Once

309 12 0
                                    

KURT

Halos ginugol ni Kinz ang buong maghapon niya sa puntod ni Alexander. Panay pa rin ang pag iyak niya.

Habang tinitignan ko siya, kitang-kita ko kung paano siyang magmahal. Buong-buo niya itong ibinibigay. Kung kay Alexander sobrang pagmamahal na...ano na lang kaya dun sa taong iniibig niya.

Ang swerte ng taong 'yon.

At hindi ako 'yon...

"Anong iniisip mo?" tanong ni Kinz mula sa likuran ko.

Nakatayo kasi ako ngayon sa malawak na balkonahe ng mansyon nila kung saan para akong hari na tinatanaw ang aking buong emperyo. Napakalawak ng lupain nila.

"Wala naman." sagot ko lang.

Lumapit pa siya sa kinatatayuan ko habang tinatanaw din ang buong lupain nila. Malungkot ang mata niya habang tinitignan ang lawak ng hacienda.

Kalungkutan na lang lagi ang nakikita ko sa mga mata niya...

"Ang lawak ng lupain niyo, 'no?" Mapait naman siyang mgumiti.

"Kahit gaano pa kalawak 'yan, sandali lang naming naiikot ni Alexander." Kaya pala malungkot ang mga mata niya habang pinagmamasdan ang lupain nila. Naaalala niya pala si Alexander.

Nanahimik na lang ako dahil baka may masabi pa akong magpalaungkot pa lalo sa kanya.

"Kurt." Nilingon ko muli ang direksyon niya kasi nga mas pinili kong titigan ang taniman kesa ang kalungkutan sa mga mata niya. Nakakahawa eh. "May sasabihin sana ako sa'yo." Mukhang importante ang sasabihin niya dahil tinawag niya ang pangalan ko at seryoso ang mukha niya.

"Ano 'yon?" Kunot-noong tanong ko.

Humawak naman siya sa batok niya senyales na nag-aalangan siya.

"Ahm.. gusto kong maging honest sa'yo. Hindi bilang asawa mo kundi bilang kaibigan." Medyo kinakabahan ako sa sasabihin niya. "Ahm...hindi ako nagkakagusto sa lalaki." Nakatitig lang ako sa kanya. "I....I'm gay." Mariin niya pang kinagat ang lower lip niya.

"Ah." Mabibigla pa ba ako? Tss... 'wag na.

Hindi naman ako ganun ka-manhid para hindi 'yon mapansin sa kanya. Kaso, iba pala kapag kompirmado na talaga. Pero ayan na siya eh, ganyan siya. Parte 'yan ng pagkatao niya.

Hay...

"Galit ka ba?"

Mad? Nah.

"I'm sorry."

"Sorry for what? For being gay?"

"No. Sorry for not telling you the truth. Hindi ko naman ihihingi ng sorry ang pagiging gay ko, I'm proud of it." Ngumiti naman ako.

"Bakit nga ba 'di mo sinabi agad?"

"I don't know. Para kasing hindi naman importante."

"So bakit mo sinabi ngayon?"

"I don't know. Siguro dahil importanteng tao ka na sa buhay ko. At gusto kong maging honest sa lahat ng bagay." Tumango na lang ako saka ngumiti ulit. "Naisip ko na magpakilala sa'yo. Hindi bilang weird na umiihing nakatayo kundi 'yong bagong weird ngayon." Hindi ko napigilan ang tawa ko sa sinabi niya pero seryoso pa rin siya.

"Sige. Maganda 'yan. Makikilala ko ang mas level up na pagka weirdo mo." Kumamot lang naman siya sa ulo niya.

"Pero may gusto lang akong sabihin." Ewan ko? Pero nakaramdam ako ng kaba sa sinabi niya. "Gusto kong malinaw sa 'tin ang lahat." Nagsalubong ang mga kilay ko at gets niya naman na hindi ko makuha ang gusto niyang sabihin. "Gusto kong sabihin na kahit mag asawa na tayo, we still have our own choices and freedom. Gaya ng: pwede ka pa ring maghanap ng babae, tumingin ng mga babaeng gusto mo basta be responsible lang and don't forget to use condoms, and pwede kang lumabas anytime you want kapag bored ka na sa company ko." Napaamang ako sa sinabi niya.

Seryoso po siya.

"Parang binata?" Tumango siya. "Okay lang 'yon?"

"Sa tingin ko." Napa smirk ako sa sagot niya. "Lalaki ka. You have your needs na hindi ko talaga maibibigay." Alam ko kung anong tinutukoy niya.

Yah. Lalaki nga ako. I have my needs. At 'yong needs na 'yon ay asawa lang ang pwedeng magbigay but unfortunately---she's different.

"Ngayong malinaw na sa 'tin ang lahat." Malinaw? Saan? Ano? Walang malinaw sa lahat ng 'to. "Gusto kong ipakita sa'yo ang mga lugar na madalas kong puntahan. Gusto kong mas makilala mo pa ako."

"Bakit mo gustong mas makilala pa kita?" For formality?

"Kasi kaibigan kita." Tss... bakit hindi pwedeng maging rason ang 'kasi asawa mo ako?'

"Sige." Ano bang magagawa ko? Magalit ngayon dahil sa mga sinabi niya? Ptsh!

"Cool. Sige, magbihis ka. Magbibihis na rin ako. May pupuntahan tayo."
Pagkasabi niya nun ay tinalikuran niya na nga agad ako upang magtungo sa silid niya.

Hay...

Nakakapagod mag-isip. Sobra.

Ang dami kong nalaman kay Kinz. Mga bagay na sana 'yong iba hindi totoo. Pakiramdam ko tinapunan ako ng nuclear bomb at sumabog iyon sa pagmumukha ko mismo----hindi ako handa.

Bawat tirada ng mga salita ni Kinz, lahat 'yon.....lahat 'yon parang mga balang tumama sa puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Basta nasaktan ako. Basta may parte ko na nasasaktan ngayon.

Sa bawat pagbuka ng bibig niya ay dalawa lang ang pwede kong maramdaman. Masiyahan at......

Masaktan.

Sigh...

Ang hirap talaga kapag hindi mo kilala ang taong kasama mo tapos naging importante na sa'yo. Hindi mo na maibabalik ang dating nararamdaman mo sa kanya dahil nga lumalim na ngayon. Nagkaroon na ng memories, nahaluan na ng iba't-ibang klase ng emosyon na mahirap ng ibalik sa dati nung hindi pa siya mahalaga sa buhay ko. Nung isa lang siyang taong hiniling ko na sana hindi nag exist para hindi ako maikasal sa kanya. Nung isang weirdo lang ang tingin ko sa kanya.

Ngayon....ang komplikado tuloy...

Lalaki ako, lesbian siya, pareho kami ng gusto---babae. Iisa kami ng target. Haruuuy...

Medyo natawa ako ng maalala ang mga ginawa kong pang-aakit sa kanya sa isla.

Kaya pala...

Kaya pala kahit anong gawin kong pang-aakit sa kanya eh hindi umeepekto.

Ayaw niya ng pandesal. Gusto niya ay monay.

Psshhh...

Mariiin kong hinawakan ang dibdib ko kung saan naroon ang mabigat na pakiramdam bagay na nagpapasakit sa 'kin. Damdaming hindi ko naisip na mararamdaman ko na siya ang dahilan.

Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon; Naiinis, nalulungkot, nasasaktan at naguguluhan.

Dati, ayoko sa isla. Pero ngayon? Sana bumalik kami dun. Sana dun na lang kami.

Kaming dalawa lang. Walang ibang tao o karakter sa buhay namin. Kami lang talaga. Siya at Ako.

Kaming mag-asawa lang.

Hay....

Gusto ko ng umuwi sa bahay naming dalawa.

Sa tahanan namin ng asawa ko...

Ampogi Kong Misis!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon