Dos

1K 31 0
                                    

KURT

Ang gandang pagmasdan ng buong paligid sa maaliwalas na umaga ngayon. Nakakaginhawang pagmasdan ng pasikat pa lamang na araw sa silangan.

Walang polusyon, walang mabantot na hangin at walang ingay.

So quiet....

Pagbaba ko sa sala ay ang bughaw na karagatan agad ang natanaw ko  pati na ang pinong buhangin sa gilid nito. Dahil nga halos salamin ang buong wall dito sa ibaba ay kitang-kita tuloy mula dito sa loob ang lahat ng kaganapan sa labas.

Namalayan ko na lang na nakangiti na pala ako. Ang ganda kasi talaga ng paligid.

Nakakatuwa lang...

"Hi!" napalingon naman ako sa pinto patungong kusina kung saan nakatayo si Kinz.

Nakasuot siya ng malaking white shirt na hanggang siko niya ang manggas at grey sweat jagger pants.

Grabe! Mukha pa siyang lalaki kesa sa 'kin, lalo na't boy cut pa ang style ng buhok niya.

Naman talaga...

"Ahm..." kailangan ba talaga niyang ipahalata na nag-iisip siya ng itatanong niya? "Kumusta ang tulog mo?" Ba't parang ang awkward kapag magkaharap kami?

Talikuran na lang kaya namin ang isa't-isa ano?

Okay waley. Kaya siguro hindi natatawa si Kinz sa jokes ko noon. Psshhh!

"Ayos lang."  Sagot ko na lang din.

Matipid lang siyang ngumiti sabay haplos sa batok niya.

"Ahm... nagluto nga pala ako ng breakfast. Baka... ahm..." mariin niyang hinahaplos ang batok niya at nag-iisip na naman siya ng sasabihin sa 'kin. "Kumain ka na." ngiti lang ulit ako saka nagtungo sa kusina.

Bumungad sa 'kin ang simpleng breakfast lang naman pero nakakagutom ang amoy nito.

Umupo na nga ako at nagsimulang kumain.

Hmm... ang sarap niyang magluto.... ayos na rin.








Tahimik lang siya buong araw. Gusto kong mag open ng topic pero medyo naiilang ako dahil hindi pa ako komportable sa kanya at hindi ko rin alam ang mga bagay na gusto niyang pag usapan.

Nagkakasya na lang ako sa palihim na pagsunod sa mga kilos niya. Kaya nga nalaman ko din ang ilan sa mga mannerism na meron siya.

Madalas siyang humahaplos sa batok niya kapag naiinip o naiinis siya. Di ko sure pero base sa nakita ko parang ganun naman. Kapag naman tulig o nakatulala siya o walang magawa ay hinahaplos niya ang lower lip niya gamit ang thumb niya. Ewan ko kung mannerism niya 'yon o talagang sinasadya niya 'yon para akitin ako.

Hahaha... assuming ba?

Medyo naiinis lang ako dahil nakakaya niyang hindi magsalita ng buong araw! Kahit alam niyang nakatingin ako sa kanya ay wala pa rin siyang pakialam. Kapag napapalingon siya sa 'kin ay automatic agad ang pagngiti ko para malaman niyang di ako nananakit at pwede niya akong kausapin pero wala man lang siyang reaksyon na tititig lang sa 'kin sabay buntong hininga na para bang tinignan niya ang isang bagay na pasanin niya.

Hay...

First time kong makaencounter ng taong kasing tahimik niya, babae pa. Madalas kasi sa mga babaeng nakikilala ko sa Manila ay maiingay----lalo na sa kama. Di katulad ng isang 'to, mukhang nalunok ata ang dila. Tsk!

Nakakatuwa lang kung iisipin. Kasal na kami pero getting to know each other pa rin ang drama namin. Ngayon ko pa lang unti-unting nakikita ang mga bagay na ginagawa niya. Sa tingin ko naman mabait si Kinz eh. Tahimik lang talaga. Wag tayong judgemental.







Ampogi Kong Misis!Donde viven las historias. Descúbrelo ahora