Quince

299 15 0
                                    

KURT

Dinala ako ni Kinz sa isang restobar na pagmamay-ari daw nila ng mga kaibigan niya. Ipakikilala niya rin daw ako sa mga ito na hindi nagpunta sa kasal naming dalawa dahil ayaw ni Kinz. Hindi ko na tinanong kung bakit dahil kahit ako, hindi ko rin pinapunta ang mga kaibigan ko nung araw ng kasal ko. Ayokong makita nila ang itinuturing ko dating 'isinumpang araw' ng buhay ko.

Dati...

kasi ngayon....

"Hey." Bati ni Kinz sa mga kaibigan pagkapasok namin sa loob. "Ahm, Kurt. Kaibigan at bandmates ko." Sila 'yong mga nasa posters sa wall ng music room niya. "Aaron, Xander at Anton. Asawa ko." Nagkatinginan lang kaming apat.

Nakakatawa naman siyang mag-introduce ng tao.

Isa-isa na lang nila akong kinamayan at binati. Mukhang mababait ang mga kaibigan ni Kinz at hindi sila weirdo.

Parang may kulang sa kanila?

"Lima kaming nagpapatakbo ng lugar na ito dati. Ngayon apat na lang kami." Sabi na nga ba eh. May kulang nga.

Napahinto naman ako sa mini stage nila kung saan naroon ang kumpletong set ng music instrument.

"Nagpe-perform din kayo dito?" Tumango lang siya. "Ikaw ang vocalist?"

"Kapag nasa mood."

"Hm?" Ngumiti lang siya sa reaksyon ko sa sinabi niya.

"Ito naman." Binuksan niya ang isang pinto. "VIP room. Para sa mga kaibigan at kapamilya namin."

"Lungga mo kamo. VIP room ka diyan." Biglang pagsasalita ni Anton mula sa likuran namin na may kukunin ata sa loob ng kwartong binuksan ni Kinz.

"Pinagsasabi mo diyan?" Parang batang nagmamaktol na tanong ni Kinz.

"Totoo naman ah? Dito siya madalas nakatago kapag nabuburyo siya sa dami ng tao sa labas." Napangiti na lang ako dahil hindi naman na kagulat-gulat ang ugaling 'yon kay Kinz. "At ito din ang ligtas na lugar para takasan ang mga customers namin na siya lang naman ang ipinunta. Hahaha!!!"

"Ha-ha-ha...kakatawa 'no?" Napangiti ako ng makita ang side ni Kinz na ganito. 'Yong naiinis siya dahil inaasar siya. "Tara na." Hinila niya na ako para lumayo sa kaibigan niyang tawa pa rin ng tawa.

Pikon din pala siya.

"LAURAAAAA!!!!" Napalingon ako sa direksyong pinanggalingan ng malanding sigaw na 'yon. Nakapikit lang naman si Kinz na parang nairita sa sigaw na 'yon o sa pagtawag ng Laura sa kanya.

Isang lalaki ang nakita ko na nagmamadaling lumapit sa 'min. Mukha siyang modelo dahil sa tangkad at tindig niya kaso mukhang hindi ko na kailangang hulaan ang gender niya.

"Ang ingay mo talaga." Seryosong sabi niya habang mariing humahaplos sa batok.

"Nairita ka agad? Sorna." Alam din nila kung paano basahin ang mga gestures na iyon ni Kinz. "Namis kita!" Sabay yakap sa asawa ko.

Kung nasa malayo ako at nakita ko ang eksenang nakayakap ito kay Kinz baka kung anong isipin ko. Para kasing hindi angkop ang itsura niya sa kasariang meron siya. Sabagay, kanya-kanya naman tayo ng freedom of expressions.

"Bitaw na." Bumitaw naman agad ito sa kanya. "Si Kurt. Asawa ko."

"Ayy... Hi Pare! Ampogi mo naman." Hindi ko napigilan ang pagtawa ko. Ang macho kasi ng pagkakasabi niya tapos biglang ganun ang sasabihin niya. "Pakurot nga. Hmp!" At kinurot niya ako sa braso na may kasamang gigil. "Sarap mo." Boses lalaki pa rin siya ng sabihin iyon.

"Pagkain ba 'yan?" Naiiling na sabi ni Kinz.

"Oo na-man!" May paglaki pa ito ng mata. Mukhang alam ko na ang ibig niyang sabihin.

Ampogi Kong Misis!Where stories live. Discover now