Chapter 25 (Follow Your Heart)

169 3 0
                                    


Dahil alam na ng karamihan ay wala ng takas sina Red at Venus kundi ang sumali.

"At dahil nandito na ang lahat ng
mag-asawa.Ang laro natin para sa gabing ito ay tatawagin nating 'Follow your Heart'.Simple lang ang mechanics ng game kailangan piringan ang mga babae tapos ilalagay namin sa iba't ibang pwesto ang kanilang asawa at kapag nahanap na nila ito ay kailangan halikan ng babae ang asawa at sila ang tatanghaling panalo" pahayag ni Aling Sita.

Nagsimula na ang laro may dalang cellphone ang bawat player para makausap nila ang isa't isa.Ang babae ang siyang maghahanap at ang lalake naman ang magbibigay ng direksyon.

"Players ready get set and go!" ang paghudyat ni Ka Berto.

"Kanan,then diretso.No! Stop! Kumaliwa ka I mean kanan ulit" ani Red.

"Umayos ka Sandecker kundi malilintikan ka sa akin!" banta ni Venus.

"Heto nga at pinagbubutihan ko na."

Napapagod na si Venus sa ginagawa gusto niya ng umuwi.

"Malapit na Venus, walk straight.Stop! Kaliwa and finally you made it."

"Then kiss me now" ani Venus.

"Ha?"

"I can't see you Red kaya ikaw na ang humalik.Bilis na para matapos na ito."

He cupped her face with his hands and kissed her.Tila nangungusap ang kanilang labi at hindi na nila narinig ang palakpakan ng mga tao.

"At ang nanalo ay si Mr. and Mrs. Guzman" anunsyo ni Aling Sita.

Pagkatapos ng laro ay nagkaroon ng sayawan.Pero hindi batid ng karamihan ay dalawang nilalang ang nasa isang sulok nakaupo malayo sa mata ng karamihan.Walang nagsasalita at walang kumikilos.

"Hoy kayong dalawa naghalikan lang kayo kinalimutan niyo na kame.Ligaya halika sumayaw tayo,Marcelo hihiramin muna namin ang asawa mo" paalam ni Jelay.

Mabuti na lang hinila si Venus ni Jelay kundi hindi na alam ng dalaga ang gagawin pa.Nakita din ni Venus na hinila ni Selya si Red. Hating gabi na nang makauwi sina Red at Venus. Nang makapasok ay tumuloy na agad sa kwarto si Venus.

"Can we talk?" ani Red.

"Tungkol saan?"

"About earlier."

"Huwag na natin pag-usapan wala na 'yon it was just a kiss or should I say you are honor to experience the sting of a Goddess. Matutulog na ako."

*flashback*

Matapos na magpakasal si Thea at TJ sa America ay bumalik sila sa Pilipinas para manirahan sa Makati.May bahay kasi doon si TJ.

"Ang mabuti pa mahal maligo ka na at magpaganda ka."

"Bakit?"

"Basta. May pupuntahan lang ako pero babalik din ako agad mamaya."

Nang makaalis ang asawa ay nakahinga ng maluwag ang babae.

"Thea gusto mong kumain?"

"Aling Tasing? Sandwich na lang ho."

"Ayos ka lang ba talaga Thea?"

"Hindi ko naman ho alam na naibenta na pala ako ni tiyong."

"Iba din talaga iyang amain mo ano mukhang pera! Hindi man lang inisip ang kapakanan mo."

"E kasi naman daw ho hindi daw niya ako tunay na anak."

"Kahit na,naku sana noon pa hindi na pumayag ang nanay mo pumasok sa buhay niyo ang Carding na 'yan."

"Salamat ho Aling Tasing kahit papaano nabawasan ho ang lungkot ko."

"Basta kung may kailangan ka nandito lang ako."

Gabi na pero hindi pa bumabalik si TJ kaya minabuti na lang ni Thea ang matulog.Past midnight nang may sumampa sa kanya.

"TJ?"

"Nagising ba kita mahal?" at ngumiti ito ng nakaloloko.

Nagsimula siyang halikan ng asawa pero nagpupumiglas siya.

"Parang awa mo na TJ huwag mong gawin ito."

"Asawa na kita kaya may karapatan ako sayo at isa pa binili na kita kaya sumunod ka kung ayaw mong masaktan!"

Hinaklit nito ang suot niyang blouse.

"H-Huwag! Huwag mong gawin ito sa akin maawa ka" kandaiyak na saad ni Thea.

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi niya.Sapo ni Thea ang pisngi.

"P-Please h-huwag mo itong gawin sa a-akin."

Ngunit nagtingang kawali o hindi man lang nakinig ang binata at mas pinakinggan ang tawag ng laman,inangkin siya nito.Kahit anong kuskus ng katawan ni Thea ay hindi parin maiaalis na binaboy siya ng asawa.

"Aahhhhh Hayop!!!!Hayop ka TJ!"
kahit pumalahaw siya ng iyak alam ni Thea na walang dadamay sa kanya.

Nang mga sumunod na araw kung gusto ng asawa na makasiping siya bugbog ang inaabot ni Thea kapag nagmamatigas siya.Tulad ng gabing iyon matapos siyang tadyakan ay hinila ang buhok niya papuntang kama.Tila natutuwa pa nga ang lalake na makikitang nahihirapan siya.

"T-Tama na" usal niyang hinang hina rito.

"Sige magmakaawa ka pa mahal hahaha" humahalakhak pa ito.

"T-tigilan mo na ito please."

"Gusto ko kasing ganito Thea eh kasi kapag hindi naku baka masuka ako sayo mukha ka kasing manang.Gumaganda ka lang sa paningin ko kapag ganito ka, mahal ko."

"Hayop ka talaga!Nandidiri ako sayo" punong puno ng galit na sigaw niya.

Itinulak siya ni TJ sa headboard ng kama.Itinapon nito ang vase malapit sa kanya kaya napatalon siya sa takot.

"Ganyan ang gusto ko kapag lumalaban ka na Thea mas ginaganahan ako mahal" tawa pa nito na tila baliw.

Nanginginig na si Thea sa takot.Lumapit ang lalake at saka sinuntok sa tiyan ang asawa.Nang makita nitong hinang hina na siya ay saka siya sinimulan halikan.Bawat halik nito ay mapagparusa,marahas.

*end of flashback*

 Goddess StingWhere stories live. Discover now