Chapter 6: Goodbye Ingrata

57 0 0
                                    

Chapter 6: Goodbye Ingrata

Gwendolyn Point Of View:

"Alam mo Claire kapag hindi ka tumigil ihahagis ko na itong laptop ko sayo." Napapansin ko kaseng panay niya ang lakad na para bang nag-mamartsa.. Nahihilo kaya ako.."Kaya mo ba? Eh mas mahal mo pa nga yang laptop mo kesa sa akin." Napasimangot ako dahil sa kaniyang tinuran..

"Ano bang problema mong bruhilda ka at tila di ka mapakali? Seryoso naghahanda ka na bang magsundalo..kanina kapa martsa ng martsa ah."

Tumabi ito sa akin. "I have a problem." Malumanay niyang wika. "Ano yun?" Tanong ko habang titig na titig at hinihintay ang kaniyang sagot. "I think....I think....I think....I think....I think.."

"Ako ba ginagago mo Claire?" Mataray kong wika.. "Maganda ba ako?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa tanong niya.. "Tanong mo kay Gerald." I said habang nagumpisang mag-tipa sa aking laptop.

"He's busy... At ayokong gambalain ang chitchat nila ng higad na yun."  Isinara ko ang aking laptop dahil nakuha ng interest ko ang problema niya.. "Higad? Sino?"

"Sino pa ba ang malanding si Gwenyth." Mataray na tila galit nitong sagot. "Bakit? Ano ba ang ginawa ni Gwenyth at ganiyan ka kung makareact?" She really pissed off.. Nandyan na naman si Curiosity. "Eh pano ba naman kase.. Lumapit kay Gerald alam namang mahilig sa sexy ang lakaking yun." Now I know.. "Edi maglakad karin sa harapan niya habang naka-panty at bra..iba na ang panahon ngayon Claire hindi na uso ang Maria Clara."

"Kung pwede lang why not.. Alam mo namang umaaligid sa paligid ang mga mata ni Clark diba." Ahh yung kapatid niyang dinaig pa ang spy.. "Can I call Xyzille para libangin si Clark." Si Xyzille ay pinsan ni Pen.

"Wag na! Wala pa namang ginagawa si Clark." At talagang hinihintay mo pa. "Bakit pa kase under ka niyang kapatid mo.. Eh kung tutuusin ikaw pa yung matanda sa kaniya."


After naming magusap ni Claire narito na silang lahat nagiimpake at handa nang iwan ang Ingrata. Yes,ngayong araw aalis na kami ng Ingrata at babalik na kami sa kaniya kaniya naming buhay. "What can I do for you?" Marga ask. Mula noong isang araw pa siyang laging nakasunod sa akin. Napaka-loyal niya kay Pan dahil pumayag pa siyang bantayan ako. "Okay lang ako.. Just take your time." Nakangiti kong pahayag sa kaniya.



"Narito naba ang lahat?" Tanong ng driver naming si Josiah. Kahit na sinaktan niya ang puso ni Jem heto't heto pa rin siya kasama namin---lalo na ni Jem. "YES!" We said in Unison. Pinaandar niya na ang makina.

"Goodbye Ingrata." Muli naming sigaw. Sayang at walang Pan akong katabi. Tinignan ko ang aking katabi.. Tulog na tulog si Marga at humihilik hilik pa.

"Mamimiss ko kayo ulit." Mangiyak ngiyak na wika ni Samantha ng makarating kami sa bahay nina Jem. "Pwede mo pa naman silang bisitahin." Sabat naman ni Lemuel. My eyes expand 5 times ng marinig kong magsalita si Lemuel.. Ngayon ko lang siyang narinig  na magsalita mula ng dumating kami ng Ingrata.

Someone Point of View:

Kanina ko pa siya hinihintay at ngayon nandito na siya.. Kaagad ko siyang hinigit sa tagong bahagi at hinalikan. "Ano ba!.." Wika nito ng makawala sa aking labi. "Na-miss kita." Inirapan niya ako. "Mali itong ginagawa natin.. May boyfriend na ako at may girlfriend ka narin.. Kaibigan ko siya at ayokong kamuhian niya ako."

"Hindi masama ang ginagawa natin.. Tayo ang unang nagmamahalan.. Ako dapat ang lalaking kasama ko. Napilitan lang ako dahil ayokong malayo ka sa akin."

"Tigilan mo na ngayang kahibangan mo.. Pagod ako sa byahe at alam kong ikaw din.. Kaya please wag ngayon." Nagumpisa na siyang maglakad ng hinabol at hinarangan ko ang kaniyang daraanan. "Ayokong maging ganito tayo habangbuhay.. Gusto ko nang ibunyag ang relasyon natin." Agad niyang tinakpan ang aking bibig at palinga linga sa paligid.

"Ano nalang ang sasabihin nila aber? Na malandi ako dahil inagaw kita.. Magisip ka nga."

"Yun naman pala eh! Kaya dapat hindi na natin gawing patago ang ating pagsasamahan." Sinuklay niya ang kaniyang buhok. "Hindi mo ako nakukuha.. Hindi mo nakukuha ang ibig kong iparating. Masasaktan natin sila at siguradong itatakwil nila tayo."

"Eh ano naman kung ipagtabuyan nila tayo.. Atleast tunay tayong nagmamahalan."

"Mahal ko ang lalaking iniibig ko ngayon.. Patawad pero hindi ikaw ang gusto ko." Masakit marinig ang mga salitang yun. "Ano bang meron siya na wala ako." Nakaramdam ako ng mainit at mahapding palo sa aking pisngi. "Please tama na..Ayokong saktan ka..Kalimutan na nating may namamagitan sa ating dalawa." Masakit para sa akin ang mga salitang KALIMUTAN. "Akala mo ganun yun kadali..Ilang taon tayong nagsama."



"Taon? Maituturing mo bang taon ang mga yun.. Hindi ko naramdaman yang mga taon na sinasabi mo.." Now she's crying na nagpasikip sa aking dibdib. "Alam kong hindi ko itinuon ang aking mga mata sa iyo..Wag mo naman akong iwan."



"Magising ka nga sa katotohanan.. Mahal ko ang lalaking pumasok sa buhay ko at Ikaw." Turo niya sa akin.."....Itinatapon na kita sa iba." Pagtatapos niya..




Binangga niya ang aking balikat bago siya umalis.. Napakahirap ng ganito...Oo mahal ko siya--Mahal na Mahal pero kailangan nga yata naming mamili.



Kahit na wala kana sa akin.. Tandaan mong narito pa rin ako. "Sa ngayon hahayaan kong maging masaya kayo pero darating ang araw na sa akin parin ang bagsak mo." Nakita ko kung paano siya napatigil sa paglalakad. "Don't try harder.. Dahil hindi na muli ako mahuhulog sa mga bitag mo." Napangisi ako..



Tignan nalang natin.. Gagawa ako ng paraan para mabawi ka sa kaniya.. Ang akin ay akin ayoko ng may kahati lalo na sa pagmamahal ng taong una kong pagmamay-ari..



"What the heck! Nandito ka lang pala kanina kapa namin ni hinahanap ng bigla kang nawala sa bahay nina Jem."




Nginitian ko ang taong naa harapan ko. "Ikaw pala! Ramil.. Nagpahangin kase ako..Sige una na ako." Pinagpagpag ko ang kaniyang balikat bago ko siya iniwan.. "Teka.. Naiwan mo yata." Bigla kong hinablot ang bagay na inilahad niya sa aking harapan. "S-salamat." Kinakabahan kong sagot.




Imbis na dumiretso ako sa sala ng bahay ni Jem kung nasaan naroon sila lumiko na ako at nagtungo palabas nang mansion.

Ng makapasok ako sa aking sasakyan muli kong tinitigan ang bagay na pagmamay-ari niya..."Ng dahil sayo muntik na akong mabuking." Wika ko sa bagay na hawak ko.




Itinago ko ito sa loob ng aking sasakayan kong saan hindi madaling makita.. At saka ko pinaharurot ito.. Nakangisi akong tumingin sa salamin.. "Wait until you'll mine again."




***********
Luh😂Vote

The So Called DestinyWhere stories live. Discover now