Chapter 4 (Furious Eyes)

321 8 0
                                    


Maagang gumising si Red dahil susunduin niya pa si Louise sa bus station natapos na kasi ang three day seminar nito sa Batangas.

"Hi,tired?"

"Hi,yes."

Hinapit ni Red ang dalaga palapit sa kanya.

"You want to eat. I know a place somewhere."

"Yes please."

"Let's go."

Pagkatapos kumain ay nagpunta sila sa isang spa and massage service upang marelax ang kanilang katawan.

"Kumusta pala ang trabaho mo?" tanong ni Louise.

"Ayos lang may panibago akong imbestigasyon."

"Good."

Mayamaya ay nagring ang phone ni Red pero hindi niya ito pinansin hanggang nakailang tawag na ito.

"Hindi mo ba sasagutin? Baka naman emergency Red."

Inabot ni Red ang cellphone at sinagot.

"What the hell Sandecker you ugly nasty jerk!" bulyaw ni Venus sa kabilang linya.

"Will you come down?" napahawak siya sa sentido.

"Come down? You evil piece of shit! I've been calling you for hundred times. Nasaan ka ba?!"

Quota na siya sa pamumura ng babae pero mas nanatili siyang mahinahon.

"Mr.Hernandez is bringing me somewhere at stuck ako sa madilim at masikip na sulok ng kotse niya. I can barely move."

"Shit!"

Napamura si Red sa ere at mabilis na umalis sa pagkakahiga.

"Where are you going?"

"Ihahatid na kita sa bahay. Kailangan ko kasing pumunta sa trabaho."

"Okay."

"I'm sorry."

"It's okay, naiintidihan ko nothing to be sorry."

Matapos maihatid si Louise sa bahay ay mabilis na pinuntahan niya si Venus.

He was tracking down her from her current location. Unfortunately mahina ang net service kaya biglang nawala ang lokasyon ng babae. Mabuti na lang tumawag ito.

"Ang tagal mo naman Sandecker!"

"I lost my connection. Alam mo ba kung nasaan ka?"

"Yes,you idiot! Nasa isang bahay kami somewhere in Marikina."

"Copy that. Anyway..."

Binabaan agad siya ng cellphone ng babae. Nang marating niya ang lugar ay agad siyang sumampa sa mataas na bakod ng bahay para makapasok sa loob. Maingat ang bawat galaw ng binata dahil nasa balwarte siya ng kalaban.

Nagpunta siya sa isang kwarto at may secret passage pala ito sa ground floor ng bahay. Nang makarating sa baba ay nakita niya si Venus na nakatali sa isang silya.

"Venus?"

"Bakit ngayon ka lang Sandecker? Bilis na kalagan mo na ako para mapakawalan ko na ang mga babae."

Napansin ni Red ang isang hickey sa leeg ng dalaga.

"Ito ba? (sabay turo sa hickey). Kagagawan iyan ng manyakis na Mr.Hernandez na 'yon!"

----------------------------------------------------------

Mabilis nilang hinanap ang susi sa mga drawer pero hindi nila ito mahanap.

 Goddess StingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon