Chapter 21 (Agila's Agony)

160 6 0
                                    


Nabalitaan nila Red at Venus ang masamang nangyari sa Agila. Nagkaroon nang palitan ng putok kontra sa isang grupo ng gang na nakalaban na nila dati.

Ambush ang nangyari, nasawi ang director na si Mr.Oh at iba pang miyembro ng Agila. Isinara na muna pansamantala ang Agila habang hindi pa nila tiyak ang kaligtasan ng iba pang miyembro ng agency.

Agad na pumunta ng Maynila sina Red at Venus.

"Castillo, ano ba talaga ang nangyari?" tanong ni Red.

"Hindi pa namin alam sa ngayon but the seniors are taking an action on this kaya kailangan na muna natin maglie low hindi pwede na makilala din tayo ng mga gang."

"Gusto mo magtago kami? Bring them in, I'll kill them all" galit na saad ni Venus.

"Venus,we will take this slow hindi pa naman natin alam ang mga taong gumawa nito" wika ni Katherine.

"Mr.Oh just died, I will never let them go with this!"

"Nariyan na kami Venus pero sa ngayon priority ng Agila ang mga kaligtasan natin. Mabigat ang kaaway natin ngayon" ani Denisse.

"Wala akong pakialam,hindi ako matatahimik hanggang hindi napapanagot ang may kagagawan nito."

"Venus,calm down. Nakapagdesisyon na din ang mga board members. Ang daddy mo muna ang maglilead ng Agila sa ngayon. They will contact us kapag may lead na sila" pahayag ni Castillo.

"Ayon pa sa dad mo Ms.Venus mabuti pa ay bumalik na muna kayo sa isla Bagong Paraiso at doon magtago pansamantala, ipagpatuloy niyo na rin ang naging misyon niyo gayundin ang sa amin nina Katherine,Castillo at Denisse. Tayo na lang ang natitirang detectives they coudn't afford to lost us" ani Dante.

Bumalik na lang sina Red at Venus sa isla at ipagpapatuloy ang paghahanap sa nawawalang kwintas sa museum. Tinawagan ni Venus ang ama habang pabalik sila ng Palawan.

"Hello dad. Where are you?"

"Nasa Agila ako."

"What? Are you really taking the lead on this?"

"Oo naman kaibigan ko si Mr.Oh alam mo 'yan at gagawin ko ang lahat para malaman kung sino ang may kagagawan nito."

"What about your security?"

"As of now nakaclose ang front base, nasa underground kami don't worry too much hija hindi nila kami matatagpuan."

"Thank God, alam na ba nito ni mom?"

"I told Zeus not to tell your mom. Sige na hija mag-iingat ka dyan, balitaan mo na lang ako kapag natagpuan niyo na ang kwintas."

Nang makarating sa isla ay agad na kinuha ni Venus ang baril na nakatago sa tokador.

"Venus,ano ang gagawin mo?"

"I'm going back to Manila aalamin ko kung sino ang may kagagawan nito kay Mr.Oh o maging sa iba nating kasamahan."

"Naririnig mo ba iyang sarili mo? Hindi mo alam kung sino ang kalaban mo Venus."

"I don't care basta pagbabayarin ko silang lahat! You know Mr.Oh,he was not just our director but he was a father to me. Sa mga araw na nasa Agila ako naging ama siya para sa akin Red."

"Alam ko ang nararamdaman mo Venus pero hindi ka pwedeng magpadalos dalos paano na lang kung mapahamak ka? Sa tingin mo ikakatuwa 'yon ni Mr.Oh?"

Kinuha ni Red ang baril mula sa babae saka ibinalik sa tokador. Mayamaya may kumatok sa pinto nila.

"Magandang hapon sayo Marcelo may natira pa pala kaming isda rito ibibigay ko na lang sa inyo."

"Ay salamat ho Aling Sita."

"Teka nagtatalo ba kayo ni Ligaya? Narinig ko kasi ang sigawan ninyo."

"Kaunting pagtatalo lang ho pero nagkaayos naman ho kami."

"Mabuti kung ganoon siya sige aalis na ako."

"Salamat po ulit."

"Sino 'yon?"

"Si Aling Sita, heto may bigay na isda. Ang mabuti pa lutuin ko na ito para sa hapunan natin mamaya."

"Ako na ang magluluto mula ng makarating tayo dito ikaw na ang laging nagluluto baka bilangan mo pa ako ng trabaho."

"Marunong ka ba?"

"Excuse me mister laki ako sa hirap kaya sisiw sa akin ang pagluluto at isa pa nakalimutan mo yata na
mag-isa ako sa apartment."

"Okay, nga pala nasabihan ko na si Ka Berto kanina na sasama ako sa kanila sa laot mamayang gabi."

"Para saan?"

"Manghuhuli kami ng isda para naman may panggastos tayo rito.Wala naman kasing malapit na ATM machine rito."

"So iiwan mo akong mag-isa rito?"

"Harmless naman ang mga tao rito o baka naman gusto mo akong katabi sa pagtulog mo?" he wiggle his eyebrow.

"Tse! Huwag kang gumawa ng issue."

"Just tell me at ora mismo hindi na ako sasama sa kanila."

"Gusto mo katabi mo sa tulog ang 45 riffle ko?"

"Chill,you're so hot."

"Because I'm hot."

"Oh really?"

Pinasadahan siya ng tingin ni Red mula ulo hanggang paa. Nakasuot ng mahabang duster ang babae kaya nagmumukha itong manang.

"I don't think so."

Biglang naghubad si Venus ng suot na duster saka itinapon sa mukha ni Red leaving her two blue two piece and make a pose.

"Goodness gracious! What are you doing Venus baka may makakita sayo" ani Red saka mabilis na isinara ang tapat na bintana.

"Now tell me Sandecker if I'm still not hot?"

Napahawak sa sintido si Red. May pagkapilya talaga ang babae bukod sa marahas ito.

"Okay you are hot, happy?"

"That's what I wanted you to say. Akin na ang damit ko."

Hinablot ng babae ang damit sa kamay ni Red saka nagbihis sa harapan nito.

"You surely are liberated" ani Red.

"Ayaw mo ng ganito? Hindi ba 'yan ang hanap niyong mga lalake? All of you! You just after are body."

"Hindi totoo 'yan. Noong kami pa ni Louise at nabubuhay pa siya minahal ko kung ano siya at hindi ang katawan niya."

"Talaga? So hindi ka talaga maaakit sa dyosang kagaya ko?" maarteng saad ni Venus sa lalake.

"Try me" he said in a cold tone.

"Fine. Watch out Sandecker tingnan natin kung sino ang uuwing talunan."

Pawang katotohanan ang mga sinabi ni Red kay Venus minahal niya si Louise hindi dahil sa katawan nito kundi dahil mahal niya ang babae.

Sa ilang buwan nilang magkasama sa bahay minsan lang kung makasiping niya ang babae.

 Goddess StingWhere stories live. Discover now