ADIOS

587 14 8
                                    

Ngiting meron ako sa mga labi ko ngayon.




Ngiti ng pagkakuntento sa lahat ng nangyari.





Hindi man perpekto pero buo. Totoo.





Pinagmamasdan ko ang papalubog na araw habang nakasakay rito sa yate at naririnig ang mga kabigan ko na busy sa paghahanda ng hapunan sa labas ng bahay.






"Sorry sa istorbo." Lumapit siya bitbit si Bunso. "Mukhang may ibang hinahanap. Hindi ko mapatahan eh." Ngumiti ako kay Cassy at kinuha ang anak ko. "Maiwan ko na muna kayo. Aayusin ko muna sina Zaldy at Alex--nagkapikonan na naman kasi." Bahagya akong natawa habang naiiling.






"Salamat, Cass." Tumango siya sabay halik kay Bunso at umalis.






Binuhat ko patalikod ang anak ko upang iharap siya sa makulay na kalangitan dahil sa paglubog ng haring araw.






Tahimik lang kaming dalawa...at parehong napalingon dahil sa tunog ng camera.





"Ang cute niyo." Lumapit siya sa 'min saka inabot sa 'kin ang dala niyang dalawang bote ng wine na iinumin namin mamaya sa hapunan.





Ibinulsa niya ang hawak na phone sabay suklay sa maikling buhok niya na bahagya pang naging messy sa may parteng noo.





Kinuha niya si Bunso na agad na ngumiti ng makita ang INA niya.





Oo.







Bumalik silang dalawa sa 'kin.






Humihinga....





Buo....






Buhay....





"Nagugutom ka na ba?" Tanong ni Kinz sa anak namin habang hinahaplos ang ibabang labi nito.




Napapansin ko rin kay Kenzly na madalas niyang haplusin ang ibabang labi ni Kinz.





Ang cute nga nilang dalawa eh.





Ikinuha ko siya ng upuan upang makapagpadede siya ng maayos.





Breastfeed si Bunso.





Itinaas niya ang damit na suot kaya nakita ko ang hiwa sa tiyan niya na para bang sariwa pa ring tignan.




Sugat na tanda ng pagiging matapang niyang ina. Nang pagiging mabuting ina.




Umiwas naman ako ng tingin ng makita ang dibdib niya.



Ba yan?




Alam niyo bang wala pa ring nangyayari sa ming dalawa ulit ng asawa ko?




Ahahaha.....




Halos dalawang buwan siyang nanatili sa ospital matapos manganak at ilang buwan na nagpabalik-balik sa ospital.




Ampogi Kong Misis!Where stories live. Discover now