Chapter 56

4.5K 155 6
                                    

Heheheh!! Eto na mga Ridahs!

Zylphire's POV

One month na nang makilala namin si Zam. Maingay narin naman sya.

Naglalakad na kami papunta sa school kase may exam ngayon! At ang aga aga namin! Excited kasi si Yuri! Nag "aral" daw kasi sya kagabi!

Psh. If I know nag laro lang sila ni Zam kahapon nang mga laruan na galing pa sa happy meals sa mcdo.

I can hear them laughing kaya kagabi! They were arguing pa nga about sa kotse daw na sasakyan ni Barbie! Yikes. Boys? Barbie? Nah!

"Ate! Si kuya Yuri oh!!"sumbong ni Zam.

I darted a Glare at Yuri who is currently putting a padlock sa zipper ng bag ni Zam.

"What?!"natatawang tanong nya!

"Tanggalin mo yan!"sabi ko sakanya!!

"Weeeehhhh!! Boringgg!!! KJ!"sigaw nya sakin.

Sinimulan kong tanggalin ang sapatos ko para sana ibato sakanya nang akbayan ako ni Calix.

"Hayaan mo na sya. Baka masapol mo sa ulo eh. Maalog pa utak nun. Lalong lumala ang sakit."sabi ni Calix.

"Oy oy! Anong sakit?!"sigaw agad ni Yuri na sumingit sa pagitan namin ni Calix.

"Sakit sa utak."sabay sabay na sabi nang mga nasa likod!

Tumawa kami kaya sumimangot si Yuri

"Utak daw kuya oh. Hahahahaha"tawa pani Zam na naka turo sa mukha ni Yuri.

"Whyyy!! Bakit ako nalang lagi ang napapag tripan!!"madramang sigaw ni Yuri. "Dahil ba gwapo ako?!"

Napa 'pfft' kami sa sinigaw ni Yuri.

"Kulang na talaga turnilyo sa utak nyan. Tara na."sabi ni Vince na naka headlock kay Zam at nilagpasan na namin si Yuri.

Nang makarating kami sa harap ng Ca.pus gate ay narinig namin ang sigaw ni Yuri.

"Guys?! Guys!! Bakit nyo ako iniiwan!!!"Sigaw ni Yuri!

"Nakakahiya sya."bulong ni Jayden.

"ikaw rin."sabi ko sakanya.

"Mas lalo ka na."sabi nya naman sakin.

Nag ambaan kami nang suntok.

"Takbo. Andyan na si Yuri."biglang sabi ni Jandrei kaya tumakbo kami!

Hanggang sa Classroom ay naririnig namin ang sigaw ni Yuri na hinatayin daw namin sya.

Minsan nag tataka na din ako.. Diba nakalimot si Yuri?

Pero may mga nababanggit sya sakin kapag nag kekwento sya about sa mga nangyari nung bata pa kami.

Ako lang naman ang nakalimutan nya? Lahat nang mga ginawa namin na kasama ako ay nakalimutan nya.

Nakakaalala na ba sya?


"Aaayyy!! Spacing out! Ipatapon kita sa Mars!"sabi ni Yuri na nasa harapan ko na pala!

"Yoko sa Mars! Taga dun ka eh!"sabi ko sakanya.


Eniwey. hindi masyadong maingay dito sa classroom namin dahil mga nag rereview po sila. Tinakot ko kasi hehe. Eto plashbak.


*One month ago*

"Hindi kayo mag rereview?!"sigaw ko sa mga kaklase ko na naglalaro.

"Hinde!"

"Pampasakit sa utak lang yon!"


"Bagsak din naman kami!"

Napa singhap ako. Tsk tsk.

"Fine. Uulit kayo nang third year pag hindi kayo nakapasa diba? Tama ako diba?"tanong ko. Natahimik sila na para bang mga nag iisip. "lilipat ulit ako nang Classroom pag hindi kayo nakapasa sa exam nyo ngayon."

Umupo ako ulit sa upuan ko at nag labas nang libro.

Tapos biglang nag sigawan!

"P*ta!"

"Yun na ang pinaka nakakatakot na banta na nadinig ko!"

"Maka pag review nga!"

"Makaka pasa talaga ako neto! Nakooo diko titigilan tong librong to."

Napa ngiti ako. Hehehehehe. Tinignan ako nang mga lalake na kasama ko sa bahay.

"You have ways of scaring them."tumatango tango na sabi ni Calix.

"Galing mo Ate. Nag review lahat oh."sabi naman ni Zam.

*Present*

Well atleast nag pursigi silang mag aral.

At kung mag iingay man sila. About sa nire-review naman nila yun.


"grabe ka ah!"reklamo ni Yuri at bumalik na sa upuan nya para mag review.

"Si Jose Rizal nga yung pambansang bayani!"

Napalingon ako sa sigaw ni James! Iba na ang sitting arrangment. Hehe wala naman talagang sitting arrangement kaya ang gulo ng mga uouan namin.

Kaharap nya si Clein.

Pareho silang may hawak na libro sa History.

"Si Superman kaya!"sigaw ni Clein!

"Hinde! Si Joze Rizal yon!"sigaw naman ni James.

"Superman!"

"Jose Rizal!"

"Superman!"

"Jose Rizal!"

"Tch. Baket?! Nakakalipad ba yang Jose Rizal mo?!"sigaw ni Clein.

"Hinde!"sigaw naman ni James!

"Edi si Superman nga ang bayani!"sigaw ni Clein.

"Tch. Baket?! Nabaril ba sa likod yang superman mo?!"sigaw din ni Jose Riza----ni James pala.

"Hinde! Kase mabilis syang lumipad!"sigaw ni Clein


Kumurap kurap ako.


"Tigilan nyo ako! Si Batman ang Bayani!" singit ni Jeris.

"Si Superman!"
"Si Jose Rizal!"

Sabay. As in sabay na sigaw nung dalawa. Napaiwas pa si Jeris nang sumigaw yung dalawa.

Nag surrender nang kamay si Jeris. "Okay okay. Chill."

"Ate?"tawag sakin ni Zam.

Tinignan ko sya. "Why?"

"Diba si Jose Rizal?"tanong nya sakin.

"Oo."sabi ko.

"Oh! Kita mo! Kita mo! Kahit yung unang bunso at ung pangalawang bunso, si Jose Rizal daw!"

Napatalon kami ni Zam nang ituro kami ni James.

"Zyreeee?? Mag pinsan tayo diba? Sabihin mo nga kay James na si Superman ang bayani!!"sabi ni Clein.

"Si Jose Rizal naman talaga."sabi ko at nag kibit balikat

Napa singhap si Clein at kumibot kibot ang labi nya. "Hindo kita bate!!"sigaw nya at tinalikuran ako.

napa iling nalang ako.

Baliw.

--

Chapter 56! Okay ba? Huh? Huh? Okay ba???

pa VOTE please.

-Alexa Gwyneth

Me and My Boys (Part 2)[Fire #1]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora