dahil anak sila ng lalaking Ingrata kaya hindi nagsisimula sa Gwen ang kanilang ngalan."



"WHAT THE FUCK." sigaw ko ng biglang sumabat si Kim. "Tanging mga babae lamang sa kanilang angkan ang maaaring kunin ang pangalang Gwen at ipasa sa mga susunod na henerasyon that's why hindi naguumpisa sa pangalang yan sina Lady Rita at Lady Miya dahil anak sila ng lalaking Ingrata." Tila ako ang naguluhan pero gets ko naman..




"Hindi ba dapat gamit ni Gwenella ang apelyido ng kaniyang amang si Pablo.. How far na naging Ingarata siya kung gayung si Gwenyell na kaniyang ina ang Ingrata." Napapaisip kase talaga ako. "Tama.. Pero dahil siya ang kasalukuyang tagapamahala kaya hawak niya ngayon ang apelyidong Ingrata." May ganun pala.




"Teka lang bakit parang marami kang alam sa kanila?" Hinarap ko si Kim na ngayon ay ngumingiti. "Na-curios rin ako sa kwento ni Aljon kaya nag-search din ako sa library du ako dumaan oh." Turo niya sa bintanang bukas. What the heck--so kaya pala gising pa siya dahil in the first wala na siya dito.




Kita muna binubuhay talaga ng mga Ingrata ang curiosity ng isang tao eh..




******
So alam niyo na😂

The So Called DestinyWhere stories live. Discover now