Dose

274 13 0
                                    

KURT

"We're here." Napaikot ang mga mata ko sa buong paligid ng lugar kung saan kami huminto ni Kinz.

Isang sikat na bar ito dito sa Makati. Nagagawi din ako dito paminsan-minsan dahil dito makakakita ng mga dyosa. Tambayan din kasi ito ng mga celebrities, business men at anak mayamang spoiled brats. Pwede mong gawin lahat ng gusto mo dito dahil mananatili sa loob ang nangyari sa loob. Kaya dito ko nakikita ang tunay na ugali ng mga iniidolong artista sa dito sa Pilipinas. Tss....

Nauna nang bumaba si Kinz at sumunod na rin ako.

Nakatingin lang ako sa likuran niya habang papasok kami sa loob mg bar.

Nakasuot siya ng simpleng three-fourth v-neck shirt na tama lang ang haba at laki sa katawan niya. Simpleng jeans at converse lang ang suot niya pero kahit gaano kasimple ang suot niya eh nagiging maganda 'yon dahil sa tangkad at lakad niya.

Hottie...

Na astig. Pshhh..

Magkasalubong na nga ang mga kilay ko bago kami tuluyang makapasok sa loob eh. Paano ba naman? Andaming sumusunod ng tingin sa kanya at panay din ang bati ng mga taong nadadaanan namin. Mukhang maraming nakakakilala sa kanya sa lugar na ito.

"Dito tayo." Sumunod na lang ulit ako sa kanya.

Sa pinaka sulok kaming dalawa umupo kung saan hindi na ganun ka-crowded.

"Lahat ba ng nandito kilala mo?"

"Nope."

"Eh parang lahat naman sila kilala ka, ah?" Tanong ko na medyo nilakasan ang boses dahil sa lakas ng music.

"Kilala nila ako. Pero hindi ko sila kilala." Peymus!

May bigla namang lumapit sa 'ming lalaki at may sasabihin sana ito kay Kinz pero nahalata ata nitong hindi magugustuhan ng asawa ko ang sasabihin niya kaya umalis din ito.

"Sino 'yon?" Curious kong tanong kasi parang natakot sa presensya niya 'yong tao eh.

"Wala. Nangungulit lang. Kinukuha akong modelo para sa mga jeans na design niya."

"Ayaw mo?" Tumango siya. "Bakit? Panget ba ang designs niya?"

"Sikat ang designs niya kaya ayoko." Hm...Gets ko na.

Kilala niyo naman si Kinz, ayaw niya ng maingay na mundo. Kung sikat nga ang products ng taong 'yon ay pwedeng mas maraming rin ang makakilala kay Kinz na malamang sa malamang ay iniiwasan niyang mangyari sa buhay niya.

Grabe. Kakaupo pa lang namin pero parang ang dami na agad ng ganap.

Umorder si Kinz ng alak na mababa lang ang alcohol content. Ayaw niya daw ng hard kaya pagbigyan. Gusto ko pa naman sanang maglasing dahil.....

Wala...

Namiss ko lang.

"So." Parehong naagaw ang atensiyon naming dalawa sa nagsalita.

Isang babaeng blonde ang palapit sa 'min ngayon habang may hawak na bote ng alak.

Maganda ito, maputi at makinis. Hot. Sobrang iksi ng skirt na suot nito na makikita na ang 'you know' nito. Nakaluwa rin ang malaking dibdib nito na para bang may boses at sumisigaw na, "ang laki ko 'no?"

"Totoo nga palang andito ka ngayon, Hottie." Seductive na sabi nito. Parang pamilyar sa 'kin ang mukha niya? I think I've seen her before......somewhere....

Hm...

Lumapit pa ito kay Kinz at medyo yumukod dahil nga nakaupo si Kinz. Idinikit pa ang dibdib sa asawa ko.

Ampogi Kong Misis!Donde viven las historias. Descúbrelo ahora