Veinti Seis

294 14 0
                                    

KURT

Sinusubukan kong ibalik ang dating ako.

'Yong malanding ako.

Kaso bakit ganun? Simple lang naman dating gawin pero ngayon parang hindi ko na alam kung paano?

Na habang nakikipaglandian ako sa ibang babae si Kinz ang nakikita ko at pinapangarap na sana siya na lang ang nilalandi ko, na siya na lang ang kasama ko.

Na sa tuwing susubukan kong lumapit sa ibang babae ay mukha niya ang nakikita ko.

Ang daya lang kasi.

"Ang ganda ng Misis mo, ano?" Manghang-mangha pa rin si Alex sa ganda ng Misis ko.

Narito kami sa birthday party niya at ipinakilala ko na rin si Kinz sa kanila.

Nakalimutan kong puno nga pala ng Eva ang lugar kapag kaarawan ng lokong 'to. 'Yong iba, kilala pa si Kinz kaya panay ang lapit sa kanya.

"Hanep! Talo ng Misis mo ang gandang lalaki nating tatlo ah?" Natatawang sabi naman ni Rod.

"Mga sira talaga kayo."

"Ganyan ba talaga siya pumorma?" Tanong ni Alex habang nakataas ang kilay na nakatitig sa kabuuan ni Kinz.

"Oo."

"Grabe naman. Mas maganda pa siyang magdala ng damit panlalaki kesa sa 'tin eh." Natawa lang kami ni Rod sa sinabi niya. "Nag sex na ba kayo?"

Naibuga ko naman lahat ng alak na nasa bibig ko at direkta lahat 'yon sa mukha niya. Karma.

Napahagalpak na lang ng tawa si Rod.

"Mukhang hindi pa." Nasabi niya na lang habang pinupunasan ang basang mukha. "First time yan ah. Ni hindi ka man lang naka-score?" Binato ko naman siya ng tissue sa mukha.

"Tumigil ka nga. Dami mong sinasabi." Sumimangot lang siya.

Lumapit naman si Kinz sa kinauupuan namin na tapos na yatang makipag usap sa phone.

Halata kong medyo naiilang siya sa mga matang nakatingin sa kanya ngayon. Umupo siya sa tabi ko at nagulat ako ng hawakan niya ang isang braso ko at ipulupot iyon sa bewang niya.

Nagkatinginan lang naman si Rod at Alex sabay ng nakakalokong ngiti.

"Pwede bang ganito na lang muna? Para wala ng lumapit sa 'kin." Naiinis na naman 'to sa mga babaeng humaharot sa kanya.

"Oo naman. Para alam din nilang asawa kita." Ngumiti naman siya na mukhang napanatag.

"So." Sabay kaming tumingin kay Alex na may sasabihin na naman sigurong kalokohan. "Kumusta naman si Kurt bilang asawa? MASARAP ba?" Gago talaga 'to.

"Oo." Slow pa naman 'tong Misis ko. Si oo din eh iba na ang ibig sabihin nitong si Alex.

"MAHABA ba.......ang kanyang...pasensya?" Nagpipigil naman ng tawa si Rod.

"Sobra."

"MALAKI ba ang kanyang ti...ti....tirahan?"

"Yah." Kinukurot na ni Rod si Alex dahil mamatay-matay na ito sa pagpipigil ng tawa.

"Ayos ah!" Natawa na si Rod na hindi na nakapagpigil pa sabay kutong kay Alex.

Natatawa na lang din ako. Siyempre ngiti lang ang inosente kong asawa.

"Sa paraan ng pagtawa niyo mukhang iba ang laman ng tanong niyo ah?" Huminto sila pareho sa sinabi ni Kinz.

"Hehe... sorry. Nagbibiro lang naman kami. Alam naman naming wala pang nangyayari sa inyong dalawa." Bawi agad ni Alex sa kalokohan niya.

Ampogi Kong Misis!Where stories live. Discover now