Veinti Cuatro

275 15 1
                                    

KURT

"Kurt...Kurt...hey!" May malambot na kamay ang tumatapik sa mukha ko ngayon. "Kurt! Wake up!" Pilit kong iminulat ang mga mata ko. "Hahatid kita sa room mo." Napakunot-noo naman ako ng mamukhaan ang taong pilit na gumigising sa 'kin.

"C-Cassy?" Anong ginagawa nito dito?

"Tayo na." Tinulungan niya akong makatayo at inalalayan patungo sa kwarto ko.

Tinulungan niya rin akong makahiga ng maayos sabay tanggal ang shirt na suot ko.

"A-Anong ginagawa mo dito?" Patuloy lang siya sa pagtatanggal sa shirt ko.

"Pinapunta ako ni Kinz dito. Wala ka daw kasing kasama ngayon eh."









CASSY

"Pinapunta ka niya dito?" Tumango lang ako at tinulungan ulit siyang humiga ng matanggal ko ang suot niyang shirt. "Si Kinz ang nagpapunta sa'yo dito?" Yah. Mahirap naman talagang paniwalaan.

Galing ako sa restobar ni Kinz kanina at naabutan ko siya dun kasama ang girlfriend daw niya. Medyo na-confused pa ako pero hindi na rin ako nagtanong pa. Nagulat nga ako ng ibigay niya sa 'kin ang susi ng bahay nila at mas nagulat ako ng sabihin niyang puntahan ko si Kurt dahil kailangan nito ng kasama.

Saan ka makakakita ng asawang kagaya ni Kinz? Wala siyang katulad at walang may planong tularan siya.

At ako naman, heto. Hanggat may pagkakataong makalapit kay Kurt ay susunggaban ko. Ganun ako katanga sa kanya. Paulit-ulit na nagpapakatanga.

At eto nga, nadatnan ko siyang nakalupaypay sa sahig ng balkonahe dahil sa sobrang kalasingan.

Ngayon ko lang siya nakitang ganito.

WASAK!

At sa unang pagmulat niya kanina ay sumalubong sa 'kin ang mga mata puno ng kalungkutan at sakit. Sumalubong sa 'kin ang damdaming kelan man ay hindi ko inakalang makikita ko sa pares ng mga mata niya.

Napakalayo na ng Kurt na nakikita ko ngayon sa Kurt na nakilala ko noon. Mas better version ngayon. Mas seryoso, mas responsable at nagmamahal na. Sadly, hindi ako ang mahal niya.

Payapa na ulit siyang natutulog ngayon.

Dahan-dahan akong naupo sa tabi niya habang pinagmamasdan ang mukha niya.

Masakit para sa 'kin na ang tingin niya lang sa akin noonay isang babaeng pampalipas oras lang. Pero kahit masakit ay tinanggap ko 'yon, kung sa ganung paraan ay makukuha ko naman ang atensiyon niya kahit sandali lang.

Wala akong pakialam kung magmukha man akong desperada basta't ang mahalaga ay nasa 'kin siya. Akin lang.

Hinawakan ko ang mukha niya pababa sa labi niya. Nagulat naman ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

Siya lang ang tanging nakapagbibigay ng ganitong pakiramdam sa 'kin. Na sa hawak niya pa lang ay nagkakagulo na ang lamang loob ko at nagwawala na agad ang puso ko.

Unti-unti niyang iminulat ang mga mata niya at tumitig sa mukha ko.

"K-Kinz..." Napagkamalan niya pa akong asawa niya. "Wag mo akong iwan. Please? 'Wag mo naman akong iwan oh? Kinz... please... mahal na mahal kita. Please? Stay?" And for the first time, nakita ko ang mga luha ng pusong bato. "Mahal na mahal kita, Kinz." Napakagat-labi na lang ako at hindi ko na napigilan ang pagpatak ng traydor kong mga luha.

Hindi ako nasasaktan sa mga sinabi niya, mas nasaktan ako sa sinasabi ng mga mata niya. Kitang-kita ko ang takot na baka mawala si Kinz sa kanya at pagmamahal.

Ampogi Kong Misis!Where stories live. Discover now