Chapter 29 (Culprit)

160 5 0
                                    


Busy sila sa paggawa ng kwintas ng dumaan si Selya.

"Hi Marcelo" todo ngiti nitong bati kay Red.

"Oh hi Selya" tugon ni Red.

"May kailangan ka sa asawa ko?" nakameywang na saad ni Venus.

"Wala naman."

"Wala naman pala eh 'di alis."

"Ha? May sinasabi ka Ligaya?"

"Ang sabi ko akala ko may kailangan ka kay Marcelo."

"Ganoon ba. Marcelo bukas na lang tayo magkita" at umalis na ito.

"Magkikita kayo bukas? Bakit? Anong meron?" sunod-sunod na tanong ni Venus.

"Bakit nagseselos ka? Kung ganyan ka Venus hindi ko maiwasan na isipin na gusto mo ako" bulong ni Red.

"Ako? Ako talaga?" itinuro pa ni Venus ang sarili.

"A-huh."

"Dream on" at inismiran niya ang lalake.

"Hoy kayong dalawa kanina pa kayo nagbubulungan dyan baka gusto niyo magshare sa amin" sita ni Jelay.

"Naglalambing lang si Ligaya" ani Red.

"Sus! Puro kayo lambingan umuwi na lang kayo."

"BP mo Jelay" paalala ni Anna.

Nang makauwi sa bahay sina Red agad siyang hinarangan ni Venus matapos maisara ang pinto.

"Ano na naman ito Venus?"

"Aminin mo nga bakit kayo magkikita ni Selya bukas?"

"Iyon ba umamin na kasi siya sa akin na siya ang kumuha ng kwintas sa museum."

"What? So alam niya na ang identity natin?"

"Hindi pa."

"Bakit mo pa ipagpapabukas halika na puntahan na natin siya ngayon."

Tinungo nga nilang dalawa ang bahay ni Selya.

"Marcelo? Oh akala ko ba bukas na tayo magkikita? At bakit mo pa sinama si Ligaya?" ani Selya.

"Ang rami mong tanong ilabas mo na ang kwintas."

"Anong kwintas?"

"At magmaang maangan ka pa talaga kahit umamin ka na. Pwes! Mag-usap kayo ng kaibigan ko" inilabas ni Venus ang baril na isiniksik niya sa mahabang palda.

"Venus! Ibaba mo 'yan" utos ni Red.

"Ang dami kasing arte ng babaeng 'yan ayaw pa ilabas ang kwintas."

"Sino ba kayo? Bakit may baril ka?"

"Ang kwintas! Kilos na bilis!" sigaw ni Venus.

Natatarantang ibinigay ni Selya ang kwintas sa kanila.

"Good. Kailangan pang sigawan para ilabas."

"Sino ba talaga kayo?" tanong ni Selya

"I'm Detective Red Klee Sandecker at siya naman si Detective Venus Athena Herrera" pagpapakilala ni Red.

﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Kinabukasan nagdesisyon sina Red at Venus na babalik na ng Maynila kasama si Selya.

"Salamat sa inyong mainit na pagtanggap sa amin rito at sorry po kung itinago namin ang aming tunay na katauhan sa inyo" ani Red sa mga taga Bagong Paraiso.

"Walang anuman iyon Red basta kung may time kayo dumalaw naman kayo ni Venus rito" ani Aling Sita.

"Opo, gagawin po namin 'yan."

Sa hindi inaasahan na pagkakataon ay naglabas ng patalim si Selya at itinutok kay Venus.

"Walang lalapit kundi tutuluyan ko ang babaeng ito" ani Selya.

"Selya, bruha ka 'wag na 'wag mong sasaktan si Venus" pag-aalala ni Jelay.

"Red,hindi mo ba tutulungan si Venus" saad ni Jelay.

"Kaya niya na 'yan."

Siniko ni Venus ang babae kaya nakawala siya kay Selya.

"Bwisit ka!" sigaw ni Selya.

Akma siyang susugurin ni Selya ng hawak na patalim ngunit sinipa iyon ni Venus kaya tumilapon to sa may buhanginan. Mabilis na hinawakan ng dalaga ang kamay ni Selya saka inipit sa likod.

"Wow! Hindi ko akalain na ang galing pala makipaglaban ni Ligaya ay este Venus" napapalakpak na sabi ni Jelay.

"Black belter at sharp shooter 'yan sa Agila, Jelay" ani Red.

Matapos magpaalam ay sumakay na sila ng bangka paalis sa isla. Sinurender naman nila si Selya sa police station sa Palawan.

"Finally we're going back to Manila" bulalas ni Venus.

"Tumawag sa akin si Dante kanina pabalik na rin daw sila ng Maynila."

Pagdating sa Maynila ay naturn-over na rin nila ang kwintas sa manager ng museum. Nagbukas na rin ulit ang Agila mas hinigpitan pa nito ang security ng facility.

"As of now ako muna ang tatayo bilang head ng Agila habang wala pang nagiging desisyon ang board" saad ni Anton.

"How about the case of Mr.Oh and other members of Agila died, nahanap niyo na ba kung sino ang may gawa nito dad?" tanong ni Venus.

"Sa ngayon ang sigurado kami ay anak ni Lucas ang may kagagawan nito."

"Ang leader ng Wreck Gang?" ani Castillo.

"Mga hayop na gang na 'yan saan ko sila mahahanap? Hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nila sa mga kasamahan ko sa Agila" ani Venus.

"Venus calm down hija" saway ng kanyang ama.

"So ang anak na pala ni Lucas ang nagpapatakbo sa gang.Sino ba itong anak niya?" tanong ni Red.

"Hindi namin kilala kung sino talaga ang anak niya alam niyo naman tuso si Lucas. Sinadya niyang itago ang kanyang katauhan para lang sa kanyang illegal na negosyo" pahayag ni Anton.

"Kaya pala pinamanmanan niyo sa akin ang bawat kilos ni Lucas sa loob ng selda?" ani Castillo.

"Mismo. Kailangan natin alamin kung sino ang mga taong may kaugnayan sa kanya na makapagtuturo ng kinaroroonan ng anak niya" tugon ni Anton.

Sa pagbabalik sa Agila ay naging maingat ang bawat kilos nila. Bawat miyembro ng agency ay naging misyon ang paghahanap sa anak ni Lucas.
Nagsama na ulit ang binansagang trio ng Agila sina Red,Venus at Dante.

"Mga hangal na wreck gang na 'yan saan ba ang lungga ng mga hayop na 'yan!"

"Ms.Venus easy kanina pa mainit ang ulo ninyo baka gusto niyo munang magpalamig?" ani Dante.

"Eh kung magmaneho ka na lang kaya dyan Dante" pambabara ng dalaga rito.

"Kumusta pala sa Bagong Paraiso? Pansin ko naging tan ang kulay niyo Ms.Venus ah."

"Ayos lang marami kaming nakilala doon ni Red at may naging kaibigan."

"May naging kaibigan ka Ms.Venus?"

"Oo bakit gulat na gulat ka?"

"Hindi ho kasi kayo iyong tipo na palakaibigan."

"Anong sinabi mo? Gusto mo ikaw ang una kong itumba bukod sa anak ni Lucas?"

"Nagbibiro lang Ms.Venus."

Hindi naman talaga nakikipagkaibigan si Venus sa iba mula ng may nangyari sa kanya. Si Jelay at Anna lang ang naging kaibigan niya bukod sa mga kasamahan sa Agila na itinuring na din niyang mga kaibigan.

 Goddess StingWhere stories live. Discover now