Chapter 6 (Sibling's Fight)

264 6 0
                                    


Maaga silang tatlo ni Dante pumunta sa airport dahil seven ang oras ng flight nila.

Magkatabi ng upuan sina Dante at Red samantala sa harap nila si Venus. Kung pagbabasehan sa unang tingin akalain mong celebrity si Venus dahil sa mga suot at ayos nito at hindi isang undercover agent.

"Staring is rude!" she hissed.

"Sorry...I just wonder kung bakit mas pinili mong maging undercover agent."

"Some souls push me to grab this kind of work" tumingin sa bintana si Venus ng maalala ang isang lalakeng kinamumuhian niya.

Nakita ni Red kung paano kinuyom ng dalaga ang kamao nito. Naging smooth naman ang naging biyahe nila. Pagkarating nila sa Cebu ay tumuloy silang tatlo sa bahay ng mga Herrera.

"Hi mom. Hi dad" bati ni Venus sa mga magulang at niyakap ang mga ito.

"Hello Athena, mabuti na lang at nakauwi ka dito. Kung hindi pa nagkaroon ng mission dito sa Cebu baka hindi mo pa maisip na dalawin kami dito" may himig pagtatampo ang boses ng ina.

"Mom, dadalawin ko naman talaga kayo nagkataon lang na may mission din ako dito."

"And who are this two?" tukoy nito kina Red at Dante.

"They're my collegues. Sandecker and Dante."

"Hi ma'am" bati ni Red habang tahimik lang si Dante sa tabi.

"Huwag mo na akong tawagin na ma'am okay, just call me tita Hilarie."

"Okay tita Hilarie."

"That's better."

"Venus, show them their room" utos ng ama.

Inihatid ni Venus ang mga kasamahan sa kwarto nito. Nagdesisyon kasi si Mr.Oh na mas mabuti ng nasa bahay muna sila ng mga Herrera. Malaki naman ang bahay kaya walang problema kung doon muna ang dalawang kasama. Pumasok sila sa isang pintuan at isang kwarto na may dalawang kama ang tumambad sa kanilang paningin.

"Make yourself at home gentlemen. Kung may kailangan kayo iutos niyo na lang sa mga kasambahay" ani Venus.

Nang lumabas ang dalaga ay inayos na ni Red ang mga damit at inilagay sa tokador.

"Ang laki naman ng bahay ni Ms.Venus bakit nagtitiis siya sa maliit na apartment sa Maynila" nagtatakang sinabi ni Dante.

"May be she want to keep her life low profile. Anyway, I need to get shower first."

Nagbabad muna siya sa bath tub. Napagod siya sa biyahe kaya gusto niya marelax muna ang katawan sa lukewarm na tubig. Nang lumabas si Red wala na si Dante sa kwarto kaya minabuti niya na bumaba na rin.

"Hijo? Halika magmeryenda ka muna dito" tawag ni Hilarie.

"Salamat po" at hinila ang upuan sa tabi ni Venus.

"Huwag kayong mahiya, kumain lang kayo. Dante right? Ilang taon ka na hijo?"

"Twenty three po."

"Ang bata mo naman naging undercover agent."

"Hon, walang pinipiling edad ang pagiging isang agent" bulalas ni Anton sa asawa.

"Ganoon ba. How about you Red, ilang taon ka na?"

"Twenty eight ho tita."

"Do you have a girlfriend?"

"Yes."

"Mom, ano ba naman iyang mga tanong ninyo?" sita ni Venus sa ina pero hindi siya pinansin ng ina.

"Hmmm...may kilala ba kayong kaibigan na bachelor? Itong si Athena kasi single pa hanggang ngayon."

 Goddess StingWhere stories live. Discover now