Chapter 16 (New Life)

185 6 0
                                    


Isang tanghali may kumatok sa pinto ng bahay niya.

"Sino 'yan?"

"Si Venus?"

Anong ginagawa ng babae sa bahay niya? naitanong ni Red sa sarili.

"Ano ang ginagawa niyo dito? Umalis na kayo!" pagtataboy niya sa mga ito.

"Umalis na tayo Ms.Venus" narinig ni Red na sabi ni Dante.

"Kung gusto mong umalis eh 'di umalis ka ng mag-isa mo Dante."

Tsk.Suwail talaga kahit kailan ang babae ani Red sa sarili.

"Kailangan natin mag-usap Red, kaya buksan mo na itong pinto o gigibain ko ito at alam mong hindi ako nagbibiro Red" pagbabanta pa ni Venus.

"Umalis na kayo!"

Ilang saglit pa ay nagiba na ang pinto ng bahay ni Red sinipa lang naman ito ni Venus.

"What the fuck! What is wrong with you woman?"

"What-is-wrong-with-you? Hindi ka na pumapasok sa Agila at pinababayaan mo na ang trabaho mo. Hanggang kailan ka ba magmumukmok ha Red?"

"Hindi niyo alam ang pinagdaanan ko."

"Hindi lang ikaw ang nawalan sa buhay Red, kaya tigilan mo na ito.

"Please,just leave!"

"At ano magmumukmok ka na lang dito hanggang gusto mo? Ibuburo mo ang sarili sa madilim na sulok ng kwarto mo. Lulunurin ang sarili sa alak hanggang magkasakit ka sa atay? Ni hindi mo na nga nagawa pang ahitin iyang balbas mo nagmumukha ka na tuloy fugitive sa ginagawa mo. Move on Red,dinaig ka pa ni Taylor Swift sa pagmomove-on."

"I don't want to hear your sermon, so leave!"

"Cut the drama Red,pwede ba magpasalamat ka na lang na nandito kami ni Dante para gisingin ka sa kahibangan mo. Anyway, Dante kumuha ka nga walis at dustpan at maglinis ka, kasi naman itong kabaro natin dito ni hindi na magawa pang maglinis. Magtataka pa ba ako ni pag-ahit nga hindi niya magawa."

Kanina pa hindi magkandatuto si Dante sa gilid nag-aalala kasi ito na baka magalit talaga ng tuluyan si Red sa pangingialam nila tapos heto pa si Venus na hindi alintana ang pagiging prangka sa kausap.

"Walang maglilinis! Umalis na sabi kayo hindi ko kayo kailangan dito."

"Narinig mo ako Dante ang sabi ko ay maglinis ka" pambabalewala ng dalaga sa sinabi ni Red at kampanteng naupo sa isang sofa.

"Hindi ka ba talaga marunong makinig ha Venus?" nanlilisik ang mga mata ni Red na hinawakan ng mahigpit sa braso si Venus.

"Ano ba Red bitawan mo nga ako, nasasaktan ako" pilit na kinakalas ni Venus ang mga kamay ni Red.

"Don't try to pull trick on me bitch!" bulyaw niya sa babae.

Umigkas ang kanang kamay ni Venus at isang malakas na sampal ang pinatama niya sa binata. Sa lakas ng sampal ay tila nagising si Red sa katotohanan.

"Sorry" mahinang saad niya niya kay Venus.

Ngunit hindi parin nakahuma sa kinauupuan niya ang dalaga. Nilapitan ito ni Red pero biglang lumayo sa kanya ang dalaga.

"Lumayo ka sa'kin 'wag mo akong hawakan" sigaw nito.

Tila takot na takot ang dalaga sa ginawa niya. Those eyes! Ang mga tingin ni Venus ay kapareho noong nasa underground sila punong puno iyon ng takot.

Naalarma naman si Dante ng makita ang kasama.

"Ms.Venus,ayos lang ba kayo?"

"T-tubig!"

Mabilis na kumuha si Dante ng tubig at inabot kay Venus kaya tuluyan ng nahimasmasan ang dalaga.

"Those eyes..kaparehong kapareho mo siyang tumingin. Sasaktan mo din ba ako ha Red?" pahayag ng babae.

"Hindi kita sasaktan,nabigla lang ako. Sorry."

"Sana nga. Anyway aalis na kami,halika na Dante."

Hindi niya akalain na manumumbalik na naman ang takot sa mga mata ni Venus. Kanino ba ito takot na takot?

Nang sumunod na araw ay inahit na ni Red ang balbas pagkatapos ay nagsimula nang maglinis ng bahay. Itinago niya na rin sa isang box ang lahat ng mga gamit ni Louise. Inayos niya na rin ang pinto na sinira ni Venus hanggang ngayon ay hindi parin siya makapaniwala sa lakas ng babae.

Bago pumunta sa grocery ay sumaglit muna siya sa isang barber shop para magpaclean cut. Mula sa itim na kulay ng buhok ay pinakulayan niya ito ng ash gray na bumagay naman sa kanya.

Kinabukasan ay maaga siyang pumunta sa Agila para magtrabaho. Sa dalawang buwan na wala siya sa Agila ay tambak na ang mga files sa mesa niya.

"Oh my dearest Red, mabuti naman at pumasok ka na hijo" ani Mr.Oh.

"Matagal tagal na din po kasi akong hindi nakakapunta dito sa Agila ayaw ko nang tumambak pa ng marami ang trabaho ko."

"Talaga bang ayos ka na hijo?"

"Sa dalawang buwan po ng pagluluksa aminado ako na medyo nabawasan na ang pangungulila ko kay Louise."

"That's the spirit boy! Keep it up."

"Look who's here? Finally the drama king came out from his shell" sarkastikong saad ni Venus ng makapasok sa opisina.

"Sa lakas ba naman ng sampal mo ay hindi ako matatauhan?" he teased her.

"Sa susunod hindi lang 'yon ang gagawin ko sayo."

"By the way, tungkol kahapon sorry talaga."

"No worries wala na sa akin 'yon."

Makalipas ang sandali ay dumating na rin si Dante sa opisina.

"Sir Red?" gulat ito nang makita sa cubicle si Red.

"Ako nga hahaha"

"Naku salamat at nandito ka na din sir, hindi niyo lang alam habang wala kayo rito halos ikamatay ko ang mga pinagagawa sa akin ni Ms.Venus" sumbong ni Dante.

"I can hear you Dante" may banta sa boses ni Venus.

"Ms.Venus? Ah...hahahaha nagbibiro lang po ako."

"Give me one round!" utos ni Venus rito.

Halos matawa si Red sa naging reaksyon ng batang kasamahan.

Napansin naman ni Red ang mga kaunting pagbabago ni Venus hindi tulad noon na hindi sila kinikibo ng dalaga ngayon ay pinapansin na sila at nakikihalubilo na ito pero hindi parin nagbabago ang pagiging matalas ng dila at prangka kapag may kausap sa Agila.

 Goddess StingWhere stories live. Discover now