Chapter 7 : Devor

56 1 0
                                    

Chapter 7: Devor

Samantha Point of View:

"Salamat sa paghatid,Lemuel." Nahihiya kong wika ng makababa ako sa kaniyang sasakyan.. He leave without any words. Tinanaw ko muna ang kaniyang sasakyang papalayo bago ako pumasok sa aming bahay. "Why you took so long.. Kanina kapa niya hinihintay?" Niya? Sino ang kanina pa naghihintay?..

"Wala naman akong alam na bibisita sa akin ng ganitong oras?" Wika ko sa aking kapatid.. "Alam kong kilala mo siya kaya wag kang tanga. Ate!" First time niya akong tawaging ate.. Pero totoo hindi ko kilala ang taong naghihintay sa loob. "Pumasok ka kaya para malaman mo." Insulto pa nito. Minsan talaga napapamahal ako sa kapatid kong ito--pano ba naman kase ang harsh niyang manalita ng harap harapan.


I rolled my eyes on him bago ko siya iniwan na parang tanga sa labas. In a moment that I open the door I saw familiar features of a man sitting besides my parents. "Ohh! Nandiyan na pala si Samantha." I smiled to my mom ng mapansin niya ako. Nag-mano ako sa aking mga magulang bago ko hinarap ang lalaking bisita. "Iwan muna namin kayo." Gayak ng aking magulang.


"D-dapat nag-sabi kang bibisita ka para atleast napaghandaan ko." Pabiro kong puna.. He laugh--ganun parin ang kaniyang tawa niya.. Walang pinagbago. "Surprise sana.. Kaya lang wala ka rito ng dumating ako." Nakangiti niyang pahayag pero alam kong hindi siya masaya.

"Bakit ka nga pala na parito?" Inilihis ko ang usapin. "Naalala mo pa ba ang pangako ko sayo noon?" Oo alang ala ko pa.. "Ano ba yun? Hindi ko na kase maalala." Pagkukunwari ko.


"Pagpapakasal tayo." Nalungkot ako sa balitang dala niya.. Kahit na alam ko na ang sasabihan niya bakit nasaktan pa din ako ng marinig ko ito mismo sa kaniyang bibig. "I-Im sorry.. Pero may mahal na akong iba." Ang ngiting naka-kurbata sa kaniyang mukha ay biglang nalusaw na para bang kandila na tinutupok ng apoy.. "Sabi ko na ba na hindi mo na ako mahihintay." He walked away but before he open the door may sinabi siyang mga katagang nagpatigil sa aking panandaliang hininga.. "Akin ka! Hintayin mo ang araw na yun." Napahawak ako sa aking dibdib.. Huli kong naaalala ang pagtakbo ng aking kapatid papalapit sa akin at ang mga nagaalalang mukha ng aking mga magulang..

Penelope Point of View:

Nakita kong nagmamadaling umalis si Kier.. Naudlot ang plano kong tawagin siya ng sumakay na ito sa kaniyang sasakyan. "Hindi man lang ako hinatid." Malungkot at tila nagtatampo kong puna.. Kinuha ko ang aking phone then I texted him.. Wala kase akong pang-tawag..

Wala akong nakuhang response kaya inilagay kong muli sa aking bulsa ang aking cellphone.. Bakit kaya ganun si Pangulo. "Okay ka lang ba." Tanong sa akin ni Sam.. I nod my head. Tumayo si Sam at nagpaalam sa may bahay na si Jem. Hawak kamay silang umalis ni Lemuel..


"Uyy Gwen anong oras tayong uuwi." Yugyug ko rito pano ba naman kase tulala at tila wala sa wisyo. "A-ah H-huh."

"Sabi ko anong oras tayong uuwi?"

"Ngayon na.. Teka't magpapaalam ako kay Jem." Tumayo siya at lumapit kay Jem..

After a couple of minute nakita kong sumenyas siyang "Tara na".. Nag-wave ako kay Jemica na sinuklian naman niya ng ngiti.


Buong byaheng tulala si Gwen.. Hindi ako sanay na makita siyang ganiyan. "Ikaw talagang bakulaw ka... Akala mo ba'y limut ko na ang kalaswaan niyo ni Gwenyth." Pinaghahampas ni Claire si Gerald na siyang nagmamaneho. "Tigilan mo ako Claire at baka ibangga ko itong sasakyan." Yes! Kasama namin sila sa loob ng sasakyan bagama't wala kaming sariling sasakyan eh nakikisakay lang kami.. "Uyy! Gusto ko pang mabuhay." Sipatya ko na ikinalingon nilang dalawa. "Tanungin mo nga yang katabi mo at baka gusto nang mamatay." Nguso nito sa katabi kong si Gwen. Nakatingin at tila tulala ito na nakasandal sa bintana. Sumenyas akong tumahimik na siyang sinunod naman ng dalawa.



"Gwendolyn,ano ba talagang problema mo? Dahil ba kay Pan?" Nakita ko sa front mirror na nakatingin sa gawi namin ang mga mata ni Claire na kagaya ko nagaabang rin ng kasagutan. "Pagod lang ako Pen.. Wala ako sa mood makisabayan sa inyo." Nagulat man ako pero inintindi ko ang kaniyang pasya.. Pero kahit na kating kati na ang aking dila pinilit kong itikom na lamang ito.




"Bye! Claire,Gwen pati narin sayo Gerald..ingat kayo." Nagwave sina Claire at Gerald habang si Gwen titig lang ang ibinigay sa akin.. Malapit lang kase ang bahay nina Gwen kay Claire kaya ako ang unang inihatid. "Hi! Penelope." Napahawak ako sa aking dibdib ng biglang lumabas sa dilim ang isang lalaki.. "Long time no see."




"Tell me dali..ano na ang buhay mo ngayon?" Nagagayak kong tanong.. At iniabot sa kaniya ang orange juice na tinimpla ko.. "Eto as usual naghihintay pa rin sa approval niya."



"Eh kase D. May mahal ng iba si Samantha at tiyaka... Past is Past ika nga nila." Uminom siya ng kunti kaya nakita ko ang kaniyang adams apple na umaalon alon. "Mahirap! Mahirap kalimutan siya Penelope.. Talagang siya parin ang narito." He pointed his heart.. Mahirap nga talagang kalimutan ang taong mahal na mahal mo.




"Buhay pa pala ito." Inaangat niya ang una naming litrato.. Lumapit ako sa kaniya at tinitigan ang litratong ito. "This is the most memorable..kaya hindi ko itinapon.. Ang sweet niyo rito ni Sam.."


"Sana maibalik ko ang nakaraan.. " napatingin ako sa kaniya ng lumungkot ang kaniyang tinig.. "....sa nakaraan bago ko piniling magibang bayan."



Naalala ko pa noon.. Pinapili siya ng kaniyang ina.. Pinili niya ang States over Samantha. Laking hinanakit ang dinanas noon ni Samantha bago niya nalimutan si D. Samantha's change her look--dahil ang dating Manang at nerd looking girl ay kaniya na niyang ibinaon..




"Laki ng ikinaganda niya ano." Oo at dahil yun sayo.. "Ayoko sanang sabihin ito.. Pero kase D nakamove-on na si Sam.. Masaya na siya ngayon.. Kaya sana pakawalan mo na siya dyan sa puso mo."



"How can I? Kung mismo gabi gabi siya ang naglalaro sa isip ko.." I feel pain in his words. "Pero D.. Samantha and Lemuel was engaged...soon they will be announce as Husband and Wife.. Ayokong dumating sa puntong ikaw ang hahadlang sa pangarap ni Sam na maihatid sa dambana."



"Bakit? Maihahatid ko rin naman siya diba." Hindi niya ako naiintindihan.. "Ngayon ko lang muling nakitang sumaya si Sam,D.. Sana naman maramdaman mo ang sakit na kaniyang hinanakit dahil sa pagiwan mo."



"No one can stop what I want to do.. Ako ang batas sa aming mga Santillian.. At hindi ako makakapayag na sa iba siya mapupunta." He walk.. Malapit na siya sa pinto ng bigla akong nagsalita. "Marahil nga ikaw ang batas.. Pero pagdating sa pagibig walang batas kaming sinusunod.. Tandaan mo yan,Devor Santillian." Nagpatuloy siya sa paglalakad pero alam kong nakinig niya.




Hindi ko alam kung bakit sa ganito pang paraan sumulpot si Devor.. Lalo tuloy gumugulo ang aking isipan idagdag mo pa ang pagiging tahimik ni Gwen.. Hay! Naku..

*******
Vote guys

The So Called DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon